Welcome, Guest. Please login or register.
August 22, 2017, 01:45:56 PM
Home Help Login Register
News: FILM GYM ng Film Academy, ongoing na!

+  The F.A.P. Forum
|-+  Other Boards
| |-+  Humor (Moderator: ALASANDER)
| | |-+  Mga Kwentong Gagamba ni Gabriel (Part 3)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic. « previous next »
Pages: [1] Go Down Print
Author Topic: Mga Kwentong Gagamba ni Gabriel (Part 3)  (Read 832 times)
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« on: April 10, 2014, 11:20:07 PM »

Natural na Mahilig sa Gagamba

Bakit ba nahihilig sa gagamba ang isang tao?
Iba-iba siguro ang dahilan. Pero ganito ang nangyari noon kay Gabriel.

Likas na mahilig sa halaman ang nanay ni Gabriel. Malamang ay namana rin ito ng nanay niya doon sa lola Ipin (Agripina) ni Gabriel. Kaya naman ang paligid ng bahay ay punong-puno ng mga  halaman. May nakatanim sa lupa at mayroon ring naka lagay sa paso. Meron pang mga hanging plants.

Isang araw grade 3 si Gabriel noon, nakakita siya ng gagamba doon sa halaman ni Nanang Lea niya. Isang puting-puti na may tuldok na itim sa likod. Bilog na bilog ang tuldok. Tama po. Isang gagambang tala ang nahuli ko. Hindi ko alam kung gaano kalaki yun. Pero sa kamay ng isang grade 3 na tulad ko, big as in very big ang tingin ko sa gagambang yun. Kinuha ko ang posporo sa bahay, inalis ko ang laman (Hindi ko matandaan kung itinapon ko ang laman. He3x.) at ginamit kong lalagyan ng gagamba ang kahang wala ng laman.

Feeling great! Iyon ang pakiramdam ko. Nine years old ka, at hawak-hawak mo ang isang gagamba na ikaw ang nakahuli sa halamanan ni mother. Hapon ko nahuli ang gagamba, kaya naman halos hindi ako makatulog nung gabing iyon. Lol. First timer talaga.

Kinabukasan, papasok na si Gabriel sa school. Sinilip ang gagamba. Araguy! Malaking disgrasya. Kinagat ng langgam ang gagamba ko at patay na ito.

Para akong namatayan. Ayaw kong pumasok sa school. Lol. Mabuti na lang at teacher ang nanay ko. Hindi ko matandaan kung ano ang sinabi niya sa akin para pumasok. Pero sure ako, hindi ako tinakot o sinaktan. The best yata ang mother ko.

Late pa rin kami dumating sa school. Nagka-kantahan na ang mga kaklase ko ng ihatid ako ni mother sa may pinto ng room ko. Si Misis Diests ang teacher. At nakakuha ako ng 3rd honor sa kanya. Iyon lang ang honor ko sa buong Elementary from Grade 1 to 6. Thank you.

Tandang-tanda ko pa ang kanta. The clarinet..the clarinet lalala… lalala.

Eto nahanap ko sa you tube: http://www.youtube.com/watch?v=_5_RLLnGMts

Kaya naman nung binatilyo na si Gabriel. Dyan sa may Greenhills, San Juan sila naghahanap ng gagamba. Gubat pa yan noon. At ang malaking canal dyan ay tibagan pa. Sarap maligo. He3x. Pero may ilang mga bahay na rin.

Doon sa likuran ng bahay ni Nora Aunor, madalas kami makahanap ng medyo malaking gagamba. At pag may nakahuli ng malaki, sinusubukan kong bilhin. Lol. Buyer na talaga ako noon pa. Ang hirap yata maghanap ng gagamba na yan.

Have a nice day & God bless!

Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,822



« Reply #1 on: April 14, 2014, 01:36:37 PM »

May totoo palang spiderman.
Logged
RAFRAF
Global Moderator
ELITE
****
Offline Offline

Posts: 2,793


« Reply #2 on: April 14, 2014, 10:20:54 PM »

May totoo palang spiderman.

MADAM is make fun of GABRIEL hahaha. When I am small my lola is angry if we play the spider. She say we maybe become sick.
Logged
paboketsara
Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #3 on: May 29, 2015, 06:53:56 PM »


I'm reading this very much. I do not know if you took this information come from it. 
Logged
Pages: [1] Go Up Print 
« previous next »
Jump to:  


Login with username, password and session length

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.17 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!