Welcome, Guest. Please login or register.
June 23, 2017, 11:57:49 PM
Home Help Login Register
News: FILM GYM ng Film Academy, ongoing na!

+  The F.A.P. Forum
|-+  Other Boards
| |-+  A la Verde
| | |-+  Kumusta Ka Na After Four Years GTM?
0 Members and 1 Guest are viewing this topic. « previous next »
Pages: [1] Go Down Print
Author Topic: Kumusta Ka Na After Four Years GTM?  (Read 951 times)
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« on: November 29, 2011, 03:06:07 AM »

Kumusta Ka Na After Four Years GTM?

Para sa mga "bago", GTM means Gabriel The Messenger which is my username.

Reply: Eto naman po. Ok lang.

Daily pa rin ang mga maintenance medicines para sa kidneys at heart. Mahal yun ha. Hindi pankaraniwan ang isa sa mga gamot na galing pa sa Fukushima, Japan. Doon sa parteng mayroong nuclear leak yata yun. Ayus na ba yun? Iyong leak after the earthquake? Parang hindi pa yata. Pero ayon sa mga doctor, ok na rin daw yung ganoong gamot daily. Compared sa isang dialysis machine treatment which is more expensive at nakakatakot.

Once a month pa rin ang laboratory examination at once a year ang isang matinding check-up. For this year ay last month (October) lang nakuha ni GTM ang pinakamababa. Tumataguinting na 1.52. Note po na ang normal ay 1.00 to 1.30. Meaning, hindi pa rin talaga normal ang creatinine level ni GTM after 4 long years. Hay.

Bawal pa rin ang meat. Pero siyempre sumusubok na tayo ng master siomai, siopao king, paotsin sharkfin dumplings and the likes. Pero sa mga food na tulad ng fried chicken, caldereta, at dinuguan, pasensiyahan na lang talaga. Hanggang ketsup, patatas at sarsa lang muna. Ho5x. Four years na ang nakaraan ha.

Isa na ring Lay Minister for the last two years si GTM kaya naman two years na ring hindi nagkakarera (willingly). Nakakahiya naman, magbibigay ka ng ostia tapos may magtatanong ng tip doon sa pila. Ho5x.

The last time na tumaya si GTM ay doon sa OTB sa may Reliance. Napansin kasi ng isang FHREN.COM.PH ROU (Hindi ko na sasabihin kung sino, mahiyain siya eh. Baka mag blush pa. He3x) na hindi tumataya si GTM kaya binigyan siya ng pantaya. Ayun itinaya naman ni GTM ang barya (Note ha. Ang barya lang.) pagkatapos magbigay ng tip ni Sir Jae. Patok! Tumama tuloy ang tayang DD+1 na nagbigay yata ng P500 plus plus sa dalawang pisong taya. Thank you. Ho5x.

Mayroon ring theraphy. Two or three times a week. Depende sa nararamdaman at saka sa budget. Ho5x. Sabagay pwede ang utang sa aming therapist. Sa pagbalik na lang ang bayad. Remember na si Mam Vangie ay isa ring stroke survivor five (5) years ago. Hindi lang masyadong halata. Favorite pa nga siyang yayain ni Mister Excitement (Aira Herrera) sa dance floor pag may EB. Ho5x. Basta huwag lang mabilis ang dance steps, hahabulin yun ng mga dancing feet ni Mam Vangie. Ho5x.

Na miss ko na rin ang mga dreams na naranasan ko sa ICU at sa ward. Hindi na ganoon kaganda, kalinaw at ka-orig ang mga panaginip ko. Ibang klase talaga ang mga dreams noon. Meron pang background music na kakaiba.

But I have to share this. Ladies and gentlemen, the last two years of GTM’s life has been the best two (2) years. Totoong-totoo. Maraming salamat sa Diyos.

Para sa iyo Sir RAFRAF. He3x.

Have a nice day & God bless!
Logged
kababalaghan
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 5,403



« Reply #1 on: November 29, 2011, 11:36:42 AM »

i'm glad to hear that gtm.  God bless.

Masarap ang pakiramdam ng naglilingkod sa Diyos.
Sa church namin, ako naman assign sa preparation ng  PowerPoint at video  presentation kaya fulfilling din.
Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,822



« Reply #2 on: November 29, 2011, 01:17:15 PM »

Pagpalain kayo.
Logged
timberlake
Newbie
*
Offline Offline

Posts: 2


« Reply #3 on: June 23, 2015, 09:30:40 PM »


It is very easy to understand, I'm reading it.
Logged
Pages: [1] Go Up Print 
« previous next »
Jump to:  


Login with username, password and session length

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.17 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!