Welcome, Guest. Please login or register.
Did you miss your activation email?
May 25, 2013, 08:04:25 PM
Home Help Login Register
News: FILM GYM ng Film Academy, ongoing na!

+  The F.A.P. Forum
|-+  Other Boards
| |-+  INFO, LEARNING, KNOWLEDGE (Moderators: Gabriel The Messenger, kababalaghan)
| | |-+  ODD JOBS
0 Members and 1 Guest are viewing this topic. « previous next »
Pages: [1] 2 3 ... 29 Go Down Print
Author Topic: ODD JOBS  (Read 16747 times)
kababalaghan
Moderator
ELITE
***
Offline Offline

Posts: 4,928



« on: September 24, 2011, 11:42:31 AM »

nagka ideya ako nang malaman na nagkundoktor si alas.  maganda ngang pag usapan ang mga odd jobs na ginawa natin noong mga bagets pa tayo. hehehe
Logged
ALASANDER
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 2,337


« Reply #1 on: September 24, 2011, 05:03:02 PM »

Nice topic ito.

Marami akong odd jobs na na-experience. The first one is taga-repack ng kalburo. Mula sa malaking drum, ililipat sa maliit na drum. Tapos bubuhatin ang maliit na drum at isasakay sa truck. Ang kalburo ay nakakasunog kapag nababasa. Kaya pag pinawisan ka at nadikit ang alikabok ng kalburo ay nasusunog ang balat mo.

One week lang ang itinagal ko. Suko na, huhuhu.
Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,326



« Reply #2 on: September 25, 2011, 08:41:39 AM »

Ano ang kalburo?

Nagtakilyera ako sa sinehan sa province. Nakakalibang lalo na pag malakas ang sine kasi madaming tao. At pag maganda ang movie ay pinagkukuwentuhan pa habang papalabas ng sinehan.
Logged
ALASANDER
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 2,337


« Reply #3 on: September 25, 2011, 08:59:03 PM »

Ang Kalburo ay limestone. Ito yung inilalagay sa kanyon na bakal at pag nabasa ng tubig ay puputok.

Marami akong odd jobs na naranasan kaya wait lang kayo ng mga post ko, hehehe.
Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,326



« Reply #4 on: September 26, 2011, 09:21:36 AM »

Si Palakang Petot ay naging taxi driver noong araw. Bakit siya huminto? Naholdap kasi, hahaha.
Logged
kababalaghan
Moderator
ELITE
***
Offline Offline

Posts: 4,928



« Reply #5 on: September 26, 2011, 10:06:34 PM »

nakakatakot mag taxi driver noong araw..mas lalo naman ngayon hehehe.

Natanggap akong part time waiter noon sa Philippine plaza. Kaso isang beses lang ako nag duty kasi, ang nagfunction ay mga ka JPIA ko noon kaya nahiya ako kasi bagets pa ako noon kaya nahiya akong makita ang mga schoolmates ko. hehehe. so hindi na ulit ako nag report.

nag waiter naman ako ng isang gabi sa isang nite club sa adriatico. 1 gabi lang kasi di na ako bumalik dahil natakot ako sa patay sindi na mga ilaw. hehehe.

pero nag part time waiter din ako s mga tv shows. 3 shows lang ang nasalihan ko, "rumor, humor and facts"(with alfie, janice jurado ata yun, nakalimutan ko kung sino ang isa, parang si chanda romero ata. naroon ako nang pukpukin ng microphone ni divina valencia si rey (manager ng mga wine beauties) , then "kuwarta o kahon" ni tito pepe pimentel at " superstar" ni ate guy, kaya nakita ko na ng malapitan si ate guy noong time na yuna y si richard merck na ang bf daw niya.
Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,326



« Reply #6 on: September 27, 2011, 10:09:52 AM »

Mukhang nahilig ka sa pagiging waiter, KABAB, hihihi. Paorder nga ng isang iced tea, please!
Logged
ALASANDER
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 2,337


« Reply #7 on: September 27, 2011, 03:09:37 PM »

Naging cashier ako ng Stop N Go (parang 7-11). Ang hirap pero nakakatuwa rin. Panggabi ako kaya bago umuwi ay ako ang tagaluto ng hotdog sandwich. At bumibili pa ko para yun na ang breakfast ko sa bahay. Special ang hotdog sandwich ko... 2 ang hotdog, hehehe.
Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,326



« Reply #8 on: September 28, 2011, 09:33:44 AM »

Magulang ka talaga, ALAS, hahaha. Saang branch ng Stop N Go yan? Baka sa Tawi-tawi, hihihi.
Logged
kababalaghan
Moderator
ELITE
***
Offline Offline

Posts: 4,928



« Reply #9 on: September 28, 2011, 07:16:17 PM »

@ madam..naku madam..wag na baka mabasa ka..hehehe. di kasi ako nag hahatid ng mga drinks at food sa mga guests kaya di ako sanay humawak ng tray ng isang kamay lang.

ang main job ko noong waiter ako ay trouble shooter.  tinitignan ko ang mga guests sa bawat tables at inaalam kung ano ang kulang at kailangan. halimbawa, may naninigarilyo, magpapahatid agad ako ng ash tray.  kapag naman may isang guest na tila may hinahanap at kailangan o kaya ay mukhang mainit na ang ulo ay aalamin ko agad ang problema para masolusyonan agad.

Mas mahusay daw akong makipag-usap sa guests at mag entertain kesa maghatid ng food and drinks hehehe.

@ alas...hahaha! baka kaya nagsara ang stop n go dahil nalugi sa hotdogs nila. hehehe. 

Nagwork din ako sa Dunkin Donuts bilang customr service crew.    May kasama ko dati sa Dunkin Donuts...grabe naman yun kasi supply nila ng sugar, orange juice at keso sa house ay unlimited. courtesy of the shop.hehehe. (me kasalanan din ako kasi di ko siya sinumbong dahil nakiusap siya sa akin.  isa pa parang kakuntsaba niya ang sikyo at immediate visor namin..sabi ko na lang bahala na lang ang manager maka discover...dapat lang, sa inventory malaman yun)
Logged
ALASANDER
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 2,337


« Reply #10 on: September 29, 2011, 08:13:13 AM »

Kabab, yang entertainer ng mga customer ay Hosto ang tawag at hindi waiter, hahaha.

Stop N Go sa America. Isang experience ko ay yung may nag-shoplift na kabataan. Bawal kasing magbenta ng alcoholic drink at cigarettes sa mga minor. Kaya pag mukhang minor ay hihingian ka ng ID (meron sa California ng state ID).

Around 11 pm nangyari ang incident. Buti na lang andun si Victor, yung branch manager ng Stop N Go. Dumampot ng beer ang 2 kabataan sabay takbo papalabas. Medyo natulala ako dahil nasa counter ako. Si Victor naman sanay na kaya hinabol niya agad. Pero hindi naman inabutan. Tapos tumawag kami ng pulis. Ilang minutes lang ay dumating na ang pulis... para magkape. Binigyan ko rin ng hot dog sandwich... na isa lang hotdog ang laman, hehehe.
Logged
MADAM SHOWBIZ
Administrator
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 3,326



« Reply #11 on: September 29, 2011, 10:54:24 AM »

Buti hindi holdap.
Logged
kababalaghan
Moderator
ELITE
***
Offline Offline

Posts: 4,928



« Reply #12 on: September 29, 2011, 04:50:24 PM »

grabe naman..beer lang shop lift pa..baka trip trip lang nila.

noong college days nag side line din akong poster maker ng mga shops...100 pesos per cartolina.
Logged
RAFRAF
Global Moderator
ELITE
****
Offline Offline

Posts: 2,375


« Reply #13 on: September 29, 2011, 05:43:02 PM »

Maybe I see KABAB in Recto hahaha.
Logged
ALASANDER
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 2,337


« Reply #14 on: September 30, 2011, 04:57:58 AM »

Baka si Kabab ang gumawa ng pekeng diploma ni Rafraf, hahaha.

Ang isa ko pang odd job ay taga-tali ng LA Sunday Times. Take note, yung makapal na dyaryo ay itatali ng straw at isasakay sa likuran ng pickup for delivery. Ang trabahong ito ay every midnight of Saturday lang. It pays $4 an hour.

May experience na naman ako dito sa ka-trabaho kong si Kevin.
Logged
Pages: [1] 2 3 ... 29 Go Up Print 
« previous next »
Jump to:  


Login with username, password and session length

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.16 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!