ALASANDER
ELITE
    
Offline
Posts: 2,337
|
 |
« Reply #61 on: August 29, 2010, 10:30:25 AM » |
|
Si Bantay.
Hindi siya yung aso at lalong hindi siya security guard. Siya yung stunt man na pinaglalaruan nina Joey De Leon sa Mixed Nuts.
Nakita ko si Bantay sa harap ng FAP. Padating ako, nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko rin. Binati ko pa at dahil alam kong stuntman siya kaya tinanong ko kung may shooting. "Meron po, baka maisama ako sa Darling Kong Aswang ni Bossing," sagot niyang nakangiti.
After a week na magkita kami ulit, lunch time. Tinanong ko kung kumain na siya. Hindi pa raw. Binigyan ko ng 50 pesos.
After another week ay nagkita ulit kami. Lunch time na naman. After answering na hindi pa siya kumakain ay niyaya ko na dahil papunta akong kainan. Sa Tapa King kami. Akala ko BIT PLAYER siya yun pala EXTRA kasi ang hilig niya sa EXTRA rice, hehehe.
Tapos na pala ang project niya at soon to be showing daw. Mukhang kukubra ng suweldo si Bantay. Napag-usapan din namin ang Ondoy at mga anak niya. At nakiki-celphone lang sa kapitbahay.
Pagdating ng around 4 pm, eto na si Bantay sa loob ng office namin, hinahanap ako. Hmm, bakit kaya? Nakangiti siyang lumapit sa akin sabay sabi, "Sir Alex, puwede bang makahiram ng singkuwenta? Hindi kasi ako nakakubra."
Draw your own conclusion kung ano ang nangyari after ko siyang bigyan ng 100 pesos (wala kasi akong barya).
|