Welcome, Guest. Please login or register.
December 23, 2014, 07:46:56 AM
Home Help Login Register
News: FILM GYM ng Film Academy, ongoing na!

+  The F.A.P. Forum
|-+  Other Boards
| |-+  Writings (Moderator: kababalaghan)
| | |-+  Mga Kwento Ni Lolo Pablo: Panahon Ng Hapon
0 Members and 1 Guest are viewing this topic. « previous next »
Pages: [1] 2 Go Down Print
Author Topic: Mga Kwento Ni Lolo Pablo: Panahon Ng Hapon  (Read 5819 times)
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« on: May 20, 2010, 11:07:18 AM »

May nakita kasi kaming pahanon ng Hapon na post kaya naalala namin ang ilang kwentong Hapon ni Lolo Pablo.

Noong panahon ng Hapon, nasakop na nila ang Pilipnas (partly) at isa na dito ang isang Barrio sa Pangasinan. Siga daw talaga ang mga ito. Pero mga tao rin lang kaya mayroon silang pangangailangan.

Ano ang tatlong basic needs ng tao? FOOD, SHELTER, & CLOTHING. Yan.

FOOD.
Pupunta raw ang mga Hapon sa isang lugar ng Barrio, maglalagay ng apat na poste. At babakuran nila ito. Siguro 2 x 2 or 3 x 3 square meters. Maluwang iyon.

Pagkatapos ay magbibigay sila ng instruction sa mga tao.

Punuin ninyo ito ng pagkain. (Wow!) After one week,babalik kami dito para kunin ang pagkain. Pag hindi ito puno, lagot kayong lahat!

Naku po! Alam na ng mga tao kung ano ang ibig sabihin ng lagot kayong lahat. Uunahin ang mga lalaki at gagamitan nila ito ng katana (Espada ng Hapon na madalas ay samurai ang ating tawag which is not correct. Samurai is the Japanese warrior that uses sword or katana). Tsk3x. Masakit na masakit iyon.

Paluluhurin ka muna. At pagkatapos ay tutusukin ka sa bunganga ng katana, at pagkatapos ay iro-rotate ang blade hanggang sa mamatay ka. Hu5x. Iyon naman ay ayon sa kwento ng isang professor sa Mapua na naging ConCon Delegate yata at author ng ilang books. Parang Mr. Decena ang apelyido niya. At siya ang tatay ng former Timi Yuro of the Philippines na si Neddy Decena. Namatay po yata si Neddy sa throat cancer.

Ang tanong: Neddy is palayaw o nickname. Ano ang tunay niyang pangalan?

Mamaya na ang clue. Ho5x. Balik muna tayo sa kwento ni Lolo Pablo.

And so, pag malapit na ang deadline, nagkakagulo ang mga tao sa paglagay ng pagkain doon sa binakuran ng mga Hapon. Bigas, gulay, buhay na baboy, buhay na manok, buhay na kambing et cetera et cetera. Masakit yata ang matusok ng katana. Walang Ho5x.

Pero one day, talagang naubusan na rin sila ng ibibigay, hindi nila mapuno ang binakuran ng Hapon.

Pahabol: Alam ba ninyo ang malalaking garden snails? Dala raw po yan ng mga Hapon. Pinakakawalaan raw nila yan paligid ng kanilang kampo para dumami at lumaki. Ulam daw po yan. Yan ang sabi nila. Hindi pa naman kasi nakatikim si Gabriel ng ganyan. Actually ay poisonous yata yan kung hindi marunong ang mag pre-prepare ng Kuhol Ng Hapon. Ho5x.

Naubusan ng ilalagay na pagkain? Delikado yan. Sabi raw ng isang matanda. Kumuha kayo ng labong (bamboo shoots), kumakain ng labong ang mga Hapon. At kumuha naman daw ang mga tao ng napakaraming labong. Punong-puno daw ang lalagyan ng pagkain.

Paanong hindi mapupuno, pati magulang (matured) na labong ay inilagay sa lagayan ng pagkain.

Matured labong: Sa Tagalog: kawayan, Sa English naman ay: bamboo.

Ang kunat nun. Ho5x.

Music muna:

Teka lang, favorite namin ito ni Man Vangie, matawag nga siya at ng makapagsayaw naman kami dito sa salas. Ho5x. Pabuenas ba.

http://www.youtube.com/watch?v=ROLIvj2OvcQ&feature=related

Have a nice day & God bless!
 
« Last Edit: May 20, 2010, 11:13:17 AM by Gabriel The Messenger » Logged
RAFRAF
Guest
« Reply #1 on: May 20, 2010, 04:20:19 PM »

Hahaha I am laugh at the music and imagination of GABRIEL dancing alone because MAM VANGIE is washing clothes hahaha.
Logged
Ms.Showbiz
Guest
« Reply #2 on: May 21, 2010, 09:06:13 AM »

Ituloy nyo po ang kwento, GABRIEL, nabibitin ang mga palaka sa kahihintay sa paglabas ng Makapili, hihihi.
Logged
tintin
ELITE
*****
Offline Offline

Posts: 1,774



« Reply #3 on: May 21, 2010, 12:02:38 PM »

ano yun makapili madam?
Logged
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« Reply #4 on: May 21, 2010, 12:28:01 PM »

Ok naman daw po Madam Showbiz. Walang ginamitan ng katana. Wala namang angal ang mga makapili, este Hapon pala. Hindi naman nila sinabi na hindi kasali ang nilagareng kawayan eh. Ho5x.

Anyway, magkwento na lang uli tayo mamaya ng bago. Panahon pa rin ng Hapon siyempre.

Have a nice day & God bless!
Logged
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« Reply #5 on: May 21, 2010, 12:46:26 PM »

Pangalan sa Panahon Ng Hapon

Pag sakop daw ng Hapon ang buong barrio noon. Papupuntahin lahat ang tao sa kanilang office.

Bakit?

Magkakaroon daw po ng census. Ito siguro ay para makilala nila kung sino ang bagong dating sa barrio.

Kaya pag may mga taga Maynila na darating sa barrio, dapat report muna sila sa office ng mga Hapon.

Sa office ng Hapon...

Tatanungin ang pangalan ng nasa unahan ng pila. Pila-pila siyempre.

Japanese Clerk: Pangaran?

Note po: Wala yatang letter "L" ang Hapon, kaya imbes na pangalan ang sasabihin, magiging pangaran.

Lolo Pablo: Pablo Santos

Japanese Clerk: Hmn. Paburo Santos.

Lolo Pablo: Hai!

Pag nagkasundo ang dalawa. Isusulat ang Paburo Santos sa isang maliit na papel at ito ay ibibigay kay Lolo Pablo. Idikit sa damit sa tapat ng dibdib o dalhin mo itong palagi. Ito na ang iyong pangalan at Identification Card sa mga checkpoint sa panahon ng Hapon. Siguro sa likod nito ay mayroong pirma (signature) ang Japanese clerk. Para malaman na ito ay tunay.

Kaya si Gabriel. Magiging Gabrier. Yan.

Si ALASANDER naman. Magiging ARASANDER. Ok.

at si RAFRAF. Magiging LAFLAF.

Ho5x. Tawa-tawa (LAUGH-LAUGH) naman  kayo diyan. Joke lang po yan ha.

Have a nice day & God bless!
Logged
TECLA
WEBwriter
Full Member
*
Offline Offline

Posts: 319


« Reply #6 on: May 21, 2010, 02:44:00 PM »

You should have joined the Historical Scriptwriting contest, GABRIEL. Unfortunately yesterday was the deadline for submission.
Logged
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« Reply #7 on: May 21, 2010, 02:54:13 PM »

The work is the reward itself Mam TECLA. Pero kung may ibang darating na reward salamat. Inuumpisahan pa lang, kung para sa kay Gabriel, kanya na talaga yun. Ho5x. My belief.

Have a nice day & God bless!


Ang Truck Ng Hapon

Dumating ang isang pinsan ni Lolo Pablo galing sa Maynila. Medyo may kalokohan ang batang ito kaya nagkagulo ang buong barrio ng makita nila siya. Mapapahamak silang lahat dito.

Bakit daw?

Paano ba naman, ang dala niyang service ay isang truck. Truck ng Hapon! Araguy!


Itutuloy po...
« Last Edit: May 21, 2010, 06:18:08 PM by Gabriel The Messenger » Logged
RAFRAF
Guest
« Reply #8 on: May 21, 2010, 09:16:43 PM »

I ask this question to all. Do you have PERANG HAPON? I want to see.
Logged
Ms.Showbiz
Guest
« Reply #9 on: May 23, 2010, 10:06:22 AM »

Totoo ba na ang BAKERO ay salitang Hapon? Sabi kasi ng isang friend ko, slang daw yun ng mga sundalong Hapon na hindi edukado. At karamihan daw sa sundalong Hapon ay mga Koreano. Totoo ba?
Logged
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« Reply #10 on: May 23, 2010, 11:34:59 AM »

First ang BAKERO ay narinig ko yata sa old Japanese/Pilipino movies. Na kung saan ay bugbog muna ang Hapon at pagkatapos ay lagi silang talo kay FPJ sa ending.

Next, mukhang may tama po ang tungkol  sa Koreans dahil narinig ko po iyan sa asawa ni Lolo Pablo. Sila nga raw po ang mga mababagsik. Yan.

Have a nice day & God bless!
Logged
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« Reply #11 on: May 23, 2010, 11:42:45 AM »

Balikan natin ang nangyari sa truck ng Hapon.

Nabulabog ang buong barrio. Bakit? Eh kung makita iyon ng mga Hapon. Siyempre magkakaroon ng imbestigasyon na one sided at malamang maraming mga lalaki ang mapapahamak sa barrio.

Nagpatawag daw tuloy ng isang secret meeting ang namumuno sa barrio.

Sari-saring suggestion.

May nagagalit. May nagpapatawa. May nagpapakabayani. At kung ano-ano pa.

Pero in the end, isang suggestion ang nangibabaw sa lahat.

Huhukay sila ng isang malaking butas, ihuhulog doon ang truck ng Hapon at pagkatapos, ito ay tatabunan.

Wow naman!

When we come to think of it, isa lang ang aming palagay.

Takot na takot ang mga tao noon sa Hapon. Noong panahon ng Hapon. Yan.

Have a nice day & God bless!

 
Logged
Ms.Showbiz
Guest
« Reply #12 on: June 01, 2010, 09:45:25 AM »

Pasabi ni Palakang Jurassic...

Tunay yan, GABRIEL, ang mga tao ay takot na takot as in "so very scared" kahit sa salitang Hapon pa lang o sa tunog pa lang ng kanilang sasakyan. Bakit? Dahil napakalupit nila sa mga civilian. Totoo ang mga insidenteng pananakit na tutuhugin ka ng bayoneta nang walang dahilan.

Pero in fairness sa mga Hapon, karamihan ng mga salbaheng sundalo ay mga KOREANO na recruit ng Japan. Take note, naging colony ng Japan ang Korea kaya maraming Koreans ang nag-migrate sa Japan.
Logged
Gabriel The Messenger
WEBwriter
ELITE
*
Offline Offline

Posts: 2,348



« Reply #13 on: June 02, 2010, 02:27:54 PM »

Naglagay ng kampo ang mga Hapon doon sa plaza (park) nila Lolo Pablo. Matagal sila doon. At nang tapos na ang giyera (World War II), nagkaroon ng bali-balita na ibinaoon ng mga Hapon ang kanilang mga kayamanan na nakulimbat sa mga lugar na kung saan ay nagkampo sila.

Kaya ayun, nagpagawa tuloy ng isang gasolinahan ang may ari ng lupa doon sa tabing plaza. Para lang magkaroon siya ng excuse na maghukay ng maghukay sa paligid para paglagyan ng underground tanks ng gasoline, diesel at gaas.

Pero alam naman ng lahat na hinahanap lang nila ang ibinaong kayamanan daw ng mga Hapon bago sila umalis sa kanilang kampo. Yan.


Sa susunod naman ay ang tungkol sa tunnels sa panahon ng Hapon. Inilagay na namin para mayroon kaming reminder.


Have a nice day & God bless!
Logged
RAFRAF
Guest
« Reply #14 on: June 02, 2010, 05:00:56 PM »

The gas station is very intelligent gimmick.
Logged
Pages: [1] 2 Go Up Print 
« previous next »
Jump to:  


Login with username, password and session length

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.17 | SMF © 2011, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!