PAINITAN
NG ISSUE
By Tess Clarin
Kanya-kanyang
painitan ng issue ang mga artista ngayon.
Sabi nga ng ilang columnista, palibhasa
ay mga palaos na kaya paggalingan ng gimmick
para mapansin. But in fairness to the
gimikero at gimikera, magandang respite
ang mga papansin issues nila dahil katatapos
lang ng election.
May katagalan na rin nang
lumutang ang issue between Piolo Pascual
at Ryan Agoncillo. Leading man ni Judy
Ann si Piolo at alam naman ng lahat na
si Ryan ang kanyang special someone na
nagselos daw kay Piolo. Nagkaroon ng word
war sa pamamagitan ng interviews at mga
items na naglabasan sa dyaryo. Noong una
ay ayaw aminin ni Juday na naiipit siya
sa pagsasagutan ng kanyang leading man
at boyfriend. Pero nang lumaon ay napilitang
umamin si Juday na may hidwaan nga sina
Piolo at Ryan pero hindi naman daw selos
ang dahilan.
At dahil sa nalalapit na
ang pagdaraos ng Bida Ng Buhay
Ko – 20 Years of Judy Ann Santos,
isang concert sa Araneta Coliseum, hindi
kataka-takang buhaying muli ang alitan
ni Piolo at Ryan. Balak raw ni Piolo na
pumunta sa nasabing selebrasyon at malamang
na maging daan iyun upang magkabati sila
ni Ryan. Pero nagpa-unang salita agad
si Judy Ann na hindi raw dapat samantalahin
ang pagkakataon dahil parang magiging
pilit ang nasabing pagbabati nina Ryan
at Piolo. At hindi raw magandang ma-exploit
ang kanyang anniversary concert para sa
bagay na yun.
Dagdag pa sa concert ay
ang Ysabella, ang upcoming
teleserye ni Judy Ann.
Napakahabang panahon na
at napakalaking espasyo na sa mga dyaryo
ang kinain ng hiwalayang issue nina Ruffa
at Yilmaz. Ngunit parang nag-e-enjoy naman
ang mga readers dahil from time to time
ay may mga bagong information na lumilitaw.
Matatandaan noong unang
sumulpot ang issue ay todo-deny si Ruffa
na may problema sila ni Yilmaz. Nag-extend
lang daw siya ng bakasyon rito, sabi ni
Ruffa, at busy naman sa negosyo ang asawang
Turkish. Hindi naman nagtagal at umamin
din si Ruffa na may konting problema silang
mag-asawa. At kasunod nun ay ang pag-amin
sa isang interview na patungo sa divorce
ang kanilang relasyon.
Sa pamamagitan ng isang
e-mail ay sumagot si Yilmaz. Nilinaw niya
ang issue na nag-file na nga siya ng divorce
ngunit mahal pa rin daw niya si Ruffa.
Ang pinagtuunan ni Yilmaz ng galit ay
isang taong mukhang-pera. Kahit hindi
pinangalanan ni Yilmaz ang taong mukhang-pera,
naglitawan sa mga tabloid ang pangalan
ni Annabelle, ang very protective mother
ni Ruffa.
As expected, rumepeke ang
bibig ni Annabelle. At upang maitayo ang
bandila nila ay ibinulgar niyang pinapahirapan
ni Yilmaz ang anak niya kaya niya ito
pinayuhang makipag-hiwalay. Bago pa man
makasagot si Yilmaz ay lumabas sa column
ni Dolly Ann Carvajal sa Inquirer
na may isang Sharmaine Gutierrez na ikinasal
sa isang Richard Daloia sa Las Vegas bago
pa man makilala ni Ruffa si Yilmaz. Sharmaine
ang tunay na pangalan ni Ruffa at walang
duda na si Ruffa ang tinutukoy ni Dolly
Ann sa kanyang column na ayon sa kanya
ay galing sa isang Turkish website.
Parang bulkan na sumabog
si Annabelle. Pati ang pagkatao ni Dolly
Ann ay tinira ni Annabelle para pasinungalingan
ang nasabing revelation na nakasal na
si Ruffa bago pa man kay Yilmaz. Ang nakapagtataka
lang ay wala namang denial si Annabelle
at parang skirting the issue pa siya.
Kung tigre si Annabelle ay leon naman
si Dolly Ann. Matapos ang sandaling pananahimik
ay kumuha lang pala ng buwelo si Dolly
Ann. Hinamon niya si Annabelle na patunayang
hindi si Ruffa ang nasa marriage contract
sa Las Vegas records.
Biglang nag-iba ang ihip
ng hangin. Hindi dumating ang expected
reply ni Annabelle at talagang natameme
ang tigre sa hamon ng leon. Si Ruffa ang
nagpa-interview. Totoo nga raw na naikasal
na siya dati sa Las Vegas dala ng kanyang
kawalang-muwang sa mundo. Bunsod ng kanyang
kabataan kaya nangyari ang ganun. Pero
alam naman daw ni Yilmaz ang lahat bago
pa man sila ikasal. Itong huling interview
ni Ruffa ay sinagot agad ni Yilmaz. Wala
siyang alam sa unang kasal ni Ruffa at
ayon sa batas ng Islam, batas ng Kristyano
at batas ng bansa nila ay maaaring makulong
si Ruffa sa kasong bigamy.
Ano pa nga’t parang
walang katapusan ang sagutan nina Ruffa
at Yilmaz kaya ang mga tao ay laging nakatutok
sa parang soap opera ng mag-asawa. Kagaya
nung STD issue ni Kris Aquino laban kay
Joey Marquez, lahat yata ng showbiz reporters
ay pumatol sa Ruffa-Yilmaz issue. Ang
isang kapansin-pansin ay ang pananahimik
ni Annabelle sa issue lalo na ang paratang
niyang sinungaling si Dolly Ann.
At eto na nga ang sinasabing
catch. Dahil lutang na lutang ang pangalan
ni Ruffa ngayon kaya natural lang na malaki
ang talent fee niya sa bagong pinirmahang
contract sa ABS-CBN. Sabi nga ng isang
veteran reporter na natatawa pa, napakahusay
daw mag-preparasyon ang handlers ni Ruffa.
Shades of the “Take it, take it”
scam.
Ang isang hindi natutuwa sa mga nangyayari
ay si Gretchen Barretto. Maraming nakakaalam
na hindi in good terms si Gretchen kay
Ruffa. Dahil dito ay hindi malayong mangyari
ang pagka-inggit ni Gretchen sa kasikatan
ni Ruffa ngayon. At upang hindi maiwan
ng panahon ay may sariling gimmick si
Gretchen.
Isang email ang natanggap ko mula sa isang
kaibigan na nagtatrabaho sa isang network.
Ang laman ng email ay ganito: Wag mong
ikakalat dahil confidential ito. The two
pics ay kuha ng pinsan ko.
Mahusay ang pa-epek ng e-mail dahil pag
sinabing wag ikalat ay tiyak na kabaligtaran
ang gagawin ng receiver. Ang sinasabing
pics ay ang litrato ni John Estrada na
katabi sa upuan si Gretchen Barretto.
Ang isa pang litrato ay ang paghahalikan
nina John at Gretchen. Scoop nga itong
matatawag para sa mga madaling lokohin.
Kahit anong bagay yata ay napakabilis
kumalat pag sa internet dinala. Hindi
inabot ng dalawang araw ay lumitaw na
sa tabloid ang nasabing attached picture
sa padala sa aking e-mail. Ilang reporters
ang nagtangka na ma-interview either si
John Estrada o si Gretchen Barretto pero
walang gustong kumibo. In other words,
obvious na pinaiinit muna nila ang issue
bago sila magsalita. Sabi ng isang columnista,
mukhang tinitingnan muna kung matatabunan
ang Ruffa-Yilmaz issue ng kissing picture
ni Gretchen at John. To exploit the issue,
ika nga, nag-interview pa ng isang graphics
expert ang QTV para patunayan na totoo
ang nasabing kissing picture. Pero wala
naman silang maipakitang evidence. It
was just another way para palawigin ang
issue at mapag-usapan.
At dahil walang katapusan
ang revelation on both sides ng Ruffa-Yilmaz
controversy, nagsalita na rin si Boy Abunda,
ang manager ni Gretchen. Totoo raw ang
picture, totoo raw na naghalikan si Gretchen
at John pero it was taken out of context.
Friendly kiss lang daw yun at hindi passionate.
Wag daw bigyan ng malisya dahil nakakahiya
naman kay Tony Boy Cojuangco na asawa
ni Gretchen.
Ang tanong naman ng ilang
veteran showbiz reporters ay kung sino
ang naloko ng nasabing kissing picture?
Wala raw finesse ang pagsambulat nun sa
internet at obvious na may gusto lang
tabunan na issue.
Kahit ang disenteng Philippine
Daily Inquirer ay pumatol na rin sa issue
ng Ruffa-Yilmaz controversy. Ngunit ang
tanong ng PDI ay kung bakit kailangang
pag-aksayahan natin ng panahon ang mga
bagay na dapat sa bedroom lang pinag-uusapan.
Well, ang mga Pinoy ay natural na tsismoso
at malikot ang pag-iisip. But in fairness,
kesa sa pulitika ang pag-usapan, mas maigi
na sigurong si Ruffa at Yilmaz na lang.
Ewan ko lang kung may papatol sa kissing
picture ni Gretchen at John. At lalo sigurong
walang papansin sa mga papansin ni Piolo,
Juday at Ryan.
Para sa mga reaksyon,
maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.