MAGTIKA
AT MAGBAGO
Ni Tess Clarin
Kuluntoy!
Yan ang magandang description ng movie
industry. Kakaunti na ang mga movies na
ginagawa dahil sa maraming dahilan. Magandang
alibi ang piracy upang hindi mapansin
ang mga kapabayaan ng mga sangkot sa movie
industry na siyang totoong nagpapabagsak
sa pelikulang Pilipino.
Kung gross
sales ang pamantayan ng tagumpay ng isang
pelikula ay dapat na tingnan ng mga writers
at producers kung ano ang gusto ng moviegoers.
Hindi lang isa o dalawang producers ang
natisod sa ganyang kamalian. Masakit na
karanasan ang inabot ng 2 movies ni Pacquiao
na sa kabila ng kanyang kasikatan ay nalaglag
ang kanyang Lisensyadong Kamao
na siya mismo ang bida. Bigo
rin sa takilya ang biopic ni Pacman kahit
sabihing si Jericho Rosales pa ang gumanap.
Kung pag-aaralang mabuti ay hindi lang
pala kasikatan ang gusto ng mga moviegoers.
Ibig sabihin siguro ay may kalaliman na
ang mga moviegoers ngayon hindi tulad
nung araw na basta si Nora Aunor ang bida
ay tiyak na papasukin.
Ang movie o
pelikula ay nagsisimula sa istorya na
pinalalawig ng script. Ang magagaling na scriptwriter ay nakakahubog
ng magandang script mula sa gasgas na
istorya sa pamamagitan ng magagandang
palabok. Gayundin, ang isang magandang
istorya ay maaaring masira dahil sa kakulangan
ng tamang presentasyon.
Napakalaking leksyon ang
naibigay ng Faces of Love,
the movie which was directed by Eddie
Romero. Considering na National Artist
si Eddie Romero at sa edad na 82 ay maituturing
na isang phenomenon ang Faces of Love.
Maraming writeup sa dyaryo ang nasabing
pelikula kahit maliit ang budget na P3.8
million na galing sa grant ng NCCA (National
Commission for Culture and the Arts) at
sa Film Fund, na isang sangay ng FDCP
(Film Development Council of the Philippines).
Ang digital output ay napa-convert sa
traditional film para maipalabas sa lahat
ng sinehan. Bilang dagdag na papuri ay
binigyan ng A rating ng CEB (Cinema Evaluation
Board) ang Faces of Love
para maka-rebate ng 100% sa amusement
taxes. Kung tutuusin ay walang talo ang
pelikula dahil ang casting ay puno ng
named stars na sina Christopher de Leon,
Angel Aquino, Juliana Palermo, Alfred
Vargas, Chanda Romero, Bembol Roco, Rodel
Velayo, Mon Confiado, Chinggoy Alonso
at Jackie Aquino.
Ngunit taliwas sa inaasahan,
na-pull out agad ang Faces of
Love matapos ang ilang araw na
showing nung January, 2007. Ibig sabihin
ay nilangaw ang pelikula o hindi kinagat
ng mga moviegoers. Ayon sa isang nakapanood,
hindi raw maganda ang script at ang istorya
naman ay napaka-ordinaryo. Malaking kahihiyan
ang idinulot ng Faces of Love
sa ating National Artist kaya
sa kabila ng kabiguang ito ay makapulot
sana ng aral ang mga tao sa ating movie
industry. Gaya ng ilang lumabas na article
sa website na ito, opinion ko rin na gasgas
na ang mga creativity ng mga scriptwriters.
Lalo na pagdating sa comedy, kapansin-pansin
ang paggamit ng mga lumang jokes na panahon
pa ng lolo ko. That simply means na kasing-tanda
pala ng lolo ko ang mga writers. At dahil
matanda na kaya outdated na ang kanilang
humor. Yung iba namang matatandang comedy
writer ay pumupulot na lang ng jokes sa
internet at ang mga foreign jokes ay ina-adapt
sa local setting. Kaso palasak na rin
ang internet kaya ang mga jokes dun ay
gasgas na rin.
Sa other genre ay namumulot
ang ibang writers sa foreign movies. Kadalasan
ay hindi sikat na movie ang pinaggagayahan
nila ng plot at iniiba ang charcters o
vice versa. Sa mga foreign TV soap ay
ginagaya naman ang mga segments at pinagtatagpi-tagpi
para makabuo ng isang bagong plot.
Sa mga producers naman,
ang storyline ang dapat na nasa focus
nila at hindi ang casting. Sabi ng ilang
insiders sa movie industry, pangkaraniwan
daw na ipabago ng producer o ng director
ang script para magdagdag ng artista o
magpalit man. At dahil kapos sa oras,
napipiga ang isip ng writer at ang luma-labas
na storyline ay pilit. Isang tanong tuloy
ang nasa aking isipan. Meron kayang pagkakataon
na iginalang ng director o producer ang
isang obra ng writer? O lahat ng storyline
ay “kinakatay” ng director
o producer not to suit their creative
taste but to suit their budget?
Ang isa pang nakalilito
ay ang pag-alagwa ng pilahan sa isang
pelikula na nadala lang ng casting o impresyon.
Isang halimbawa ay ang Enteng
Kabisote 3 na naging top grosser
nung mga unang araw ng Metro Manila Film
Festival. Pero matapos ang controversy
sa Best Picture award ay napakarami ang
pumuna sa comedy film ni Vic Sotto. Wala
raw value ang Enteng Kabisote
at ang mga jokes ay gasgas na. Sa katunayan
ay nalagpasan ng Kasal, Kasali, Kasalo
ang total sales ng Enteng Kabisote
pagkatapos ng festival period. Ngunit
andun pa rin ang charisma ng Enteng
Kabisote dahil mahigit P100 milyon
ang kinita nito. Wala raw values at corny
ang mga jokes pero kumita pa rin. Siguro
ay maganda ang story at maganda rin ang
mga costumes.
Gaya ng nauna kong sinabi,
malalim na ang mga moviegoers ngayon.
Hindi madaling alamin kung ano ang gusto
nila. Hindi sapat ang tindi ng casting
lamang o ang magandang istorya at kahit
siguro ang current issue ang talakayin.
May ilang producers ang nagsabi na parang
isang ulam ang movie. Kumpleto ang sahog
at tama ang pagkakaluto. May ilan ding
nagsasabi na nakalalamang na sa takilya
ang pelikula “ if given the proper
promotion.” Yang promotion ang ginagamit
ng Star Cinema. Walang humpay ang trailer
ng kanilang pelikula sa kanilang TV station
kaya kahit paano ay malaki ang gross sales
ng kanilang mga produced movie. Kaya lang,
pag sinuma total ay maaaring lugi pa sila
sa dami ng kanilang TV commercials.
Sa ikauunlad ng ating movie
industry, dapat ay tingnang mabuti ang
aspeto ng sining. A movie is a work of
art. Pag susuriin natin ang nangyayari
ngayon ay makikita nating ang kakulangan
ay nasa creative department ng mga production
firms. Ang mga tao sa creative department
ay parang natuyuan na ng kanilang creative
juices at umaasa na lang sa kanilang nakikita.
Sa karanasan ng baguhang writer ay nakakagulat
na tanong mula sa creative department
kung siya ay mahilig manood ng sine. Dahil
kung hindi raw siya mahilig ay ano
ang kanyang isusulat? Sabi naman sa mga
scriptwriting workshops ay dapat daw realistic
ang script lalo na ang mga tauhan. Hindi
nga ba’t mas realistic kung gagawa
ng script ang isang writer na hindi nakakapanood
ng movies? Hindi ba’t tiyak na makatotohanan
ang maisusulat niya dahil wala siyang
pagkokopyahan?
Marami tayong ipinagmamalaking
pelikula pero hindi man lang tayo nakapasok
sa hollywood. Dinaig pa tayo ng mga Intsik
sa walang kuwenta nilang mga Kung Fu films
na walang ginawa kundi ang magsisipa at
maglilipad na parang mga insekto. Ilang
taon nang nakalipas ay nagwagi ang Italyanong
si Roberto Benigni sa kanyang obrang A
Beautiful Life na napiling Best
Picture ng Oscar Awards.
Dyan makikita ang kahinaan
ng mga taong nasa movie industry. Bukod
sa kulang na ang suporta ng gobyerno ay
wala pang pagkakaisa ang mga namumuno.
Yan ang malinaw na dahilan kung bakit
hindi umunlad
ang pelikulang Pilipino. Napakasimpleng
dahilan na napakadaling bigyan ng kalutasan
pero walang gustong kumilos, walang gustong
magkusa dahil ang sarili lamang ang iniisip.
Para sa mga taong nagmamahal
sa local movie industry, ito lang ang
kanilang maaaring sabihin. Napakasakit,
Kuya Eddie!
Para sa mga reaksyon,
maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.