SWEET
VALENTINES
Ni Tess Clarin
Amid the
shaky relationship among showbiz stars,
maraming showbiz couples ang nakapagpatunay
ng kanilang pagmamahalan sa isa’t
isa. Kumpara sa mga nagkahiwalay ay kakaunti
ang mga successful marriages sa showbiz
kaya dapat lang nating bigyang pansin
especially ngayong Valentine’s Day.

Robert
Arevalo and Barbara Perez
Nangunguna sa listahan ang
mag-asawang Robert Arevalo
at Barbara Perez. Ni
minsan ay walang intrigang namagitan sa
kanilang pagsasama simula pa noong araw
na sila ay ikasal. Noong 1966 ay kapuwa
nanalo ng Best Acting awards si Robert
at Barbara sa pelikulang Kaming
Mga Api. Si Barbara ay muntik
nang agawin ng Hollywood ngunit tinanggihan
niya ang movie offer dahil hindi niya
kayang iwan si Robert. Hanggang ngayon
ay matibay pa rin ang pagsasama nina Robert
at Barbara although si Barbara ay bihira
nang lumabas sa pelikula.
Against all odds ang kuwento
ng pag-ibig ni Albert Martinez
at Liezl Sumilang. Umpisa
pa man ng kanilang relationship ay may
nakaamba nang balakid mula kay Amalia
Fuentes, ang mataray na ina ni Liezl.
Dahil only child si Liezl kaya parang
antipatiko kay Amalia ang dating ng kahit
sinong manliligaw niya. Nagpakita naman
ng tiyaga si Albert lalo na nung sila
ay manirahan sa Amerika. Kung anu-anong
trabaho ang pinasok ni Albert para lang
masabing binubuhay niya ang prinsesa ni
Amalia. Nang humupa ang usok sa ilong
ni Amalia ay bumalik sina Albert at Liezl
sa Pilipinas. Ipinagpatuloy ni Albert
ang kanyang movie career at naging seryoso
na siya. Hindi naman nabigo si Albert
dahil ilang awards ang kanyang inani.
Ganunpaman, dahil talagang antipatiko
ang dating ni Albert sa kanyang mother
in law kaya hindi pa rin absolute ang
pagkakasundo nina Albert at Amalia. Pero
ang pagsasama nina Albert Martinez at
Liezl Sumilang ay lalong tumitibay sa
paglipas ng panahon, sa tulong ng kanilang
tatlong anak.
Kabaligtaran ng kabaitan
ni Albert ang image ng kapatid niyang
si William. Masasabing kalbaryo ang dinanas
ni Yayo Aguila sa piling
ni William Martinez dahil
sa mga balitang kalokohan ni William.
Ang pinakahuling insidente ay ang pagkakahuli
ng drug paraphernalia habang nasa airport
si William. Itinanggi ni William ang bintang
at lumitaw agad si Yayo bilang pagsuporta
sa paninindigan ng asawa. Napakamaunawain,
matiyaga at mapagpasenya si Yayo sa asawa.
Yan daw ang mga katangian na dapat mayroon
ang isang babae upang mapatino ang kanyang
asawa. Hindi naman nagkamali si Yayo dahil
ngayong Valentine’s Day ay magkasama
pa rin sila ni William at tapos na ang
mga unos sa kanilang pagsasama. Sana…

Juliana
Torres Gomez, cute daughter of Richard
and Lucy
Ideal pair naman sina Richard
Gomez at Lucy Torres.
Matangkad at guwapo si Richard habang
si Lucy naman ay maganda at matalino.
Ipinagmamalaki ni Lucy na si Richard ang
kanyang naging first serious boyfriend.
Sa hilatsa ay wala naman silang problema
sa financial at kapuwa walang involvement
sa illicit affair simula pa nung sila
ay ikasal. Although feeling contented
si Lucy sa anak nilang si Juliana, si
Richard naman ay talagang isang achiever
at gusto yatang marating ang lahat ng
puwede niyang marating. Kailan lang ay
nag-declare siya ng candidacy for senator.
Isang classic na pagmamahalan
naman ang ipinakita ni Gloria
Romero at Juancho Gutierrez.
Matapos ang celebrated wedding na kainggit-inggit
noong panahon ng kapuwa nila kasikatan,
nanatili silang magkasama hanggang isilang
ang nag-iisang anak nilang si Maritess.
Ngunit hindi nagtagal ay napaliko ng landas
si Juancho. Hindi man inamin ay hayagan
ang balitang nagumon sa drugs si Juancho
at iyun ang dahilan ng kanilang paghihiwalay
ni Gloria. Nawala sa movies si Juancho
habang si Gloria ay na-maintain ang kanyang
career at nitong bandang huli ay muling
sumikat at nanalo ng award sa Tanging
Yaman at Magnifico. Maraming taon ang
lumipas na sila ay hiwalay. Iba-ibang
babae ang kinasama ni Juancho habang si
Gloria ay nanatiling tapat at hindi na
nag-asawa. Nang magkasakit si Juancho
ng cancer ay muli siyang tinanggap ni
Gloria bilang paggalang na rin sa ama
ng kanyang anak. Sa piling ni Gloria Romero
namatay si Juancho Gutierrez.
Isa pa ring maituturing
na matibay na pagmamahalan ang namamagitan
kay Nadia Montenegro at
Boy Asistio. Sa kabila ng playboy
image ng dating mayor ng Caloocan, mukhang
nakuntento na siya kay Nadia kahit sabihing
sobra ang katabaan nito. Sabi ni Nadia,
maasikaso raw kasi siya kay Boy at pinipilit
niyang intindihin ang lahat ng bagay na
iniikutan ni Boy. Patunay rito ay ang
balak na pagtakbo ni Nadia bilang congressman
ng Caloocan. Sasagupain niya ang dating
mayor na si Rey Malonzo. Lima ang anak
nina Nadia Monenegro at Boy Asistio na
hanggang ngayon ay wala pang balak na
magpakasal.
Mababa man sa billing ng
successful marriages ay masasabing huwaran
din ang pagsasama ni Susan Roces
at ni Fernando Poe, Jr.
Hindi naman kaila ang pagiging playboy
ni Da King pati na ang kanyang mga anak
sa iba-ibang babae. Ngunit hanggang sa
huli ay magkasama pa rin sila ni Susan.
Hanggang sa katapusan ay si Susan pa rin
ang itinuturing na “one and only”
ni FPJ. Kahit noong nakaburol si FPJ ay
kinikilig pa rin si Susan sa kanyang reminiscing
ng kanilang pagtatanan at pagpapakasal.
Nakuhang ngumiti at tumawa ni Susan sa
pag-alaala ng pagligaw at pagsuyo sa kanya
ng asawang namatay. Malambing at karinyoso
si Fernando Poe, Jr. kaya sa kabila ng
kanyang mga pagkakamali ay masasabing
naging matibay ang kanilang pagmamahalan
ni Susan Roces.
Kahit pangalawang asawa
lang ni Joey de Leon
si Eileen Macapagal ay
maaari silang ihilera sa mga successful
relationships. Sa set ng TV sitcom na
Joey and Son nagsimula ang kanilang pagmamahalan.
Tinotoo ni Joey ang kanyang papel na biyudo
sa kanyang love interest na teacher ng
anak niyang si Ian Veneracion. Sa kanilang
pagsasama sa isang bubong ay iwinaksi
na ni Joey de Leon ang kanyang mga kalokohan
lalo na ang pagkahilig sa mga babae. Katulad
nina Susan Roces at Nadia Montenegro,
si Eileen ay napaka-maunawain din sa asawa
at very supportive pa. Tinangkilik din
ni Eileen ang mga anak ni Joey kay Daria
Ramirez na sina Keempee at Cheenee at
parang tunay na magkakapatid ang turingan
ng lahat ng mga anak ni Joey. Sa ngayon
ay picture of contentment ang pagsasama
ni Joey de Leon at Eileen Macapagal na
ang tanging libangan ay ang maglibot sa
iba-ibang lugar sa mundo.
In the same breadth as Joey
de Leon’s, huwaran din ang pagsasama
ni Leo Martinez at Gina
Valenciano. Recognized din ni
Gina ang mga anak ni Leo sa unang asawa
at very supportive din siya especially
sa career ni Leo. In fact, si Gina ang
tumatayong talent manager ni Leo. Maraming
nagsasabi na mataray si Gina kaya natameme
ang Batangueñong playboy. Pero
sa totoo lang, obvious ang contentment
sa mga mata ni Leo at ang kanyang kalokohan
sa mga babae ay hanggang biro na lamang.
May nagsabi rin na “they take time
out away from the crowd” kaya yun
siguro ang nagpapatibay ng bonding nina
Leo Martinez at Gina Valenciano. Tatlo
ang anak nina Leo at Gina, dalagita na
ang panganay.
Lastly, kapuri-puri din
ang long-lasting love ng aming editor
na si Jose Carreon sa
kanyang one and only Nanie.
“Yan ang pangako ko sa sarili ko,”
hirit ng seryosong film director about
his undying love for his wife. Patunay
nito ang kanilang 36 years of wedded bliss
na nagbunga ng dalawang mababait at edukadong
mga anak na parehong babae. Ang isa ay
lawyer at ang isa naman ay may sariling
PR firm na kasosyo ang ilang kaibigan.
May kasabihan na it takes
two to tango. Kung mali ang step ng nagsasayaw
ay tiyak na magkakamali rin ang kanyang
kapareha. For all the successful marriages,
credit should go to both the husband and
wife. At sa lahat ng magandang pagsasama,
sa loob at sa labas ng showbiz, sana ay
manatili ang unawaan at huwag matatapos
ang pagbibigay ng suporta sa inyong minamahal.
Note: I actually intended
to make a long list of successful marriages
in showbiz and just select which ones
are to be published. But writing this
article made me realize that a successful
marriage in showbiz is rare.
Para sa mga reaksyon, maaari
kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.