ILANG
PUNA NG ISANG MOVIEGOER
Ni Tess Clarin
Nakakabingi nang
marinig ang “the movie industry
is dying” kaya merong mga taga-movie
industry na nag-iba ng dialogue, saying
that the industry is already dead.
At meron namang umaasa na ito ay muling
magbabangon upang ibalik ang ningning
ng Philippine movies. Oo nga, ang
movie industry ay sadlak sa dusa at
paghihirap. From 200 or so films before,
now we generate 50 or so movies na
lang per year.
First and foremost sa
mga dahilan ay ang video piracy na
ipinagtataka ng lahat kung bakit hindi
masugpo sa kabila ng suporta ng ating
gobyerno. Napakalaking gastos ang
kailangan para makapag-produce ng
isang movie kaya ang heavy taxation
ay isang dahilan rin kung bakit pakonti
nang pakonti ang mga movie producers
ngayon.
But simplifying the
analysis, sa kabila ng piracy at heavy
taxation ay hindi gaanong babagsak
ang movie industry kung ang mga moviegoers
ay hindi nabawasan. Dahil dito kaya
inisip naming mag-interview ng isang
moviegoer.
Presently working as
a horse trainer, Jesus Henson failed
to finish high school due to his preoccupation
with movies. “Maliit pa ko nun
mahilig na ko sa sine,” sabi
niyang parang nagmamalaki pa. “Masarap
kasing manood, parang nawawala ang
mga problema sa buhay. Natatandaan
ko pa, Baluga ang
una kong napanood. Si Rosemarie (Sonora)
ang bida. Hindi ko na maalala ang
istorya pero sigurado akong si Rosemarie
ang bida run sa Baluga.”

Jesus Henson, a horse trainer and
moviegoer
Dahil sa kapapanood
ng sine sa Downtown Manila ay halos
kabisado na ni Mr. Henson ang puwesto
ng mga sinehan. “Ideal, Podmon,
Dalisay… marami yun. Kahit nakapikit
ako alam ko kung saan ako bababa ng
jeep. Pati yung Cinerama, hindi ko
pinalusot yun, sa may kanto ng Recto
pero Azcarraga pa ang tawag dun dati.
First run ang mga sinehan sa downtown
kaya naka-aircon. Mahal nga lang pero
yung iba kasing sinehan double-program,
yung may kadobol. Inabutan ko pa na
hindi color. Yung mga unang movies
na colored medyo mapusyaw. Pero maganda
pa rin kasi mahusay ang pagkakagawa”
Ang napansin namin kay
Mr. Henson ay ang paghanga niya sa
istorya. Nakatutok siya sa paglalahad
ng kuwento at hindi sa mga artista
lamang. Kapansin-pansin sa kanya kapag
may butas ang istorya. “Meron
kasing movies na umaasa lang sa popularidad
ng mga artista. Kung napanood mo yung
panahon nina Guy and Pip, ilang pelikula
nila ang walang kuwento, puro kantahan
lang talaga. Pero kumikita raw kasi
siguro dahil sa mga fans. Pero sa
akin ayoko ng ganun, gusto ko talaga
yung maganda ang istorya. Para bang
nagbasa ka ng libro, di ba yung istorya
ang habol mo?”
To cut short his reminiscenses,
dumako kami sa kanyang hanapbuhay.
Madaling araw kung gumising si Mr.
Henson para asikasuhin ang kanyang
mga alagang kabayo. Bilang trainer
ay siya ang namamahala ng pagpapakain
at ensayo ng mahigit 30 kabayong alaga
niya. Nakakauwi siya bago mag-lunch
time at nakagawian na niyang matulog
sa harap ng TV pagkatapos mananghalian.
Kapag weekend ay nasa karerahan siya
after lunch hanggang gabi at kung
weekdays naman ay sa gabi lang ang
karera.
Kadalasan, sa free time
niyang magmula 2:00 hanggang 6:00
pm ay nauubos sa panonood ng DVD sa
kanilang bahay. “Malaking tipid
ang DVD kasi mura saka puwede pang
ulitin. Madalas nga hindi ko natatapos
ang isang palabas kaya to be continued
kinabukasan.” Kahit sabihing
bumibili ng pirated DVD, hindi pa
rin kumporme si Mr. Henson sa video
piracy. Naiintindihan niya ang pagiging
illegal at immoral ng pirated DVD.
“Siyempre mas okey kung original
kaso ang mahal ng orig na DVD. Pero
kung talagang bawal ang pirated, hindi
na rin ako bibili. Siguro balik sine
na lang ulit ako.”
Ngunit sa kabila ng
kanyang busy schedule at sa dami ng
pirated DVD nila ay nanonood pa rin
ng sine si Mr. Henson. “Iba
pa rin kasi sa sine, wide screen kaya
malinaw pati sound klaro lalo na kung
action. Kasama na rin ang pasyal dun
kaya nga minsan-minsan na lang kung
manood kami eh. Magastos kasi.”
Lagi niyang kasama ang buong pamilya
sa panunood ng sine at balak nga nilang
tikman ang bagong sinehan sa Mall
of Asia na may real sensurround at
3D picture.
Si Mr. Henson ay kasama
sa tinaguriang bomba films audience
noong araw. At ngayong wala na ang
mga bold movies ay comedy films naman
ang kanyang nakakahiligan. At bakit
hindi action movies? “Mas corny
na ngayon ang action eh. At least
sa comedy kahit paano merong nakakatawa
kahit sabihing karamihan ng jokes
corny pero siguradong may funny kahit
na lang sa costume siguro. Pag action,
parang hindi na realistic. Ewan ko
pero ganun ang dating sa akin, walang
dating pag action.”
Hindi rin type ni Mr.
Henson ang drama. “Kaya ka nga
nanonood para ma-entertain, di ba?
Kung puro iyakan eh di malulungkot
ka lang. At saka pag malungkot eh
baka malasin pa ko,” for the
first time ay tumawa siya. Sa kanyang
trabaho ay mahalaga ang pagiging mapamahiin
kaya iniiwasan niya ang mga bagay
na nagdudulot ng kamalasan. Kaya hindi
rin siya mahilig manood ng mga soap
sa TV dahil baka matalo lang daw ang
mga kabayo niya kung ang makikita
niya ay mga iyakan, sigawan at awayan.
Getting a bit serious,
nalulungkot si Mr. Henson sa nangyayari
sa local movies. Sa paborito niyang
mga comedy ay marami siyang puna.
Corny, trite and dragging. Kailangan
daw sigurong ma-overhaul ang style
ng mga scriptwriters at directors
natin. “Nung araw, nung panahon
nina Pugo at Tugo, click yung tinatawag
na slapstick. Yun bang pag sinuntok
eh tumatalsik yung tao. O kaya may
multo tapos hindi makatakbo dahil
sa takot. Nakakatawa yun dati pero
ngayon hindi na siguro kakagatin yun.
Siyempre nagbabago ang panahon, nag-iiba
ang mga tao. Kaya nga sa nakikita
ko sa movies natin parang walang asenso
kasi yun at yun din ang style lalo
na pagdating sa comedy. Para bang
yung mga scriptwriters nung araw eh
sila pa rin ang scriptwriters ngayon.”
Isa pang ikinaiinis
ni Mr. Henson sa local movies ay ang
mga fantasy films na out of logic
na kung minsan. “Kahit fantasy
o comedy syempre dapat may sense pa
rin, di ba?” Binanggit niya
ang Enteng Kabisote 3 na kumita ng
mahigit 120 milyon sa nakaraang Metro
Manila Film Festival. Marami raw mga
eksena na puro kalokohan na lang at
nakisakay na lang sa kasikatan ng
artista. Hindi rin daw maganda ang
isiniksik na mga commercials. “Ibang
klase nga eh, movie na pero may commercial
pa!”
“Sa action naman,
siguro iba na talaga. Kasi wala nang
mga maton ngayon. Dati, lalo na sa
Tondo, sikat ang mga siga, di ba?
Click ang suntukan, karate, rambulan.
Pero ngayon, corny na kasi high tech
na ang mga baril saka medyo sibilisado
na tayo. Bukod sa pulis meron pang
barangay ngayon. Konting gulo naaayos
agad. Kaya hindi na realistic ang
mga ganung pelikula ngayon. Kita mo
nawala na sina Ronnie Rickets. Palagay
ko dapat pasukan na nila ng hi-tech,
mga computer o cel phones baga. Puwede
naman dito yung mga modern gadgets
na tinatawag kaso ewan ko kung bakit
hindi nila subukan.”
Another problem of our
action films ay ang FPJ syndrome na
nagpapagulpi muna ang bida tapos sa
bandang huli na lang babawi. “Parang
kabayong de-remate. Nagpapaiwan muna
sa largahan tapos saka kakayod pagdating
sa meta. Sana paiba-iba naman. Kung
magaling yung scriptwriter, puwede
namang hindi dehado agad yung bida,
di ba? Saka sana wala na yung sampu-sampu
ang kalaban tapos panalo pa rin. Sa
totoo naman pag isa laban sa dalawa
mahirap manalo yung nagiisa, di ba?
Try mong itanong kay Pacman!”
Dahil wala si Pacman
kaya si Mr. Henson na lang ulit ang
tinanong namin kung bakit kumikita
ang fantasy kahit maraming out of
logic sequences. “Hilig ko rin
ang fantasy nung bata ako. In fairness,
maganda ang mga fantasy ngayon kasi
computer na raw ang ginagamit. Kaya
lang parang pare-pareho na lang kasi.
Rehash yata ang tawag dun, oo, iniiba
lang ng konti. Eh kaya kumikita? Kaya
pinapanood? Kasi nga kakaiba ang mga
costume dahil ginamitan siguro ng
computer. Saka ano, wag kalilimutan
yung mga fantasy sa TV masyadong bugbog
sa commercial. Rigid promotion yata
ang tawag dun.”
Sa pagtatapos ng interview,
Mr. Henson says with confidence that
movies will stay forever. “Mag-iiba
lang ng bihis. Parang dati silent
movie lang tapos nagkaroon ng sound
tapos naging colored. Pero hindi ko
na inabot yung silent movies, ha?”
for the second time ay narinig ulit
namin ang kanyang pagtawa.
Certainly, movies
will be around as long as there are
moviegoers. At siguro hindi mawawala
ang mga movie goers habang may magagandang
movies na palabas.
Para sa mga reaksyon,
maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.