HINDI
NA BA SI OYO BOY ANG PAG-IBIG NI ANGEL
LOCSIN?
Ni: Pablo Libiran
Bago
pa man nagsimula ang bagong taon ay isang
kilalang manghuhula ang nag-predict na
hindi magkakatuluyan ang pag-iibigan nina
Angel at Oyo. Na pagkatapos lamang ng
ilang araw, matapos ang hulang iyon ay
bigla na lamang napabalita ang break-up
ng dalawang ito.
May nagsasabi na si Bing
Loyzaga raw ang naging dahilan ng pag-hihiwalay
na iyon at may nagsabi rin naman na may
bago na raw napupusuan si Angel. Dahil
sa balitang iyon ay marami ang nanghinayang
sa pag-iibigan nila. Mga malalapit na
kaibigan at mga masusugid na tagasubaybay
ng showbiz.
Nang tanungin ang dalawa
ukol sa naturang hiwalayan ay nanatili
namang tikom ang mga bibig nila. Pawang
ngiti lamang ang kanilang isinusukli at
sinasabing ang susunod na project na lamang
daw nila sa pelikula ang kanilang pag-usapan.
Maging si Bing ay pawang biro lamang ang
isinasagot sa mga tanong sa kanya tungkol
sa isyung ito.
Sa nakaraang Metro-Manila
Film Festival, kung saan nakitang magkasabay
sina Richard Gutierrez at Angel Locsin,
tinanong sila ng mga reporters kung hindi
magseselos si Oyo sa nakikitang madalas
nilang pag-sasama sa mga shooting at gatherings.
Sinabi ni Richard na hindi naman siguro
siya pagseselosan dahil noon pa man ay
malapit na kaming mag-kaibigan. Bukod
pa sa madalas kaming magkatambal sa teleserye
at pelikula.
Bukod kay Richard, nakatambal
rin ni Angel si Robin Padilla na kilala
bilang playboy na actor. Sa teleseryeng
Asian Treasures, sinasabing si Robin pa
mismo ang nagtuturo kay Angel ng mga ginagawa
nilang routine sa pagsipa, pagsuntok at
karate sa kanilang eksena.
Pero ang pagdududa ng lahat
kay Robin ay binura ng mga salita ni Robin
na pamangkin niya si Oyo, kaya hindi nya
ito kakatalunin. Kaya sana raw ay huwag
siyang i-ugnay sa mga manliligaw ni Angel.
Sa kabilang dako, matapos
ang mainit na balita ng paghihiwalay ng
dalawa, sinabi sa isang pahayag na patuloy
pa rin ang pagiging textmates nina Angel
at Oyo Boy. Katunayan, sa press conference
ng Asian Treasures, sinabi ni Angel na
nagpaalam rin daw siya kay Oyo Boy sa
pamamagitan ng pagti-text.
“Ayokong ma-offend
siya na komo break na kami ay hindi ko
na ipapaalam sa kanya ang mga schedules
ko. Lagi rin siyang nagti-text sa akin
at inaalam ang kalagayan ko. Na huwag
ko raw pababayaan ang katawan ko sa kabila
ng napakarami kong schdule sa trabaho
at mga shooting,” pahayag pa ni
Angel.
Samantala, nang tanungin
siya kung ang pagiging textmate pa rin
ba nila ay nangangahulugan na maaaring
magka-balikan silang muli, sinagot yun
ni Angel na:
Nawindang ako sa naging paghihiwalay namin.
Ayokong magsalita nang tapos kung muli
kaming magkakabalikan. Pero sa ngayon
ay mag-kaibigan pa rin kami at naroroon
ang pag-aalala naming sa isa’t-isa.
“Sa ngayon ay magko-concentrate
muna ako sa mga natanguan kong commitment
at mga schedules ng shooting. Si Oyo naman
ay gayon din. Marami rin siyang pinagkaka-abalahang
mga commitment. At palagay ko naman, hindi
masamang magkaroon kami ng komunikasyon
kahit break na kami,” ang sabi pa
ni Angel.
Ayon na rin sa mga nakakita
o mga nag-interview kay Angel, aliwalas
ang mukha nito nang humarap sa mga press
people. Parang walang mabigat na nangyari
sa lovelife niya. Talaga raw professional
si Angel dahil kahit nagaroon ng mabigat
na problema ay nagagawa pa rin niyang
ngumiti at tumawa.
Bukod sa pagharap ni Angel
sa media, napabalita rin na talagang todo
ang pagpapaganda niya ng katawan. Katunayan,
isa siya sa naging modelo ni Vicky Belo
sa mga advertisement na ginawa nito na
kung saan ay ini-indorso niya si Dra.
Belo.
May kuha pa rin si Angel
na kung saan ay nakahubad siya at ang
tanging itinakip niya ay isang puting
board na nasa harapan niya. Sa larawan
ay nakunan na kasama niya si Vicky sa
naturang takip ng board. Sinabi rin ni
Vicky na talagang “perfect na ang
beauty ni Angel Locsin.”
Sinabi rin ng mga reporter
at mga movie columnist na dahil na rin
sa itinatakbo ng career ni Angel at dahil
na rin sa pagiging propesyunal nito, malayo
pa ang mararating ng naturang aktres sa
larangan ng show business. At naniniwala
rin sila na kung matuturuan ng proper
lesson sa pag-arte si Angel, darating
ang araw na magkakamit din ito ng mga
parangal sa pag-arte.
Kaya ngayon pa lamang
ay abangan na natin ang magandang direksiyon
na itinatakbo ng career ni Angel Locsin.