PAMANANG
KWENTO NINA LOLA AT LOLO
Ni Julie Ann G. Nuñez
"Maning naman! Mauupo
ka lang naman, ano bang masama roon?"
sabi ni Lola sa tumataas na tinig. "Aba
eh kung ganon…ikaw na lang. Mauupo lang
naman pala.". tinig ni Lolo na medyo asar
na rin. Medyo naguluhan ako sa pag-uusap
nilang iyon bukod pa sa nangangawit na
ako sa position ko. Eh kung pabalabag
na isasara ni Lolo ang pintuan ay tiyak
na lagas ang tenga ko. Kung bakit ba naman
kasi nakinig pa ako ng usapan ng may usapan.
Dahil
hindi ako nakatiis na malaman kung ano
ba ang pinagdidiskusyunan nila, eh kumatok
na ako. At saka ko biniro sila na "Naks
naman Lo…La ano ba yang mauupo?" sabay
kindat sa dalawa.
Sukat
ba naman doon ay humagalpak ng tawa ang
Lolo ko. "Apo naman, kung anu-ano na naman
iyang nasa isip mo." At doon ko lang nalaman
na si Lola ay nagyayayang manood ng Till
I Met You. Nak's naman si Lola
gusto pang kiligin. Ayaw kasi ni Lolo
manood dahil ang corny raw ng mga palabas
ngayon.
Sa isip-isip
ko eh di mas lalo na ang movies ng kapanahunan
nila. Marahil ay nadala si Lolo nang minsang
makapanood sila ng walang katorya-toryang
palabas. "Nak ng yhuwi naman eh… hindi
nila gayahin noong panahon namin. Lahat
ng palabas may sense. Ke gagaling pa umarte
nila Rogelio, Carmen,
Pepito at Rosemarie…Ke
gagaling na artista talaga." Dahil doon
medyo na-curious ako.
At dito
na nagsimulang magkwento sina Lolo at
Lola. "If my mind serves me right noong
1950's ang hottest tandem ay sina Rogelio
dela Rosa & Carmen Rosales
na isang singer sa radio. Halos lahat
ng movie nila ay may mga kanta. At naging
trademark nila ang kantang Maalaala Mo
Kaya. Ang una nilang movie ay ang Arimunding-munding.
" parang bumata yata si Lola ng ilang
panahon sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
"At noong
late 1960 ay sina Susan Roces
& Eddie Gutierrez. Andyan
rin sina Pepito Rodriguez
& Rosemarie Sonora noong
1970." Napukaw ang interes ko dahil dito.
Ano ba ang muwang ko sa mga sikat na artista
noon. Ang kilala ko lang ay ang sa henerasyon
natin ngayon.

ROGELIO
& CARMEN
Sino
ba ang mag-aakala na si Rogelio
dela Rosa ay lumaban sa presidential
election noong 1961 vs. Carlos
P. Garcia & Diosdado
Macapagal. Sure win na siya dahil
suportado siya ng Manila Times, ang pinakamabiling
newspaper noong panahong iyon. Pero nagulat
ang lahat ng bigla na lang siyang umatras
sa laban. I smell something fishy huh…Di
kaya… hmmm ano nga kaya? Bahala na nga
kayo mag-isip.
Sabi
ni Lolo hindi naman daw nalaos si Rogelio,
nag-shy away lang siya sa movie dahil
na rin marahil sa kahihiyan sa pag-atras
niya sa laban nung eleksyon.. Pero ginawa
naman siyang Adviser for Rural
Affairs ni President
Marcos. Naalala ko pa na nabanggit
ni Lola na noong panahon nina Rogelio
at Carmen, ang usong kasuotan
sa pelikula ay barong tagalog para sa
kalalakihan at baro't-saya sa mga kababaihan.
Oh! ha ang bongga naman nila dress kung
dress ever.
Kung
may intriga kay Rogelio,
di naman pahuhuli si Carmen.
Ayon kay Lolo iniwan ni Carmen
ang asawang si Navales
at anak na si Rene. At
sumama kay Jose Puyat,
isang milyonaryo na may pagawaan ng furnitures
sa Pampanga. Nagkaroon siya ng isang anak
kay Jose. At nang namatay
si Jose ay kinuha niya
ang anak niya kay Navales
at inalagaan kasama si Cesar
na anak niya kay Jose.
Napamanahan siya ng shares of stock sa
negosyo ng Puyat tulad ng Bowling
Lanes, Manila Bank
& Puyat Furnitures. Aba
naisip ko tuloy close ba ang Grandpa ko
kay Rogelio at Carmen?
What do you think?
"Eto
apo napapasin mo ba na madalas sa ilalim
ng puno o dili kaya ay may payong ang
eksena nila Rogelio at Carmen?"
Si Lola talaga ano bang malay ko doon.
Pero dahil nagtaka rin ako tinanong ko
na rin kung bakit nga ba. "Aba'y akala
ko hindi ka na interesadong malaman. Kapansin-pansin
si Carmen na kahit nakasakay
sa kalabaw ay nakabandana , sombrero at
mahaba ang manggas ng damit. Ito ay dahil
sa ingat na ingat siya sa malasutlang
balat nya." Si Lola talaga syempre naman
puhunan nila iyon. Wala naman yatang artista
na hindi makinis ang balat eh. "Dahil
may lahi sya, ¼ Filipina si Carmen.
Dahil ang tatay nya ay isang Swiss."
Ang hirit
naman ni Lolo. "At eto pa apo. Kung gusto
mong kuminis at gumanda ang iyong balat
ay gumamit ka rin ng Ponds Cold Cream,
dahil iyan ang gamit ni Carmen
sa kanyang balat." Aba naman pati ang
brand ay alam ni Lola. "Ang pera nya ay
napupunta sa properties, nag invest ng
higit sa limang bahay kaya naman lumaki
ang dalawa niyang anak sa isang marangya
at malaking bahay."
Ang pagtatapos
ni Lolo sa usapang Rogelio at Carmen.
Ayon pa sa lolo at lola ko noong panahon
na iyon ay walang kissing scene dahil
"pag naghalikan mabubuntis daw ang artista."
ang pabirong hirit ni Lola

Eddie
Gutierrez & Susan Roces
"Oh,
apo kilala mo naman siguro si Susan
Roces at Eddie Gutierrez…"
ang tanong ni Lolo na medyo amused. Di
niya siguro akalain na magiging interesado
ako sa nakaraan. "You stole the
presidency not once but twice!
Si Susan yan Grandpa." ang nangingiti
kong sagot kay Lolo.
"Korek
ka dyan, apo. Pero alam mo bang ang original
na ka love-team ni Susan
ay si Romeo Vasquez.
Dangan nga lang at umalis si Romeo
sa Sampaguita. Pero kahit ganon pa man,
pumatok ang tambalang Eddie at
Susan."
"Kasama
rin ni Susan si Eddie
sa sitcom na Tipitipitim-Tipitim,
tapos bihira na lang siya gumawa ng movies.
Pero hindi nangangahulugang nalaos siya.
Dahil haggang ngayon ay mabangong-mabango
pa rin ang pangalan nya. Kahit once in
a blue moon siya gumawa at magpakita sa
pelikula ay paniguradong paka-aabangan
ng masa," sabi ni Lola na bakas sa mukha
ang paghanga sa ilang henerasyong reyna
ng pelikulang Pilipino.
Kung
sa panahon nila Rogelio at
Carmen ay nauso ang kanta sa
movie, kay Susan at
Eddie ay sayaw naman. Naalala
ko tuloy ang isang palabas na ang corny
ng sayaw ng mga artista doon. Tawa kami
ng tawa ng kapatid ko. Napagalitan pa
nga kami ni Mommy. Bakit daw namin tinatawanan
eh yun ang uso noon.
Bilib
daw si Lolo kay Susan
dahil noong time na iyon ay uso na ang
kissing scene sa movie, pero never daw
na nagkaroon ng kissing scene si Susan.
Bakit kaya? Hmmm..malay ko. Itanong nyo
kaya sa kanya.
Sabi
pa ng Grandpa ko, ang nausong kasuotan
noong late 1960 ay ang magagarbong damit
na parang mga gown. Ang lalaking artista
ay naka-pomada at ang babae naman ay naka-teased
ang buhok. Paulit-ulit lang naman ang
uso mula sa mga kinagawiang damit at maging
sa ayos.
Maraming
taga-hanga si Susan Roces.
Ilan dito ang kilala at bigating personalidad
sa loob at labas ng showbiz. Sabi nga
ni Mr. Bing Manalo "Up to now
she's the brightest star of them all."
Bago ko makalimutan. Nasabi nga pala ni
lolo na si Mr Bing ay
isang program analyst sa GMA network at
loyal follower ni Susan.
"Parang magandang name ng perfume
yun ah, in her honor - Forever Susan"
ang biro pa ni Mr. Manalo
kay Lolo nang minsan mag-usap sila. Kung
iisa-isahin ko ang magagandang bagay kay
Susan ay sigurado akong
hindi ito magkakasya dito. Pero ok lang
alam ko naman na marami pa akong pagkakataon
para maibahagi ito sa inyo.
Noong
1970 sa kainitan ng loveteam nina Nora
Aunor at Tirso Cruz III
(Guy & Pip), Vilma Santos at
Edgar Mortiz ay natabunan ang
tambalang Perla Adea
& Romy Mallari. Kung
tutuusin ay walang intriga ang kanilang
loveteam ito ay dahil sa ayaw nila ng
gimik. Si Perla ay isang
magaling na singer sa radio kasabayan
ni Eva Vivar. Classmate
ng mommy ko noong elementary & Esperanza
Fabon na naging lawyer at ngayon
ay judge na sa Rizal Circuit Court. Nagkaroon
sila ng business na trading of farm products
sa Pampanga.
Naalala
ko noon na nabanggit ni mommy na isa raw
sa nagustuhan ni Perla
kay Romy Mallari ay ang
pagiging palabiro nito. Na kung tutuusin
ay malayo sa character nya sa pelikula.
Bakya daw ang tawag sa love team ni Perla
at Romy, dahil bakya
crowd ang nanonood sa kanila. Dahil siguro
sa mga kanta nila at sa style ng sayaw,
pati na ng kanilang kasuotan na pawang
simple lamang. Kung tutuusin, ang loveteam
nina Perla at Romy ay matatawag na successful
dahil sila rin ang nagkatuluyan na hanggang
ngayon ay mag-asawa pa rin at nabiyayaan
pa ng maraming anak. Sabi pa ni mommy
ay na mild-stroke daw si Romy
ilang taon na ang nakakaraan pero naka-recover
naman.
Nabitin
ako dahil alam ko marami pang kwentong
showbiz ang hindi pa ko pa nalalaman at
alam ko sa mga susunod pang araw ay mag-kakaroon
kami ng oras nila Lolo at Lola na pag-usapan
ang nakaraan. Nakatutuwang pakingggan
ang kwentong ilang dekada na ring itinago
nila Lolo at Lola sa puso at alaala nila.
Nang mga sandaling iyon para akong naglalakbay
sa ilang taong nakalipas at nakilala ang
mga taong nagbigay kila Lolo at Lola ng
di matatawarang saya, luha at pag-asa.
Alam ko na hindi papayag si Lolo na panoorin
ang gusto ni Lola, kaya naman ako na ang
nag-offer para samahan siya. Habang tinitigan
ko sila nakikita ko ang sarili ko paglipas
pa ng ilang taon. Gaya nila Lolo at Lola
may kwento rin akong maipamamana sa aking
apo.