SOBRANG
SHOWBIZ
Ni Julie Nuñez
Sa
dami ng mga nag-lipanang pelikula, masasabi
natin na ang simpleng buhay nating mga
Pilipino ay nahahawig rin sa showbiz.
At sa bawat eksena ay tiyak na may tatak
na senaryo sa ating mga utak. Ang iba
naman ay nagagaya o pilit na ginagaya
at kung minsan ay nadadala pa natin sa
pang araw-araw na pamumuhay. Aba’y
subukan mong magmuni-muni, obserbahan
ang iyong paligid at saka mo sabihin na
mali ako. Kung hindi man ikaw ang gumagawa
ay tiyak na ang nakakasalamuha mo ang
salarin. Paano kamo? Aba’y basahin
mo ang artikulo ko.
Kung ang guard ninyo sa
lobby ay si Palito –alias
Rambuto– at sa tuwing papasok ka
ay babati ng “Good Morning Maam…Sir”
with matching ubo. Aba’y mag isip
ka. Nasa lobby ka ba ng opisina o ng ospital?
Kapag ang time administrator
ninyo ay si Cherie Gil
na ang morning greeting niya with a smile
ay... "Welcome to hell..."
kakayanin mo pa kayang makita siya sa
umaga?
Karamihan sa ating mga Pilipino
ay pabalat-bunga lamang ang isang imbing
ngiti. Isa nang halimbawa dito ang mga
sales lady. Habang tumatagal ka sa pagpili
ng bagay ng gusto mo, makikita mong isang
pilit na ngiti na ang lilitaw sa kanilang
mga labi. Kulang na lang ay sabihing “Ma’am…Sir,
bibili po ba kayo? O titignan nyo lang
yan at papagurin niyo ako mag-hapon?”
Kung ang head ng Human Resource
department ninyo ay si Bella Flores,
aba’y pumili ka ng mahusay husay
na empleyado. Kundi’y isang katakot-takot
na pandidilat ang mararanasan mo.
Kung ang HR Staffing head
ay si Dexter Doria ...
at pag pumasok ka na walang ID o hindi
naka-uniform... kakaladkarin ka nila sa
buhok palabas ng opisina pagkatapos kang
pagsasampalin. Aba’y mas magaling.
Karamihan kasi sa atin ay hindi marunong
sumunod sa regulasyon. Susubukan mo pang
magdahilan at sa huli ay mapaparusahan
ka rin lang.
Kapag ang Employee Benefits
head ay si Lolit Solis...
sige, magreklamo ka na maliit ang sueldo
mo... sige lang, I dare you!!!!
Kung tuwing may problema
ang kompanya, ang Corporate Communications
head ninyo na si Cristy Fermin
ang nagbibigay ng official company statement...
at ang simula nang kanyang presscon ay...
"Galing ito sa isang
reliable source at itataya ko ang buhay
at karangalan ko dito... dahil wala akong
libel case na inuurungan..."
wala nga ba? Kayo may naaalala ba?
Kapag ang official company
driver niyo ay si Vandolph.
Explanation not required di ba?
Kung ang kasama mo mag-OT
ay si German Moreno…Kakayanin
mo ba? Itoy’ payong pang-kaibigan
lamang. Unahin mo muna ang trabaho bago
ang daldal kung hindi’y titiyakin
ko sa inyong walang tulugan!
At kung noong huling company
anniversary ay sumayaw ka nang naka-damit
babae sa tugtog na "ang
ganda ko... feel na feel ang long hair
ko..." kinabukasan
dumating si Robin Padilla
para itanong sa yo kung niloloko mo ang
kapatid niya...
Kapag ang messenger ninyo
ay si Kuya Cesar, “a-ano…
po…yun… Ma’am?”
kundi man kasing bagal ang
pananalita ay sigurado namang kasing kupad
ng pagong ang kilos nito. At bago pa siya
makarating sa destinasyon abot-abot na
sermon na ang natanggap mo.
Kung si Boy Abunda
ang Career Counselor mo at tuwing me problema
ka ang tanong niya ay... "Mag-usap
tayo, kaibigan... kung nasa harap ka ng
salamin ano ang sasabihin mo sa iyong
sarili?" Madalas ang
ganitong sitwasyon, nagugulumihanan tayo
sa kung saan ba tayo patutungo. At kinakailangan
pang sumangguni, mabuti sana kung pag-katapos
ng inyong pag-uusap ay masisiguro mo na
kung ano ang nararapat mong gawin sa buhay.
Paano kung hindi? Ang masama pa nito ay
lalo ka lamang nalito.
Kapag si Love Añover
ang voice behind your automated phone
system. "Mga katsokaran... ip you
chuva da number eklavu... dependots 1...
ips not... luz valdez... charing!...Have
a nice & lovely days"
Kung ang Office Security
niyo ay binubuo ng Tulfo Brothers...
bigla silang darating sa opisina mo at
sasabihing "Hephephep...
nag-uuwi ka ng bond paper... tarantadong
to ah... manggagantsong butete ka!!!"
At pag tumanggi ka... ipapanood nila sa
yo ang hidden camera shots na nagpupuslit
ka ng dalawang pirasong bond paper mula
sa printer... habang pinoposasan ka ng
mga pulis.
Kung noong Halloween party
niyo ang costume mo ay Lizardo...
at dun mo rin first time na-meet ang anak
ng may-ari na ang pangalan ay Tristan...
alias Panday. Next halloween
me tribute sa buhay mo na ipapalabas.
Kung tuwing pasko ang prize
committee head ay sina Bernadette
Sembrano at Vicky Morales.
Taon-taon din ay nananalo ka ng banana
cue at pedicab showcase. At nangangarap
ka na sana next time ay si Willie
Revillame naman para may jeepney
o taxi ka na. Oh di ba! mas sosyal ang
dating. Pero wag namang pipila ka pa para
bumili ng ticket at maranasan ang stampede.
Kapag si Michael
Fajatin ang laging nagpe-present
ng annual report niyo... "Mga
Igan... nung umabot sa P50M ang ating
kinita... kumita tayo ng P50M... matapos
nating magtrabaho nang matindi kumita
tayo ng P50M pero bago yan ay nagtrabaho
muna tayo saka tayo kumita ng P50M."
Paulit-ulit diba? At uulit
pa ng uulit lalo’ t kung ang ibang
kasamahan mo ay naguguluhan sa paulit-ulit
niyang sinasabi. Ay! pati yata ako paulit-ulit
na rin!
Eto pa kung ang akala mo
sa sandaling pahinga tulad ng pag-kakape
o ng pag-yoyosi ay wala ng sisita sa iyo…
nag-kakamali ka. Lalo’t kung ang
Boss mo ay si Big Brother...
at alam niya na lampas 15 minutes ka nag-coffee
break kaya kailangan mo mag-type nang
gamit ang ilong mo hanggang patawarin
ka niya. Gugustuhin mo pa kayang mag-pahinga?
Kapag ka-opisina mo ay si
Arnold Clavio at pag
naka-leave siya... Malamang na may good
news at bad
news. Good news dahil wala siya,
bad news dahil ang OIC niya ay si Arn-Arn.
Akala mo pa naman mabubuo ang araw ng
hindi mo sya nakikita…yun pala ay
may substitute.
Kung ang department head
mo naman ay si Mike Enriquez...
Mag-trabaho ka ng maayos. Dahil sa bawat
maling gagawain mo…HINDI
KITA TATANTANAN!!!!
O tama ba ako at mali
ka? Hindi natin maikakaila na malaki na
ang impluwensya ng showbiz sa atin. At
ang masasabi ko lang SOBRANG SHOWBIZ
NA TAYO!!!