Aug 22
ASK KO LANG PO (Part 2) by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 22, 2008

TV5 Launched. Well-prepared at talagang fabuloso ang launching ng dating ABC-5. Hindi biro ang ilang araw na ginawang countdown kung saan wala kang makikita sa channel nila kundi ang meter o mga numero ng parang relo na nagpapakita ng countdown. At eksaktong 7 p.m. ng August 8, 2008 ay bumulaga ang makulay na stage at ang masasayang mukha ng mga personalities behind the new programming.

The affair was hosted primarily by Ryan Agoncillo and Alex Gonzaga na kapatid ng pamosong si Toni Gonzaga. Marami ring iba pang nag-host gaya ni Bayani Agbayani at Jomari Yllana. Incidentally, si Ryan ang main host ng Talentadong Pinoy, isang tv show para bigyang daan ang mga natatagong talento ng mga Pilipino. Together with Cheska Litton, si Jomari naman ang host ng Philippines’ Scariest Challenge na tungkol sa ispiritismo at iba pang kababalaghan.

The now called TV5 is managed by MPB Primedia, Inc. Although Pilipino ang CEO nito na si Christopher Sy, ang talagang may-ari ng nasabing kumpanya ay mga Malaysians. Pero sa paliwanag naman ni CEO Sy ay purely Pinoy ang programming at wala ni bahid man lang ng Malaysian show.

Contrary sa mga ugong-ugong na naibenta na, ang dating ABC-5 ay pinaupahan lamang sa MPB Primedia, Inc. at si Tonyboy Cojuangco pa rin ang nananatiling chairman ng board of directors ng nasabing TV channel. In other words, the TV network is still owned by the Cojuangcos. But ang lease contract daw ay mahigit 10 taon.

Ask ko lang po kung bakit pinarentahan na lang ni Tonyboy ang ABC-5 na alam naman nating binili niya para kay Gretchen. May kinalaman kaya ang kanilang present misunderstanding ni Gretchen? O talagang malaking problema na ang kanyang throat na laging nagkakaroon daw ng lump? Malalaman natin ang kasagutan before the year ends dahil siguradong magsasalita si Gretchen about this pagdating ng panahon na wala nang issue about her.

* * *
Dobol Trobol ang mga jokes ng Dobol Trobol na movie ni Dolphy at Vic Sotto kaya in trouble ang sales gross nito. Considering na super big stars ang main casting kaya kung tutuusin ay maliit ang 8 milyon na box office sales sa first day. Para tuloy napakalayo ng 14 milyon na first day gross ng A Very Special Love ni Sarah at John Lloyd. Eh sino ba ang bigger stars, sina Sarah at John Lloyd o sina Dolphy at Bosing Vic?

Sa movie industry naman ay sanay na sila sa sinasabing pag-remate ng benta dahil malaking tulong ang tinatawag na word of mouth kung saan ang mga hesitant manood ay naghihintay ng balita sa mga naunang nakapanood. Pero sa kaso ng Dobol Trobol ay mukhang bubulusok (paibaba) ang benta kung ang aasahan ay ang word of mouth na iyan. Just take note na ang A Very Special Love na 3 weeks na sa sinehan ay pinipilahan pa dahil kasi sa ganda ng istorya na kahit sabihing puro kuwentuhan ay syut na syut naman ang personality ng masungit na si John Lloyd at ang kerengkeng na si Sarah. Sa case ng Dobol Trobol ay masyadong nag-capitalize ang gag writer sa pagiging comedian ng mga bida kaya ang nangyari tuloy ay annoying instead of entertaining.

Sa simula pa lang na nagluluto si Dolphy at ihagis pataas ang mga karne sabay salo ng 2 plato ay alam mo nang jurassic ang gag writer. Dagdagan mo pa ang pagpasok ni BJ Forbes na sumipa ng bola at tinamaan si Dolphy—anyone can surely guess kung saang parte ng katawan tatamaan si Dolphy. At ilang beses na ba nating napanood na may nagsa-sunbathing sa swimming pool na nagpapalagay ng sun tan lotion? At hindi ba’t maraming beses na ring ginawa ni Panchito na lagyan ng kung ano ang pagkain o inumin ni Dolphy pero magkakapalit sila ng plato o baso? Expect the expected pagdating sa mga gags. Sabi nga ng isang matanda sa audience, “Naku eh yang mga patawa nila ay panahon pa ng bodabil.”

Ask ko lang po kung naka-break even man lang ang Dobol Trobol. Malalaman natin ang kasagutan kapag until next year ay namahinga na lang si Dolphy at si Vic Sotto naman ay nagpirmis na lang sa Eat Bulaga.

* * *
Baron Geisler versus Patrizia Martinez. Ayon sa data ng kaso, April 25 ngayon taon ay binastos ni Baron si Patrizia sa pamamagitan ng paghipo sa private part ng babae at ang pabulong na pagyaya ng sex kaya ang kaso ay Acts of Lasciviousness at Unjust Vexation.

And to make matters more convincing ay nang ipakita sa news ang nagpuputok ng butse ni William na butihing ama ni Patrizia pati na rin ang mommy Yayo Aguila niya. This is not counting Patrizia’s boyfriend who decided na manahimik at hindi makisawsaw dahil masyado nang kumplikado ang issue.

At talagang lumalim ang issue dahil nag-file ng counter demanda si Baron ng perjury laban kay Patrizia at Yayo. Nagsisinungaling daw ang mag-ina sa kanilang demanda laban kay Baron. Despite sa sinabi ni Baron na “I was just acting out my role,” dahil may upcoming digital movie siya na rapist ang role, pinabulaanan pa rin ni Baron ang akusasyon laban sa kanya. Idiniin pa ni Baron na kaibigan daw niya si Yayo dahil naging magkasama sila sa Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother kaya hindi niya kayang bastusin si Patrizia na parang little sister na niya.

Ask ko lang po kung totoong namumroblema na si Baron para sa pambayad sa kanyang abugado at kung totoo ang hinala ng ilang showbiz writers na inuto lang si Baron ng kanyang lawyer para mag-file ng kontra demanda. Malalaman natin in the near future ang katotohanan pag nagpalit ng attorney si Baron at pag nakabili ng bagong kotse ang abugado ni Baron.

* * *
Kung napapansin nyo ay lagi na lang laman ng balita si Rhian Ramos. No matter how small the item is, meron laging pag-atake at meron din namang corresponding defense ang young star. Halos hindi na mabilang ang intriga kay Rhian na obvious namang paninira lang. And again, sa dami ng detractors ni Rhian ay mas marami naman ang defenders niya.

Hindi lang sa media confined ang mga invented issues laban kay Rhian. Naka-plaster din sa internet ang mga small items tungkol sa kanya. Take for instance ang youtube na akala mo ay sex video ni Rhian dahil yun ang isinasaad ng title. Eto po ang link: http://www.youtube.com/watch?v=RnAkXfItgcs. Hindi biro ang nakuhang mahigit 87,000 views ng video na ito dahil very controversial nga ang title. And it turns out na simple picture album lang pala ito ni Rhian. Kaya lahat ng hindi mabilang na comments ay nagagalit at papansin lang daw si Rhian.

Rhian Ramos is the next big star—yan ang pina-float na idea ng kampo ni Rhian. At ang hinala ng mga tao ay bukod sa may think tank ang kampo ni Rhian ay meron din itong text at email brigade. All in the name of popularity. Maluluma ang panahon ni Nora at Vilma dahil noon ay maigting ang bakbakan ng mga fans. But this time ay walang rival si Rhian pero mas maigting ang bakbakan ng kanyang detractors and defenders na kung kahit nakatapos ka lang ng grade 6 ay alam mong iisang grupo lang ang nasabing detractors at defenders.

Ask ko lang po kung totoong pamangkin ni Yda Ramos si Rhian Ramos. Si Yda po ang head ng GMA Talent Center. Kailangan pa bang I-memorize yan?

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/