Jul 18
ASK KO LANG PO by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 18, 2008

Sa isang class na beauty parlor ay nagkasabay si Angel Locsin at Claudine Barretto. Sa hindi malinaw na dahilan ay nagkasagutan ang dalawa. Nauna raw nagtaas ng boses si Claudine dahil may pagka-sarcastic ang sagot ni Angel sa matinong tanong ni Claudine. True to her character ay mahinahong sumagot si Angel pero talagang nagtaray daw si Claudine.

Ang pagkalat ng insidente sa media ay mula sa anonymous reports ng mga taong nasa parlor at the time. But after a week ay wala pa ring gustong magsalita kina Claudine at Angel although wala ring denial in both camps. So it’s more likely na totoong nangyari ang sagutan nina Claudine Barretto at Angel Locsin.

Ask ko lang po: Ano ba ang ugat ng insidente? Malalaman natin sa official statement ng ABS-CBN dahil siguradong pakikialaman ng network ang kaso ng kanilang two hottest stars, di ba?

* * *

Big news – engaged to be married na si Judy Ann Santos kay Ryan Agoncillo. The much-awaited wedding will be held before the year ends. At sana ay hindi maging true-to-life ang kanilang movie na KKK (Kasal, Kasali, Kasalo) at SSS (Sakal, Sakali, Saklolo). But what is this we hear na may deeper reason daw kung bakit finally ay magpapakasal na rin si Juday at Ryan? Ayon sa ilang malicious reports ay on the way na si Juday kaya hindi nila naipaalam agad sa manager niyang si Alfie Lorenzo dahil tiyak na ikagagalit ni Alfie kung sakaling buntis nga si Juday.

Ask ko lang po: Buntis nga ba talaga si Judy Ann Santos? Malalaman natin ang totoo bago dumating ang araw ng kanilang wedding.

* * *

Dahil sa imbestigasyon ni Korina Sanchez ay lumitaw na kulang ang sangkap ng Lucida DS, isang gamot na pampaputi ng balat. Isang laboratory sa Ateneo ang nagpatunay ng findings kaya lumilitaw na false advertising ang ginagawa ng Lucida DS at ng sister product nitong Vaniderm. Take note, si Gabby Concepcion ang endorser ng Lucida DS. Take note ulit, itong endorsement contract ang kinukwestion ni Jobert Sucaldito dahil nauna siyang nag-offer ng endorsement contract kay Gabby for P2.5 milyon. Unfortunately, matapos pumayag si Gabby ay biglang eksena si Rose Flaminiano, ang tumatayong manager ni Gabby, and in the process ay na-dishonor ang verbal contract between Gabby and Jobert. Another take note, Jobert and Korina ay magkapamilya in the same tv station.

And since business has been greatly affected kaya balak magsampa ng demanda ng Lucida DS laban kay Korina. However, this threat of filing cases (versus Korina), not only in different parts of the country but also in some other parts of the world, was heralded by the owner of Lucida DS noong isang buwan pa pero until now ay no such case was filed against Korina Sanchez or to the laboratory.

Ask ko lang po: Fake ba talaga ang Lucida DS as a whitening product? Malamang na fake nga dahil BFAD had already issued an order – banned na sa market ang Lucida DS – which was supposed to have 500 mg of glutathione but it turned out it only has less than 10 mg. of the stuff.

Editor’s note: Based on the findings of the Philippine Institute of Pure and Applied Chemistry (PIPAC), the glutathione contents of Lucida-DS and its sister product Vaniderm are actually 4.5 mg. and 5.4 mg. only.

* * *

Matapos ang kanilang relasyon ay nagdemanda ng estafa si Cristina Decena laban kay Phillip Salvador. Ilang milyong piso ang napapaloob sa mysterious na kaso. As of now ay nadesisyunan ng korte na dapat ibalik ni Phillip ang ilang milyong hinihingi ni Cristina sa kanya na ayon sa babae ay utang daw sa kanya yun ni Phillip. Ang nasabing pera ay ginamit na pambili ng mga jeepneys at sangkot pa si Ramon Salvador, ang kuya ni Phillip. Nakatakda namang mag-aapela sa korte ang dating action star.

Lately ay may kamukhang kaso na isinampa sa korte si Cristina Decena. This time ay laban naman sa dating action star at dating mayor ng Caloocan na si Rey Malonzo. Nagsanla raw ng property si Rey sa Norzagaray Rural Bank at makalipas ang ilang panahon ay sapilitan raw na kinuha ni Rey ang documento ng kanyang property na nakasanla. Take note na ang nasabing banko ay pag-aari ni Cristina Decena at pumalag si Cristina sa ginawa ni Rey (na pagkuha ng collateral documents).

Bilang ganti ay isinawalat ni Rey Malonzo na meron silang relasyon ni Cristina. Sa preliminary hearing na ginawa – hindi sa korte kundi sa radio program ni Cristy Fermin at Jobert Sucaldito sa DZMM – mariing inamin ni Rey na nabakasyon sila ni Cristina sa Hongkong. At sarcastic pa ang pagkakasabi ni Rey na alangan namang nagkuwentuhan lang sila ng babae for three days and two nights. Gustong palabasin ni Rey na ang kaso ni Cristina against him ay isang lover’s quarrel lamang.

Ask ko lang po: Totoo bang nagkaroon ng relasyon sina Cristina Decena at Rey Malonzo? Malalaman natin ang kasagutan matapos hatulan ng korte ang nasabing kaso.

* * *

For a first hand account report kaya ako mismo ay nanood ng My Monster Mom. As what I had written in a previous article (click this link: http://filmacademyphil.org/?p=887), nag-hit sa audience ang screen presence ni Annabelle. Halos hindi na pinansin ang mga antics ng kanyang ka-eksena at wala ring dating sa audience ang love teams ng mga young stars na sina JC De Vera, Michelle Madrigal, Mart Escudero at Iwa Moto. Para bang tanging si Annabelle lamang ang star of the show.

Ang personal expectation ko ay magiging blockbuster sa takilya ang My Monster Mom. But on the contrary, may mga reports na flop daw ito sa box office. Kahit ang Box Office Mojo – international firm that monitors box office sales in the whole world – ay walang masabi dahil bulong ng ilang insiders na ayaw raw maglabas ng official figures ang mga producers ng My Monster Mom – ang Regal Films at GMA-7 Films. But it was reported na may victory party ang Regal para kay Annabelle and her movie. Add to that the fact na pinapirma ni Mother Lily ng two-picture contract si Annabelle Rama.

Ask ko lang po: Kumita ba o hindi ang My Monster Mom? Malalaman natin ang kasagutan sa paglitaw ng sequel na My Monster Wife.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can also be posted at www.filmacademyphil.org/forum/