Jul 04
MONSTER BISAYA TALAGA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 4, 2008

Annabelle Rama for Best Actress? Hindi po biro yan lalo na kung tatanungin ang mga nakapanood ng My Monster Mom. Gaya ng sabi ni Ruffa sa mga previous interviews, hindi naman daw kailangang umarte ng mommy niya dahil ang character na Esmi ay hinango mula sa katauhan ni Annabelle.

In fairness sa mga detractors ni Annabelle, hindi talaga marunong sa acting ang sikat na Bisaya. Kung susuriing mabuti ay gumagapang siya sa dialogue, lalo na sa intonation na kung minsan ay para siyang tumutula sa kanyang speaking lines. Sa eye movements naman ay halata siyang naiilang sa tutok ng camera. At obvious din na parang hinihintay niya ang cue ng kanyang ka-dialogue. Kulang rin sa galaw ng katawan si Annabelle at lalong dry ang facial expression niya. Definitely ay hindi papasa sa mga kritiko ang acting ni Annabelle puwera na lang kung matuwa sila talaga.

But in fairness to the title roler, the audience is carried away sa character na Esmi. In fact, napakalakas ng tawanan ng theater audience sa mga dialogue ni Annabelle na kung tutuusin ay wala namang jokes at talaga namang hindi siya nagpapatawa. Ilang beses ang mga eksena na nagagalit siya pero ang impact sa mga tao ay positive dahil sa lakas ng tawanang naririnig. Saan ka ba nakakita na serious na nagagalit ang bida tapos nagtatawanan ang audience? At paano pa kaya kung ang husay sa facial expression ni Eugene Domingo ang ipinakita ni Annabelle?

The audience will all agree na Annabelle played herself in the movie. Matapang, mabunganga, kuripot at mukhang pera, pakialamera sa buhay ng mga anak niya. At syempre, ang kuwento ng My Monster Mom ay maraming similarities sa tunay na buhay ni Annabelle. Bukod kay Ruffa, who plays Abigail, ay anak rin ni Annabelle si JC De Vera at Mart Escudero. Iba-iba ang tatay ng kanyang tatlong anak sa movie. Ang panganay na si Ruffa ay ipinamigay niya noong baby pa at sa Amerika ito lumaki. By the way, it appears that Ruffa also played herself in the movie bilang isang Balikbayan na pilipit mag-Tagalog at mataray din. Ang character naman ni JC at Mart ay obvious na kinuha sa katauhan ng kambal na si Richard at Raymond.

Sa pre-showing interview kay Annabelle ng Philippine Daily Inquirer ay very straight-forward ang mga sagot ni Annabelle. Ang una niyang reklamo ay ang dinanas na hirap sa dubbing na inabot ng five days. Mahirap daw palang maging bida dahil marami ang dialogue kumpara kina Ruffa, Eddie at Richard na kasama niya sa movie. At dahil narasanan niyang maging bida kaya na-gui-guilty daw siya sa komisyon na kinukuha niya sa kanyang mga anak. Si Annabelle ang tumatayong manager ni Ruffa, Richard at Raymond at ng iba pang artista gaya ni Heart Evangelista na kailan lang ay lumipat mula sa ABS-CBN patungo sa bakuran ng GMA-7.

Kasama pa rin sa pre-showing interview ang pag-amin ni Annabelle sa ilang personal na bagay gaya nung pangyayari sa Greenhills where isang starlet na kasama ni Eddie Gutierrez ang hinampas niya ng handbag. Nagsabunutan daw sila ng starlet na parang isang eksena sa pelikula. Mabuti na lang daw at inawat siya ni Alona Alegre at Liza Lorena na tyempong naroon sa lugar na iyun that time. At dahil sa malaking iskandalong ginawa ni Annabelle ay gusto raw siyang ipakulong ni Erap na mayor ng San Juan noong panahong iyon.

At gaya ng ilang beses nang nabanggit, natapos rin ang matiyagang pagbabantay ni Annabelle kay Eddie. Nasira ang loob ng babae nang sabihan siya ng lalake na tigilan na ang ginagawa niya. Dagdag pa ni Eddie na makapal daw ang mukha ni Annabelle pero sagot naman niya na totoo namang makapal ang mukha niya.

Later on ay nag-official surrender na rin si Annabelle sa kanyang private mission. Tinigilan na niya ang paghahabol kay Eddie kaya napilitan siyang pumunta ng Amerika upang magbagong buhay. Ironically, that time ay buntis na siya kay Ruffa. Parang hindi kapani-paniwala pero sa Amerika ay iba-ibang trabaho ang pinasok ni Annabelle, mula sa pagiging caregiver o nurse’s aide, secretary at domestic helper. Determined kasi si Annabelle na magandang kinabukasan ang maibigay sa kanyang anak.

But the turning point came nang ma-involved sa vehicular accident si Eddie. Via a phone call ay inalok ni Annabelle si Eddie na sumunod sa Amerika para maalagaan niya. Hindi inaasahan na darating si Eddie pero dumating nga. Payat daw si Eddie noon kaya inalagaan niyang mabuti at binusog sa vitamins. Hindi naman daw agad silang nagsama pero Annabelle and Eddie acted as friends. Katulad ni Annabelle ay iba-ibang trabaho rin ang pinasok ni Eddie sa Amerika, mula sa pagiging driver hanggang magtinda ng mga mamahaling kaldero.

Aminado rin si Annabelle na kasalanan niya ang pagkaka-involved ng mga anak niyang si Ruffa at Rocky sa Manila Filmfest scam. Lahat daw yun ay nangyari dahil pinayagan niya… all because of her love for money. Ang pagiging mukhang pera ay isang trait na ipinakita ni Annabelle sa My Monster Mom. Binabale-wala niya ang feelings ng mga tao dahil lang sa pagtitipid ng pera. Kaya ang mga anak niya sa movie na si Ruffa, JC at Mart ay nagpakita rin ng katigasan upang labanan ang katarayan ni Esmi na kanilang mother. Syempre matindi ang moral lesson nito regarding domestic problems na very prevalent ngayon.

Very effective ang screen presence ni Annabelle at halos nasapawan niya ang mga ka-eksena. Si Chariz Solomon, who played the dumb but sometimes smart maid, ay ilang beses bumitaw ng joke na hindi napansin ng audience. Si Eugene Domingo na friend ni Annabelle ay ilang beses ding bumato ng joke pero once lang nagtawanan ang mga tao. Kahit ang very good acting ni Ruffa ay hindi rin napansin ng mga tao dahil kapag wala si Annabelle sa eksena ay parang hindi na pansin ng mga tao ang nangyayari sa screen. Mukhang talagang si Annabelle lang ang gustong makita ng audience.

Mahusay rin ang pagkakagawa ng script. Instead of Abigail ay Baby Girl ang tawag ni Annabelle kay Ruffa na siguradong tatatak sa isipan ng mga tao. Sayang at hindi na-cultivate ang trade mark expression ni Annabelle na Dong!

In cameo roles sa My Monster Mom si Eddie Gutierrez bilang estranged father ni Ruffa, si Richard Gutierrez who played the young Eddie and Rhian Ramos in a stellar performance sa role na young Annabelle. Giving able support were Khryss Adalia, Michelle Madrigal bilang girlfriend ni JC, Iwa Moto na nililigawan ni Mart, at Bubbles Paraiso bilang best friend ni Ruffa.

My Monster Mom, which opened in theaters on July 2, is a joint production of Regal Films and GMA Films. Ang story ay mula kay Mother Lily at Joey Javier Reyes pero ang title ay galing kay Mario Bautista. With the script specially written by Joey for Annabelle and Ruffa, it was also directed by Joey Javier Reyes.

Abangan ang paghakot ng awards ng My Monster Mom.

Click for a related article: http://filmacademyphil.org/?p=745

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com