Jun 27
DISTINCTLY DIGITAL by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 27, 2008

(Baka hindi alam ng karamihan na ang FAP website ay merong forum kung saan nagpapalitan ng information ang mga members. Ang forum ay parang bulletin board na puwedeng mag-post ng message. Sa mga gustong sumali, click nyo lang ang FORUM button na makikita sa itaas na menu.—editor)

Hindi lang isang beses nai-post sa FAP Forum ang claim na ang digital movies ay considered na isang genre. Commonly known as Indie movies (ayoko na itong tawaging Indie Film dahil digital media na nga at hindi na film ang gamit dito), nalamangan na nito ang bilang ng mga traditional films na naipalabas noong taong 2007. At sabi ng ilang mga movie industry veterans ay lalo pang dadami ang mga digital movies habang ang mga traditional films naman ay pakonti nang pakonti. In other words, ang mainstream na tinatawag ay accepted na ngayong pinaghahatian ng mga films at digital movies.

Sa kalakaran ngayon ay may malinaw na pagkakaiba ang tinaguriang mainstream movies kontra sa Indie movies. Eto ang ilan:
–Budget
–Casting
–Size of production outfit
–Type of Story

Ang una sa listahan na budget ay lutang na lutang ang kakapusan sa digital movie kaya ang setting o location ay obvious na tinipid. Ang mga trimmings gaya ng mga props sa stunts o mamahaling costumes ay halata ring malaki ang kabawasan kumpara sa traditional film.

Ang pangalawa sa listahan ng pagkakaiba ay ang casting na depende na nga rin kasi sa budget. Ang Ploning ay isa sa iilang digital movie na nag-cast ng sikat na artista sa lead role na gaya ni Judy Ann Santos. Understandably, ang Ploning ay produced by Judy Ann. And expectedly, ang Ploning ay hindi nakabawi sa ginastos na mahigit P5 milyon. Sa usapang budget, mahina ang P15 milyon para sa isang mainstream film pero sa mga digital movie ay nakakapag-produce sila ng kahit P1 milyon lang ang budget. Syempre, napakalaking porsyento ng budget ang kinakain ng cast kaya presumed na ang mga digital, with low budget, ay hindi makaka-afford ng mga bigating artista sa cast. Sabi ng isang movie industry insider, “Pag naglagay ka ng big name as lead syempre hindi naman puwedeng puro amateur ang support, no!”

Ang pangatlong pagkakaiba ay ang size of production outfit dahil ang mga so-called Indie ay maliliit na kumpanya lamang. Noong 2005 Cinemalaya festival ay naging malinaw ang status ng mga Indie movie producers nang magpa-rehistro bilang kumpanya ang 10 finalists sa nasabing digital movie festival. With a grant of P500,000 each ay nakapag-produce na ng digital movie ang mga finalists at pagkatapos ng festival, ang ilang finalists ay ipinagpatuloy ang pagiging producer ng Indie movies.

But lately ay pinapasok na rin ng malalaking kumpanya ang pag-produce ng digital movies. Ang Silip na pinagbidahan ni Polo Ravales, Diana Zubiri at Francine Prieto ay produced ng Seiko Films. Ang digital movie na Ang Lalake Sa Parola ay produced naman ng Viva Digital, ang sister company ng Viva Films. Hinuhulaang bago dumating ang taong 2010 ay makikilahok na rin ang malalaking production companies sa paggawa ng digital movies. Ang isa pang maaaring dahilan kung bakit gagawa ng digital movie ang mga big companies ay ang katipiran sa shooting ng digital movie.

Unlike the traditional camera which uses film, ang digital camera ay hindi gumagamit ng film dahil ang mga footage ay naka-store sa tape o iba pang digital media. And unlike film which is a one-time use, ang mga digital tapes ay puwedeng paulit-ulit ang gamit na walang kinaibahan sa mga cassette tape. Sa traditional film, ang take 2 ay malaking gastos lalo na kung mahaba ang eksena pero sa digital movie, ang kahit ilang takes ay walang masasabing aksaya liban sa oras at pagod ng artista at crew.

Ilang beses nang naisulat sa mga articles dito sa FAP website na ang isang kalamangan ng film sa digital movie ay ang venue of exhibition. Sa ngayon kasi ay mabibilang ang sinehan na may equipment para mag-showing ng digital movie dahil iba ang projector nito sa projector ng traditional film. Pero marami ang nagsasabi na sa pagdami ng digital movies ay dadami rin ang mga sinehan na may digital projector. At kahit sabihing dehado ang digital movie sa mga sinehan, maari namang ipa-convert ang digital movie sa film. Ang Banal na gawa ng isang Indie producer ay napiling isa sa official entries ng MMFF (Metro Manila Film Festival) nitong nakaraang taon. Approximately ay P1 milyon ang gastos para ipalipat ang digital movie sa film. Incidentally, ang Banal ang nag-uwi ng Best Director trophy sa MMFF para sa pagod ni Cesar Apolinario.

Ang panghuli sa listahan ng pagkakaiba ng digital movie sa traditional film ay ang type of story. Sa title pa lang ay kadalasang matalinghaga o malalim na agad ang mga digital movies gaya ng Mga Pusang Ligaw, Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros, Battad at marami pang iba.

Pinangunahan ni Ricky Davao at Irma Adlawan, ang kuwento ng Mga Pusang Ligaw ay tumakbo sa dalawang tauhan lamang at ang iba pang eksena involving other characters ay parang sidelights lamang. Masasabing isang eksperimento ang digital movie na ito dahil pilit nilang iwinawaksi ang impression na ang digital movie ay tipid sa budget. May eksenang ipinakita na naliligo sa bath tub na puno ng rose petals si Irma at ang kasunod na eksena ay nagpapakita ng masasarap na pagkain. Nevertheless, the movie failed to convince the audience na malaki nga ang kanilang budget dahil obvious na tipid dahil ang major setting ay interior ng ordinary house. Hindi nalalayo sa Mga Pusang Ligaw ang pagkakagawa ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Pantay man in all levels, ang Maximo ay walang big name actor. In fact, ang title roler na si Nathan Lopez ay baguhang artista lamang at ang supporting actors ay mga baguhang artista rin liban kay Ping Medina na anak ng character actor na si Pen Medina.

Ang Battad ay hango sa kwento ng isang Ifugao family kaya presumed na Ifugao ang writer nito. At dahil ang setting ay purely sa Banawe Rice Terraces, walang duda na ang Battad ay isang cultural movie. Walang ipinagkaiba sa Battad ang Haw-Ang, isa ring Ifugao movie with the same setting but with a different story. Bukod sa pagiging cultural, ang Haw-Ang ay humahaplos sa religion at pulitika. And unlike Battad which centers on an Ifugao family, ang Haw-Ang ay naka-focus sa isang madre na naglayong bigyan ng edukasyon ang mga batang Ifugao.

Ang isa pang kapansin-pansin sa mga digital movies ay ang mga pink o gay oriented movies. Common knowledge na maraming bakla sa movie industry kaya siguro ang mga ito ay nagsisikap na palawigin ang kanilang “federation” sa pamamagitan ng sining. At in fairness naman, ang ilan sa mga gay movies na gaya ng Masahista ay nakakuha ng nomination sa mga international flim festivals na ginawa sa abroad.

Meron ding ilang digital movies na parang eksperimento lamang. Ang Kubrador na nanalo rin ng award sa international film festival ay nakatutok lang sa buhay ng pangunahing character which was played by Gina Pareño. Liban kay Gina, ang iba pang characters ay lumalabas na bit roles lamang. Ganun din ang Foster Child na nakatutok lang sa buhay ng isang abandoned baby na later on ay ibibigay sa kanyang foster parent na foreigner. Incidentally, si Ralston Jover ang writer ng Foster Child at siya rin ang writer ng award-winning Kubrador.

In essence, ang mga digital movies ay parang tubig na naghahanap ng kanilang sariling level. At gaya ng nangyayari ngayon ay iba-iba ang magiging direction ngunit sa paglipas ng panahon ay magse-settle din ito. For the meantime, ang paligsahan ng mga digital movies ay laban sa creativity ng mga producers, directors at writers. At kung hindi man makasabay sa traditional film dahil sa laki ng gastos, ang mga digital movies ay patuloy na maghahatid ng kanilang mensahe sa mga audience, mga mensaheng kahit paano ay may kabuluhan when it comes to freedom of expression.

Note: Ang Robinsons Galleria ay isa lang sa mga tumatangkilik ng digital movies. Isang sinehan sa kanila ay dedicated na para sa showing ng mga digital movies.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can also be posted at www.filmacademyphil.org/forum/