Jun 06
TARAY MARIAN by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 6, 2008

“Dati commercial model, ngayon leading lady na,” sabi ni Marian Rivera sa kanyang commercial ng shampoo. At hindi lang basta leading lady si Marian ngayon dahil bukod sa pagiging title roler sa blockbuster soap na Marimar at ganun din sa Dyesebel, si Marian Rivera ang latest youtube star in this side of the world. Kaya bukod sa pagiging Kapuso, si Marian ay isa na ring Katubo (tube).

Ayon sa mga reports na naglabasan sa dyaryo at entertainment websites, nag-ugat ang insidente sa taping ng Dyesebel. May isang lalake raw na kumukuha ng video sa set na sinaway ni Marian. At dahil naging bastos sa pabalang na pagsagot ng lalake kaya nagalit si Marian. Unfortunately, hindi alam ni Marian na may isa pa palang camera sa likuran niya na nagre-record ng mga pangyayari. At itong sniper camera na ito ang nakakuha ng footage na nagbando ng ginawang pagsaway ni Marian sa isang lalakeng pasaway. Indeed, na-capture ng camera ang katapangan ni Marian.

“Ang kapal ng mukha mo,” sabi ni Marian sa video. Halatang galit si Marian sa kanyang pagsita sa lalakeng may hawak ng video camera. “Kanina ang tapang-tapang mo pero ngayon bumait ka dahil may mga tao na,” dagdag pa ni Marian. At this juncture ay nagdatingan na ang alalay ni Marian at ang crowd control ng production.

art-080606-taray-marian.jpg

Ang nasabing sniper video ay nagbunga ng ilang versions sa youtube. Hindi mabilang ang versions na kung tutuusin ay iisang video lang naman. May mga text (o titles) pa ang iba at ang iba naman ay dinagdagan ng salita (audio o voice over). Pero malinaw na ang nasabing video footage ay iisa lamang talaga—ang pagtataray ni Marian sa lalakeng may video camera—at dumami lang nang na-upload sa youtube.

Sa uploaded version ni Jerome Baluyut ay nakakuha siya ng mahigit 320,000 views at 3,400 comments. Yung kay Venom naman ay mahigit 200,000 ang views at may 752 comments. May isa pang version na uploaded ni Imbunzo na humakot ng mahigit 65,000 views at 573 comments. Ang ilan pang versions ay hindi na umabot ng 50,000 views pero hindi naman bumaba sa 10,000 views. Of course, ang mga comments ay magkahalong negative at positive. Lumilitaw na marami palang detractors si Marian pero makikita rin, ayon sa mga comments, na marami rin siyang fans at mga defenders. In other words, malaking issue na talaga ang isang Marian Rivera, patunay na hindi na siya basta leading lady lang, kundi isang star na talaga.

May kasabihan na “that’s the price you pay for being famous.” Admittedly ay ang Marimar ang nagpasikat kay Marian Gracia Rivera na angkop na angkop sa pagganap sa title role dahil siya ay ipinanganak sa Madrid, Spain. Kahit sabihing walang Spanish speaking lines si Marian sa Marimar ay naaayon naman sa Kastilang tema ang kanyang Spanish beauty. Ang Gracia sa pangalan niya ay ang apelyido ng kanyang Spanish father pero pinili niyang gamiting screen name ang family name ng kanyang Filipina mother na nagmula sa Cavite.

At bilang justification sa pagtataray ni Marian sa youtube video ay nauungkat tuloy na sa Cavite siya lumaki, sa piling ng kanyang maternal grandmother. May kasabihan kasi na matatapang ang mga taga-Cavite kaya hindi kataka-takang maging matapang (o mataray) si Marian. Pero hindi naman basta-basta si Marian dahil may diploma siya sa AB Psychology galing sa De La Salle University—Dasmariñas (Cavite). Sa Cavite rin nag-aral ng elementary at high school si Marian.

Bago napiling gumanap na Marimar ay nakailang labas na rin sa TV si Marian. Sabi nga ng kanyang kampo, may K (karapatan) na sumikat si Marian sa pag-aartista dahil may itinatago siyang galing sa acting. Sa afternoon tv soap na Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Agawin Mo Man Ang Lahat ay nahirang na Best New Female TV Personality si Marian Rivera sa 2006 PMPC Star Awards. Sabi nga nila ay nakitaan daw ng mga judges ng malaking potential si Marian.

Bukod sa mga tv appearances ay meron na ring nagawang movie si Marian bago pa man ang blockbuster movie niya with Richard Gutierrez na My Best Friend’s Girlfriend na sinasabing kumita ng mahigit P140 milyon. Sa Pamahiin, isang horror-suspense movie, ay kasama ni Marian si Dennis Trillo at Iya Villania. Noong 2007 ay nasama siya sa cast ng Bahay Kubo at Desperadas, mga entries sa Metro Manila Film Festival.

Ang upcoming movie ni Marian ay Amnesia, kung saan makakasama niya si Dingdong Dantes at si Iza Calzado. Si Marian sana ang leading lady ng comedy film na pagsasamahan ni Vic Sotto at Comedy King Dolphy pero may bulong-bulungan na kakapusin na sa budget kung si Marian pa ang gagawing leading lady. The producer settled for Riza Santos, isang housemate ng Pinoy Big Brother.

As a by-product of Marimar’s success ay pinag-agawan si Marian bilang product endorser. Isang intriga ang namuo sa pagkukumpara ng mga tao kay Marian at Angel. Sinasabing si Marian ang pumalit sa trono ni Angel, hindi lang sa GMA-7 kundi pati na rin sa mga product endorsements. At meron din daw na talagang naiingit pati sa manager ni Marian na si Popoy Caritativo. May ilang reporter na nagsasabing malaki na ang ulo ni Popoy dahil bukod kay Marian ay si Popoy din ang manager ni Dennis Trillo.

Exploiting the popularity of Marian, ginamit siya ng Universal Records para maging cover ng kanilang dance album. May mga choreography din na ipinakita si Marian sa mtv ng nasabing album at ilang beses siyang nagsayaw ng live bilang pag-promote sa nasabing dance album. Ito marahil ay nag-ugat sa kaakit-akit na pagsayaw ni Marian bilang Marimar.

Back to youtube, hindi na talaga mawawala sa mga Pilipino ang pagsawsaw o pakikisali sa issue. Recently ay may isa na namang video na na-upload sa youtube upang ipakita ang pagtataray ni Marian Rivera sa isang makeup artist naman this time. And like the first one, itong makeup artist video ay dumami na rin ang version. Pero ang original na uploaded ni MarianPasigriver ay nakakuha na ng mahigit 202,000 views at 1,797 comments.

Ang eksena ay parang sa hospital at nakahiga si Marian sa kama. Isang kamay, presumably sa makeup artist, ang humaharang sa mukha ni Marian. Maya-maya ay tinabig ni Marian ang kamay. Ang nag-upload ng video ay hindi nakuntento sa simpleng pagtabig kaya pinaulit-ulit ng ilang beses ang nasabing pagtabig na para siguradong mapansin ng viewer. Itong video footage na ito ay obvious na may halong malisya sa part ng uploader.

Hindi natin alam kung ilan pang video footage ni Marian ang susunod na ilalagay sa youtube. Hindi rin natin alam kung sino ang susunod na youtube star in this side of the world. Pero one thing ang sigurado – ang youtube ay isang passport to stardom.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can also be posted at www.filmacademyphil.org/forum/