Mar 07
PRINCESS DIANA’S SECRET REVEALED by Renee Rose Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 7, 2008

Several weeks ago ay pinatawag sa Coroner’s inquest si Paul Burell ang former butler ni Princess Diana para mag-testify tungkol sa totoong pangyayari at kung ano ba talaga ang secret behind sa pagkamatay ng prinsesa the night of August 31, 1997. Marami kasi ang nagsasabi na ang butler na si Paul Burell ang may susi sa lahat ng secret ni Princess Diana. Dahil siya daw ang nag-safekeep ng diary or journal nito pero tahasang sinabi ni Burell na wala daw talagang diary or journal ang dating prinsesa ng Wales.

But have you really wondered kung ano talaga ang reason kung bakit nag-divorce sina Princess Diana at Prince Charles? Aside from the fact na may kanya-kanya silang lover—si Prince Charles sa kanyang other woman at childhood sweetheart na si Camilla Parker Bowle at si Diana at ang lover niyang si Dodi Al-Fayed (well-known playboy at isang rich & famous). Pero si Dodi Al-Fayed nga ba talaga ang lover ni Diana? Well sino nga ba sa tingin nyo? Let’s find out from from Ms.Tina Brown (isang top US journalist) na inalam ang every bits & pieces ng story behind the life of the princess. Her findings—Diana was exploited at na-depressed for the lack of attention ng taong she expected to love her in return.

It was August 31, 1997 nang makipag-date at ma-aksidente sina Princess Diana at Dodi Al-Fayed after they left Ritz Hotel (one of the most prestigious hotel in Paris). Actually, Princess Diana was just invited by Dodi para makita nito ang collection ng mamahaling trophy ng father ni Dodi They left the hotel through the back door para makaiwas sila sa mga paparazzi. Kasi after ng divorce nila Prince Charles, everything changed. Mula sa pagiging protective royal princess ay naging isang free floating global celebrity si Princess Diana. Kilala siya all over the world kaya lahat ng moves niya ay binabantayan ng mga paparazzi. Nung dumating nga siya sa Paris to meet Dodi, mas alam pa ng paparazzi dahil ang mismong British ambassador at ang French authorities ay walang kaalam-alam until nangyari nga ang accident.

Some people sympathized with Princess Diana. Others were not kasi they thought that it was Diana’s fault kaya sila nag-divorce ni Prince Charles. Pero we can’t blame Diana for falling in love with Dodi kasi nga sabi ni Diana “he doesn’t demand anything from me and I felt I was being well taken cared of” na hindi niya kahit kailan naramdaman kay Prince Charles. Kasi naman pala, the first night palang ng kanilang honeymoon (1987 when they got married), naramdaman na ni Diana na never siyang mamahalin ni Charles dahil ang treatment sa kanya ni Charles ay parang isang batang paslit at kung manduhan siya ay parang hindi asawa at wala daw sariling disposition si Charles. Charles couldn’t decide for himself. He has to have someone who will decide for him.

And Camilla was always in Charles’ mind. Dahil nasa system na daw ni Charles si Camilla may mga araw na kapag hindi sila nag-usap ni Camilla ay sira na ang buong araw ni Prince Charles. Forty years kasi ang age gap nila ni Princess Diana.kaya hindi sila magkasundo and sa sobrang sakit ng naramdaman ni Princess Diana nag-decide na rin siyang makipag-divorce kay Prince Charles after 15 years of marriage.

Tumira si Diana sa Kensington Place Apartment nung time na mag-separate silang dalawa. And after that divorce, binago ni Diana ang takbo ng buhay niya. Ang dating conservative princess ay naging isang modern woman. Pinilit niyang maging busy, Naging madalas ang pagdalo ni Diana sa mga invitation ng White House at naging active din siya sa mga charitable works tulad ng National AIDS Trust at ang Royal Marsden Cancer campaign. Pina-auction ni Diana ang kanyang mga gown (may anonymous bidder siya for the gown amounting to $222,000.). Dito niya kinukuha ang funds na ibinibigay niya para sa kanyang charity works.

And ito ang pinaka-shocking revelation ng life niya. Everybody knows that it was 1996 nang mag-divorce sila ni Prince Charles dahil kay Camilla. Pero as early as 1995 ay na in-love si Princess Diana sa isang 36 year-old na Pakistani heart surgeon (meaning pareho sila ni Prince Charles na may lover kahit nagsasama pa sila) na si Hasnat Khan. Si Hasnat Khan ang eldest sa apat na magkakapatid who hailed from Jhelum North of Lahore.

Nagkakilala sila ni Diana sa Royal Bromptom Hospital nang may bisitahin si Diana na isang pasyente at si Dr. Kahn ang assigned doctor nito. Na-attract si Diana sa doctor to the extent na siya pa ang gumawa ng way para siya mapansin ng said doctor. Kinausap niya ang asawa ng friend niya na siya muna ang magbabantay dito for 18 straight days para lamang mapansin ni Dr. Khan. She even went to the point na nag-aral siya ng cardiology at nagka-interest magbasa ng Gray’s Anatomy at iba pang mga surgical files para lamang may topic silang ma-discuss.

Naging ganun ka-obsessed si Diana kay Dr. Khan. At para lalong magkagusto sa kanya ang doktor ay bumili din siya ng mga shalwar kameez (gamit ng mga Pakistani women). At gusto din niyang magpa-convert sa Islam religion. Impressed kasi siya kay Dr. Khan dahil everybody adored her pero ang doctor na ito ay hindi nag-take advantage sa kanya kahit alam na niya na in-love sa kanya si Diana. Dahil ang gusto ni Dr. Khan ay lumabas muna ang decision ng Court about her divorce kay Prince Charles bago siya totally maging involved kay Princess Diana.

May mga gabi pa ngang pinupuntahan ni Diana si Dr. Khan sa hospital just to be with him at uuwi siya ng wee hours para lamang makabalik sa Royal Palace. She really fell in love with Dr. Khan. Minsan nag-offer si Diana kay Dr. Khan na ibibili niya ito ng isang brand new Mercedes Benz pero nag-refuse ang doctor. Sabi nga ni Diana sa kanyang friend na si Lady Bowker: “My relationship with Hasnat was the most fulfilling I ever had. I found my peace”. Mas minahal pa niya si Hasnat kaysa kay Prince Charles na nakasama niya for 15 long years at kung kanino ,ay dalawa siyang anak–sina Prince William at Prince Harry.

Madalas nagpupunta si Diana sa apartment ng doctor at siya mismo ang naglilinis ng apartment nito (from dish washing to vacuuming and ironing and washing of his clothes). Ang pinaka-worst na ginawa ni Diana ay nung makipagdate ito (during her birthday) with the doctor na ang suot lamang niya ay yung sapphire and diamond earring niya at fur coat.at walang pang loob (totally naked).

February 1996 nagpunta si Diana sa Pakistan. Ang reason niya kung bakit siya nagpunta ay para maka-raise siya ng funds para sa isang hospital. Pero the real reason ay gusto niyang makita at makilala ang Kahn family.

In July 1997, dalawang dagok ang dumating sa buhay ni Diana. First ay nang mag-celebrate si Camilla Parker Bowles (together with Prince Charles) ng kanyang 50th birthday na open sa public at ang venue ng celebration sa Highgrove sa Gloucestershire (ang marital home ni Diana at Charles). Devastated si Diana nang malaman niya ito. Nang in-interview si Diana ng Sunday Times (US newspaper) kung anong comment niya sa ginawang celebration ni Camilla, ang tanging sagot lamang ni Diana ay: “She would still remain the other woman.”

That same month ay kinausap ni Dr. Khan si Diana para sabihing hindi niya pakakasalan si Diana kahit na divorce pa siya. At nakadagdag pa ng sama ng loob niya ay nang mabasa niya ang comment ng father ni Dr. Hasnat Khan (na isa ring doctor) sa Daily Express na hindi pakakasalan ni Hasnat si Diana dahil ang gusto nila para sa kanilang panganay na anak ay isang rich & famous na Pakistani muslim lady.

Dahil sa sobrang depression, nag-out-of-town si Diana para gamutin ang kanyang broken heart. Nagpunta siya ng South of France at dun niya na-meet si Dodi Al-Fayed. Naging smooth ang friendship nila and they even went on cruising together. Nalaman nga ito ni Dr. Khan at sabi niya: “I’m happy for Diana. At least Dodi is the best antidote for her broken heart.”

At the end of August ay muling nag-kita sina Dodi at Diana sa Paris to show her the collection of Dodi’s father na humantong nga sa fatal accident ng dalawa.

Marami ang nagsasabing it was Princess Diana’s fault kung bakit sila nag-divorce. Pero if I were to be asked, I simply have to sympathize with the Poor Princess. Maraming ordeal ang dumaaan sa buhay niya pero ang tanging gusto lamang ay mahalin siya nang totoo at magkaroon ng maayos ng family. But this time, Diana’s heart would never mend.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/