Feb 29
BETRAYAL by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 29, 2008

As of late ay masyadong palasak ang English word na betrayal. Ang mga confessions ni Jun Lozada ay itinuturing ng mga taong gobyerno na betrayal of confidence o isang pagta-traydor. Contrary to Lozada’s actions, si CHED Secretary Romulo Neri ay hindi nagbibitaw ng mga salitang maaring magresulta sa isang betrayal laban sa presidente.

Sa showbiz ay napakalaking issue ang nangyayari kay Gretchen Barretto at Nadia Montenegro. Since childhood ay magkakasama na sila at magka-eskuwela pa sila during their elementary years. Almost the same time din silang pumasok sa showbusiness kaya it is no wonder kung naging best of friends si Nadia at Gretchen.

During their younger days in showbiz ay laging nakakalamang si Nadia dahil admittedly ay malakas ang camera appeal ng mukha ni Nadia at si Gretchen, despite her beauty to speak of, ay parang nagiging wallflower whenever Nadia comes around. Pero the discrepancy did not hinder the growth of their friendship.

Ang rosy future sa showbiz ni Nadia ay hindi natupad dahil iniwan niya ang movies in favor of her lover, the then Caloocan mayor Boy Asistio. At sa sunod-sunod na pag-aanak ay naging devoted housewife na lang si Nadia habang si Gretchen naman ay nag-iba ng image. Si Gretchen ang naging TF queen ng Philippine Movies. Ang term na TF (titillating film) ay naging bold later on.

Ang pagiging TF star ni Gretchen ang nagpasikat sa kanya sa male movie audience pero hindi pa talaga siya considered na movie star. Ang Manila Filmfest scandal noong 1990s ang nagbigay ng image kay Gretchen bilang isang respectable na artista. Ang “Take it, take it” issue na pandarayang ginawa ni Lolit Solis sa tulong ng local talent na si Rocky Gutierrez at foreign talent na si Viveika Babajee, ay hinarang ni Gretchen. Sa kanyang facial expression ay ipinakita ni Gretchen na may nangyayaring anomalya sa pag-announce ng best actress.

In the end ay nabisto ang kamaliang nangyari na ma-proclaim na best actor si Gabby Concepcion at Best Actress naman si Ruffa Gutierrez. Kahit huli na ay inihabol ni Mayor Fred Lim ang proclamation ng tunay na mga nagwagi – si Edu Manzano sa best actor at si Aiko Melendez. At habang umaandar ang kaso laban kay Lolit Solis na siyang promotor ng dayaan ay isang malaking betrayal ang isinumbat ni Lolit kay Gretchen. Ang nasabing scandal ay naging daan para iwanan ni Gretchen ang pagpapaseksi sa movies at tuluyan na rin siyang tinanggap ng mga tao bilang isang serious actress.

But a few years after the Manila filmfest scandal ay nawala sa eksena si Gretchen. Katulad ng kaibigang si Nadia ay naging housewife naman si Gretchen ng PLDT head na si Tonyboy Cojuangco. Naging matahimik ang buhay ni Gretchen at parang nakuntento na lang siyang magpasasa sa kayamanan ng kanyang asawa.

Early this century ay muling lumitaw sa showbiz si Gretchen. Inumpisahan ng pagiging endorser ng beauty products at later on ay nagiging guest o minsan ay guest host pa ng mga talk shows. Ilang episodes ng The Buzz ang tinayuan ni Gretchen bilang kapalit ni Kris Aquino. And lately ay naging talk of the town ang banggaan ni Gretchen at ni Nadia.

And the story goes about betrayal. Hindi maikakailang malikot ang isipan ng mga tao pero hindi rin maikakailang malikot si Gretchen sa kanyang imagination. At may mga oras na ang imagination ni Gretchen ay gusto niyang maging totoo. Gamit ang lakas ng loob at angking charisma ay ginagawa ni Gretchen ang dapat gawin basta makuha lamang ang gusto niya.

Hindi na kuntento si Gretchen sa pagiging mere housewife. Muli ay gusto niyang maging sikat kaya pinanindigan niya ang pagiging talent ng Backroom Inc. ni Boy Abunda. At ang isang pinakamadaling passport sa kasikatan ay ang pagiging controversial. Kumalat sa internet ang cell phone image na nakikipaghalikan si Gretchen kay John Estrada sa isang party. At first ay puro tanggi ang naririnig ng mga tao. Ultimo si Rufa Mae Quinto na host ng party ay panay ang deny kaya nagulat ang lahat nang magsalita si Gretchen at aminin ang pangyayari. Just like that. May asawa mang maituturing ay walang habas na nakipaghalikan si Gretchen kay John Estrada. At bilang isang gentleman ay agad nagpa-interview si John na wala naman daw silang relasyon ni Gretchen at ang nasabing litrato ay friendly kiss lamang.

Hindi man naging malinaw kung ano talaga ang totoo pero one thing ang sigurado. Successful si Gretchen sa kanyang stairway to stardom dahil muli siyang pinag-usapan ng mga tao. At bago mag-die down ang usapan about that cellphone photo ay eto na naman ang isang topic about Gretchen. Pinalayas siya ng asawa sa kanilang tahanan dahil sa kanyang pagtataksil.

Katulad ng issue kay John Estrada ay walang linaw ang nangyayari kung ano talaga ang totoo. May kuwentong panay ang pakikipag-date ni Gretchen kay Dodie Puno, isang government official. May denial din si Gretchen about sa pagpapalayas sa kanya, saying na mabait si Tonyboy at hindi gagawin ang palayasin siya pero wala namang denial si Gretchen about that certain Dodie Puno.

And the betrayal part comes in at the height of the controversy. Nabuking raw ni Gretchen na ang nagkakalat ng tsismis laban sa kanya ay walang iba kundi ang kanyang best friend na si Nadia Montenegro. At imbes na mag-deny si Nadia ay tumahimik lang siya sandali bago nagbitaw ng threat na lagi raw na siya ang ginagamit na alibi ni Gretchen at talagang marami siyang alam.

Ang pinag-ugatan ng hindi pagkakasundo ay ang pagkakasanla ng bahay nina Nadia sa halagang P90 milyon. Nagtampo raw si Nadia dahil hindi man lang sila tinulungan ng kanyang best friend na alam naman nating ubod ng yaman ang asawa. Ang sagot naman ni Gretchen ay hindi kanya ang kayamanan at natulungan rin niya ang problemang sanla dahil 4 na taon niyang na-delay ang pagremata ng banko sa nasabing bahay. At sabi ng ibang reporters na kaya nagkalat ng tsismis si Nadia ay upang maibsan lang ang sama ng loob. Kaya nga lang ay hindi basta tsismis ang ikinalat ni Nadia dahil meron yung mga basehan na talaga namang lalong naging controversial na issue.

Sa nakaraang showdown ng magkaibigan sa Rembrandt hotel sa Quezon City ay hindi natapos ang usapan. Naging mainit ang palitan ng salita ay sinasabing nagkabatuhan pa ng mineral water ang dating magkaibigan. Ang isang nakakapagtaka ay ang mga taong sumipot sa nasabing showdown. Bukod sa mga kaibigan na hindi showbiz ay andun si Boy Asistio at Tanya Montenegro, asawa at kapatid ni Nadia. For Gretchen naman ay dumating si Claudine at andun rin si Dodie Puno. Yan ang malaking tanong ngayon. Bakit naroon si Dodie Puno? Bakit hindi si Tonyboy? Ang tanging sagot ni Gretchen sa tanong ay involved daw sa issue si Dodie Puno kaya marapat lang na andun siya. Again, hindi naging malinaw ang mga issues at walang nasagot na tanong kundi lalo pang naging malalim ang pag-iisip ng mga tao. May usap na nagsasabing kasal daw ang offer ni Dodie Puno kay Gretchen kaya dahilan para magdalawang isip si Gretchen. So far ay nananatili pa rin si Gretchen bilang asawa ni Tonyboy.

And for the nth time ay naging successful na naman ang entry ni Gretchen sa kanyang project. Isang musical cd with 14 cuts, all performed by Gretchen Barretto, the mistress. Yan ang paputok ni Gretchen ngayon. May diin ang word na mistress para ipangalandakan sa tao na hindi nakakahiya ang ganung word. Pakita na rin ni Gretchen sa tao na talagang malakas ang loob niya at matibay ang dibdib para tanggapin na siya ay isang babaeng may asawa pero hindi kasal. At higit sa lahat, pinatunayan ni Gretchen na kaya niyang gawin ang bawat magustuhan niya. Sino ba ang mag-iisip na si Gretchen Barretto ay may itinatago palang boses? Pero may usap din na may ghost singer lang si Gretchen at hindi niya talaga boses ang kumanta sa kanyang cd.

Betrayal. Yan ang balak gawin ni Gretchen sa atin. At lilitaw lang ang betrayal na yan kapag napiho na natin kung sino talaga ang kumanta sa kanyang cd. At mapipiho lang natin ang bagay na yun kung tayo ay bibili ng cd ni Gretchen Barretto.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can also be posted at www.filmacademyphil.org/forum/