Feb 22
PROOF OF THE FEUDING by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 22, 2008

Nag-umpisa ang lahat sa pagsigaw ng ABS-CBN ng foul dahil nagkakadayaan daw sa tv ratings. Sumagot naman ang GMA-7 na kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga baseless accusations. At naging saksi ang bayan sa bangayan ng dalawang higante sa larangan ng television.

Katulad ng sistema ng pangkaraniwang survey, ang AGB Nielsen ay may mga randomly selected homes na ang tawag nila ay panel homes. Kapag ang isang bahay ay napiling gawing panel home ay lalagyan ito ng meter na direktang nagta-transmit ng data sa computer ng AGB-Nielsen. As much as possible ay hindi alam ng mga nakatira sa panel home ang tungkol sa rating meter para hindi maapektuhan ang kanilang pagpili ng papanoorang tv channel.

Ang unang pumunit sa peaceful co-existence ng mga networks ay ang paglitaw ng umanong witness sa Bacolod. Isang matabang babaeng (hindi ipinakita ang mukha) ang nagsabing inalok daw sila ng 500 pesos at monthly groceries kapalit ng pagpanood nila sa isang partikular na channel. At dahil dalawa lang ang tv channel na naglalaban sa rating at ang naglabas ng expose ay ABS-CBN kaya kahit hindi na banggitin ay siguradong GMA-7 ang tinutukoy ng nasabing witness. Hindi nagtagal ay isa pang witness ang lumutang. Ngunit hindi gaya ng matabang babae, itong lalake ay umamin na siya ang nag-alok ng nasabing 500 pesos at monthly groceries. As far as ABS-CBN is concerned ay buo na ang pieces of the puzzle–isang nag-alok at isang inalok.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang GMA-7. Agad silang nagsampa ng demanda laban sa ABS-CBN dahil sa paratang na ang GMA-7 ang perpetrator ng nasabing dayaan sa pamamagitan ng pag-impluwensya sa mga nakatira sa panel homes. Kasabay nito ay nagsampa rin ng demanda ang ABS-CBN laban naman sa AGB-Nielsen dahil sa issue ng dayaan sa rating. Sa naunang report ay sinabi ng ABS-CBN na GMA-7 ang pasimuno sa dayaan, ayon sa isang opisyal ng AGB-Neilsen. Ngunit hindi ito inamin ng nasabing opisyal kaya naging magulo ang issue.

At para patigasan ng ABS-CBN ang kanilang akusasyon ay nagpakilala na ang lalakeng nag-alok. Siya raw si Mark Dumago na inupahan ng GMA-7 para sa special project. Ang kanilang objective ay alamin kung nasaan ang mga panel homes sa Bacolod. At oras na ma-pinpoint ang mga panel homes ay pasimpleng lalapitan ang mga nakatira at pagpapaliwanagan ng isang promo kung saan puwede silang magkaroon ng 500 pesos at monthly groceries by just watching GMA-7 shows.

Eto ang naging sagot ng GMA-7 sa pamamagitan ng kanilang infomercial. GMA Network strongly denies the accusation made by ABS-CBN informant, Mark Dumago, during his interview on TV Patrol last January 11 that the Network has an insider from AGB Nielsen in Iloilo or anywhere in the country. This accusation is simply another baseless and malicious lie.

GMA Network believes that this is merely another part of the increasingly desperate plan to besmirch the Network’s reputation.

GMA Network reiterates its earlier statement that anyone can hire mercenaries to say what they want said. But proving the truth of their statements is another matter. That is why GMA Network wants to ferret out the truth in court rather than be subjected to ABS-CBN’s trial by publicity where there are no rules.

GMA has referred the matter to its legal counsel for appropriate action.

At hindi naglipat-linggo ay isa na namang pasabog ang binitawan ng ABS-CBN na agad namang sinagot ng GMA-7 sa pamamagitan ulit ng isa pang informecial na tumakbo ng 2 at ½ minuto.

Ika-1 ng Pebrero sa TV Patrol, dalawang dating empleyado ng Radio GMA Iloilo ang nagsabing si Radio GMA President Mike Enriquez at dalawa pang opisyal ang pasimuno ng ‘di umano’y pagmamanipula ng TV at radio ratings sa Iloilo City. Si Enriquez ang itinurong nag-utos nito sa isang meeting.

Mariin itong itinatanggi at kinukundina ni Mike Enriquez. Sa opisyal niyang pahayag, sinabi nitong hindi kailanman nagsagawa ng anumang operasyon para magmanipula ng rating sa TV o sa radyo saan man sa Bansa. Itinanggi rin ang pakikipagpulong niya sa Iloilo o saan pa man tungkol dito. Hindi po sinabi na malinaw na may kinikilingang ulat sa TV Patrol. Na kapwa may hindi magandang dahilan ang pag-alis ng dalawa nilang bagong impormante mula sa Radio GMA Iloilo .

Ang dating Program Director na si Romy Diamanse ay nagbitiw noong 2006 at ito’y tinanggap dahil hindi siya naging epektibo sa kanyang tungkulin.

Si Francis Casumpang na dati ring Program Director ay nagbitiw noong 2003 matapos matuklasang ibinulsa niya ang mga ibinayad sa estasyon ng mga advertisers. Umamin po si Casumpang na ginasta niya ang pera at hindi ini-remit sa kumpanya. Si Casumpang po ay nagtatrabaho na ngayon sa ABS-CBN bilang DJ nila sa Iloilo .

Ang nauna nilang impormante na si Donald Nojas ay sinisante ng Radio GMA Bacolod dahil sa sexual harassment, absent w/o leave at paghohost ng programa sa kalabang istasyon.

Si Fred Alijaga nama’y nagbitiw matapos magsinungaling sa kanyang edad at hindi rin po naging epektibo sa kanyang tungkulin.

Patuloy at walang pakundangan ang ginagawang paninira ng ABS-CBN sa GMA na nagkukubli sa baluktot na interpretasyon ng malayang pamamahayag at sa kabila ng pag-apela ng mga advertisers at manonood na hayaang korte ang humusga sa kasong ito.

Patuloy nilang ginagamit ang kanilang mga programa para iulat ang mga alegasyon ng mersenaryo at mga dating empleyadong may mga pansariling dahilan upang siraan ang Radio GMA at GMA Network. Dahil dito, patuloy din po naming ipagtatanggol ang aming pangalan sa himpapawid. Marami pong salamat sa inyong pag-unawa.

Natapos na ang isang hearing ng mga kaso pero wala pang malinaw na mangyayari dahil marami pang impormasyon ang hiningi ng korte. Bale three-way fight ang nangyayari dahil pinahihinto ng ABS-CBN ang paglabas ng rating ng AGB-Nielsen. May demanda naman ng libel ang GMA-7 laban sa ABS-CBN dahil sa akusasyon. Ang AGB-Nielsen ay may demanda rin laban sa ABS-CBN dahil sa pag-akusa sa AGB-Nielsen na pagkampi sa GMA-7 tungkol sa nasabing dayaan sa panel homes.

Samantala ay mukhang naapektuhan ang mga shows ng ABS-CBN. In other words, the accusations may have been a turn-off to some of the viewers. Ang January 28 ang araw ng ilunsad ng ABS-CBN ang kanilang tatlong bagong soaps – Lobo, Palos at Kung Fu Kids. Ang February 11 naman ay ang paglunsad ng Joaquin Bordado ng GMA-7.

Jan. 28 rating – primetime
1. Marimar (GMA) 36.8%; 2. Kamandag (GMA) 33.1%; 3. Coffee Prince (GMA) 31.2%; 4. 24 Oras (GMA) 30.5%; 5. Zaido (GMA) 28.9%; 6. Lobo (ABS) 27.7%
7. Kung Fu Kids (ABS) 26.6%; 8. Palos ABS) 23.6%; 9. TV Patrol World (ABS) 23%; 10. Kung Ako Ikaw (GMA) 14.8%

Jan. 28 rating – non-primetime
1. Eat Bulaga/Daisy Siyete (GMA) 22.8%; 2. Hana Yori Dango (GMA)
18.7%; 3. Takeshi’s Castle (GMA) 17.4% 4. Maging Akin Ka Lamang (GMA) 16.9%; 5. My Only Love (GMA) 16.7%; 6. Come Back Soon AE (GMA) 14.7%
7. PGKNB ABS) 14.5%; 8. Wowowee ABS) 14%; 9. Wheel of Fortune (ABS) 13.7%; 10. SIS (GMA) 12.9%

Feb. 11 rating – tapatan ng GMA 7 at ABS-CBN
Sis — 10.6 —– News Patrol —10.2
Flash Report — 12.3 —– Game Ka Na Ba — 11.1
Eat Bulaga — 20.2 —– Wowowee — 12.8
Daisy Siete — 18.0 —– Prinsesa ng Banyera — 10.4
Maging Akin Ka Lamang — 15.5 —– Pinoy Movie Hits — 8.2
My Only Love — 12.9 —– Wheel of Fortune — 11.6
24 Oras — 27.2 —– TV Patrol World — 19.8
Joaquin Bordado — 36.6 —– Kung Fu Kids — 21.4
Kamandag — 39.8 —– Lobo — 23.3
Marimar — 43.8 —– Palos — 19.5
Coffee Prince — 33.1 —– Maging Sino Ka Man — 13.8
Kung Ako Ikaw — 18.4 —– Spring Waltz — 8.9
GMA 7 — 17.8 —– ABS CBN — 11.1

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can also be posted at www.filmacademyphil.org/forum/