Feb 15
KUMUSTA . . . LUKE MEJARES? by Renee Rose Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 15, 2008

Does the name sound familiar to you, guys? Yes, siya yung former lead vocalist ng bandang South Border after mag-quit ni Briggs Ferraris na naging asawa ni Amy Perez (pero nag separate din after she gave birth). I could still recall kung gaano kaganda ang boses ni Luke Mejares. Lumaki si Luke na palaging tinutukso ng mga bata dahil iba ang kanyang features sa kanyang mga magulang who hail from Bohol. Negro or Igorot kung tawagin siya ng kanyang mga classmate dahil sa sobrang itim niya. At dahil bata pa siya nun, umuuwi si Luke galing sa school na umiiyak at pilit tinatanong ang kanyang ina kung bakit nga ba iba ang kulay niya at ang kanyang itsura. Hindi tulad ng kanyang mga magulang at kapatid na may fair complexion at straight ang buhok. Ang tangi lamang sinasagot ng kanyang ina ay dahil sa ipinaglihi siya kay Michael Jackson. Well, palibhasa bata maniniwala na lang si Luke sa sinabi ng ina. Isa pa dahil magaling siyang umawit at sumayaw na tulad ni Michael Jackson.

Pero sabi nga malakas ang lukso ng dugo dahil habang nagkaka-isip siya ay lalong lumalakas ang hinala niya na iba talaga siya kaysa sa kanyang mga kapatid although very supportive ang kanyang mga parents at mga relatives.

How time flies at naging binatilyo si Luke. He started to court young ladies pero lagi siyang busted dahil sa kanyang features pa din. May Afro-American look kasi si Luke. Dahil dito na-frustrate siya sa buhay niya pero it turns out na ang frustration niya seemed to have done him good. Dahil ibinuhos niya lahat ng time and effort niya sa kanyang studies to the point na naging top 10 siya. He even excelled in various sports at naging champion sa table tennis sa buong Bohol. And most of all, ibinuhos niya lahat ng time niya sa pagkanta at sumali sa mga singing competition.

According to Luke, palagi daw siyang second best with Ana Fergi (who happens to be one of the our good singers too) na laging champion sa bawa’t competition na sinasalihan nila. Ana hails from Cebu at kapag galing kang Cebu, for sure isa kang magaling na singer tulad ni Ms. Vina Morales.

One time ay na meet ni Luke si Ryan Cayabyab who happened to be conducting a search for a member ng Smokey Mountain. Nag try-out si Luke pero si Ana Fergi ang nakuha. At dahil nakitaan siya ni Ryan Cayabyab ng potential, kinausap siya nito na kung pwede sa Cebu na lang muna siya mag-stay dahil mas malaki ang chance niya dito dahil maraming talent manager ang nagpupunta sa Cebu and this will give him the chance para makapasok sa showbiz.

Fortunately meron naman palang relative si Luke sa Cebu at dito muna siya nakituloy. In short, na-discover si Luke ng ABS-CBN at inalok mag-host ng isang lunchtime show.

At dahil sa unti-unting sumisikat si Luke Mejares, muling nabuksan ang kanyang life story. Kung sino ba talaga ang kanyang mga magulang? Kasi pala si Luke Mejares is just an adopted son. Yung inang nagpalaki sa kanyan turned out to be his aunt at yung relative niya from Cebu where he stayed for awhile ay ang kanyang biological mother.

And since bata pa siya, lumayas siya at tumira sa kanyang mga friends until he reached his 18th birthday nang mag-decide ang kanyang adoptive parents na aminin sa kanya ang katotohanan ang biological father ay isang black American, isang US Navy man na na-destino sa Pilipinas. Ang reaction ni Luke was more than what they expected. Hindi nakitaan si Luke ng galit para sa kanyang kinikilalang mga magulang dahil alam niya right there and then kung bakit iba talaga ang kanyang feature sa mga magulang. He started to get curious kung ano nga ba ang looks ng kanyang ama at kung saan ito makikita. Gusto niyang mayakap man lamang ang kanyang ama.

Nagkataon naman na papuntang Manila si Luke kasama ang kanyang manager para nga sa kanyng noontime show. Nagkaroon si Luke ng maraming offer to sing from Star Records at Polycosmic Records pero alin man dito sa mga nag offer ay walang natuloy kaya ang ginawa niya ay nagpunta siya every night sa iba’t ibang lugar na may live bands at dun ay naki-jam siya ng mga songs until he got discovered. At first, naging reliever lang siya ng isang band pag wala ang lead vocalist nito. Dito natuto si Luke magtipid dahil nga limited lang ang source of income niya. Ang ulam niya for one day ay ginagawa niyang tatlong beses maghapon para makaipon siya. Unitl he applied sa South Border dahil nag-resign si Briggs Ferraris that time as a lead vocalist. Dito humakot ng maraming awards ang South Border dahil sa gallng kumanta ni Luke.

All the while yung pananabik niya na makita ang kanyang father ay unti unting nagkaroon ng katuparan. Halos everyday, kapag may spare time, unti unti niyang binabasa ang isang American directory para makuha ang address ng ama pero sa sobrang dami ng kapangalan ng ama ay nahirapan si Luke and he realized na hindi pala ganun kadali maghanap ng taong gusto mong makita.

Good thing Luke has a good friend na nag-search thru the internet at dun nila nakita ang address ng ama. Isa na pala itong retired US Navy na naging respetadong inventor at member ng isang church foundation. Napaluha si Luke sa mga details ng father niya at siyempre he was so proud of his father. From then on, lalong pinagsikapan ni Luke na kumita ng pera at maka-ipon para makarating sa US. He even asked his black American friend na pari kung pwedeng magpa-handcarry ng package for his father na may lamang mga pictures, letters, album (record) para lamang malaman ng ama niya na ang anak na iniwan niya sa Pilipinas ay isa na palang sikat na singer dahil gusto niyang maging proud din ang father niya sa kaniya. But unfortunately, nakabalik na sa Pililpinas ang friend niya pero wala man lamang pinasabi man lamang para kay Luke.

Sa sobrang pananabik makita ang ama ay pinilit ni Luke na makaipon pa ng mas malaking pera para makapunta sa US. Luckily nagpunta si Luke together with her supportive girlfriend sa US. Hinanap nila yung school kung saan nagtuturo ang kanyang ama. Pinuntahan nila ang Registrar’s Office para magtanong about his father. Tinawagan niya ang father niya pero hindi ito sumasagot sa intercom. Nag-decide si Luke na puntahan na lamang ang ama sa office nito para masurprise daw pag nakita sila.but the worst nightmare had yet to come. Biglang lumabas ang father niya sa pintuan ng office at pinagsisigawan sila. Naging hysterical ang father ni Luke to the point na ipatawag nito ang school security para ilabas si Luke ng school premises at hindi pa nakuntento at sinabing hindi niya anak si Luke at wala siyang anak sa Pilipinas. Grabe ang naging experience ni Luke with his father. He never thought that it would happen kasi nga ang records ng kanyang ama ay isang school professor at active sa church activity.

Napaka-sad ng story ni Luke Mejares. He doesn’t mind at all yung expenses na ginastos niya for their US trip pero yung mapahiya at hindi kilalanin ng kanyang ama ay isang napaka-traumatic experience. While I’m still interviewing Luke I could still perceive the pain in his heart. Naluluha pa siya. He was while telling me what happened nang siya ay talagang napa-iyak.

But after the rain, the sun will still shine. Right now, Luke has three albums with Sony BMG Records. Ang latest ay yung Pangako. At happy naman si Luke being a father and a good husband at nagpapasalamat siya sa kanyang adoptive parents dahil pinalaki siya ng mga ito nang mabuti at maayos na tao na alam kung ano ang tama at mali.

And to you, Luke… all I could say is “Don’t stop praying” dahil pagdating ng panahon ay darating ang blessings mula sa itaas. Who knows but the world is really round at baka isang araw may kumatok sa inyong pintuan at sa pagbukas mo ng pinto ay makita mo ang iyong ama nakangiti at babatiin ka ng “Hello, Son”.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/