Nov 07
SAFETY ON THE SET by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Nov 7, 2014

“It took seconds for a freight train to kill Sarah Jones, a 27-year-old camera assistant who died on the set of an independent film, ‘Midnight Rider,’ in rural Georgia on Feb. 20,” according to the news in New York Times.

That incident brought about the issue of safety on the set. Kahit sa Amerika ay problema nila ang mga ganitong pangyayari although isolated case naman daw ang pagkamatay ng assistant cameraman na si Jones.

Especially in this digital age, almost anyone with a camera can make a movie. Take note that movie production is not necessarily a commercial project. Marami na rin ang low-budget at meron pa ngayong mga no-budget production ng mga students.

Is there a standard of safety in the production of movie? Yan ang reklamo ng mga bit players at extra dahil sila ang unang tinatamaan ng problema. Ayon sa isang grupo ng mga bit players, sila na raw ang gumagawa ng paraan kapag sila ay nagkakasakit.


A scene shot in the ranch with horses pose hazards to the talents

Ang akala natin ay mga stuntmen lang ang nalalagay sa delikado ang buhay dahil talaga namang delikado ang kanilang trabaho. Particularly in the car stunts, the probability of accidents is very high.

Pero bukod sa stuntmen ay may iba pang ibang nadidisgrasya dahil hindi lang stunts ang sanhi ng aksidente sa set. Maraming klase ng aksidente na kung minsan ay hindi akalaing mangyayari kahit nagdoble-ingat pa.

Isang bit player ang nauntog sa isang umaatras na jeep. “Hindi ko naman akalaing aatras bigla. Tinamaan ako sa noo, bumaon yung nakausling design ng jeep sa noo ko.” Dahil sa profuse bleeding ng kanyang noo niya kaya dinala siya sa ospital.

The movie Ekstra of Vilma Santos was very realistic in showing the travails of a bit player in the movie. And if you add the risk of accidents, mas lalong kawawa ang mga extra at bit players.

On the other side, even action stars figure in accidents. Sa taping ng Joaquin Bordado ay sumemplang ang motorsiklo ni Robin Padilla. That caused an injury sa kanyang likod at naging dahilan rin ng delay ng production.


An asthmatic assistant director improvises a mask to shield himself from excessive dust and smoke

Sa taping ng Maria Mercedes sa Tondo ay hindi raw nila kinaya ang kakulitan ng crowd at sinasadyang mag-ingay. At sabi pa ng PD (production designer), ang staff niya ay hinabol pa ng saksak ng mga nag-iinuman doon.

To prevent such untoward incidents, the PD requested to just create a mock up set in the studio. “Natuwa nga ang producer dahil puwede naman daw pala sa studio mag-taping,” the PD related.

In a location shoot in a Batangas ranch, a staff of the art department got too close to a horse and experienced a horse bite. Mabuti na lang at hindi malalim ang sugat. Ang sabi ng ranch owner ay puwede rin palang magkaroon ng rabies ang kabayo.

Marami pang mga insidente at aksidente sa location o set ng shooting at taping na hindi naman nababalita. Ang mga beterano sa movie production ay nakahanda na sa mga hindi inaasahang pangyayari.

There is a saying that accidents do happen. Pero maiiwasan naman talaga ang disgrasya kung merong safety measures na sinusunod. Parang sasakyan na may reserbang gulong para sa flat tire at meron ding nakahandang early warning device.

Wala naman tayong batas para sa safety ng mga tao sa shooting – production staff, crew, talents, including the local crowd. Lalo na kung may blasting (putukan) ay delikado rin ang safety ng kahit sino na naroon sa set.

Nasa production na raw ang pag-iingat. For the networks, “may safety standards kahit paano,” a veteran confided. Eh kasi malaki naman ang shooting budget ng mga networks kaya minsan meron pa nga silang nurse o doctor on the set.

But how about the low-budget indie productions? “Barya-barya na nga lang ang talent fee kaya wala nang allowance para sa safety,” echoed an indie movie director. “Basta ingat na lang ang staff at crew.”

Minor injuries are very common particularly to the crew. “Puwedeng mabagsakan ka ng box o ng equipment,” lamented a cameraman. “Pero ang talagang delikado ay yung makuryente pag nagta-tap.” So it’s wise to use a generator instead.

Sa shooting ng isang local epic, naubusan ng budget ang producer at hindi mabayaran ang mahigit 1,000 na extra. Animo rally ang nangyari dahil pinaligiran ng mga extra ang hotel kung saan nakulong ang production staff.

“Akala ko talaga katapusan na namin,” sabi ng production manager. The unpaid extra were threatening to harm the production staff if they don’t get paid. It’s a good thing that another producer bailed out the production from impending doom.

The hazards in the set (of a movie production) are almost endless and cannot be predicted. That’s why there is the thing called (life) insurance. But the government or perhaps the Film Academy ought to do something about this matter.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/