Jan 18
DIAMOND IS FOREVER by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jan 18, 2008

Hindi nagkabula ang aming hula na si Maricel Soriano ang tatanghaling Best Actress ng Metro Manila Film Festival 2007. Ang tanging basehan namin – drama ang talagang forte ni Maria. Hindi biro ang serious role ng isang ina ng pitong mga anak (parang hinango sa tunay niyang buhay, tanging isa lang doon sa pito ang tunay na anak niya).

Sa shooting pa lang ng Bahay Kubo ay lumutang na agad ang stellar aura ni Maricel. Ayon sa mga salita ng kanyang co-star na si Yasmien Kurdi, “Na-excite ako kasi sobrang favorite actress siya ni Mama. Pinapanood ni Mama ang mga movies nya. Ako rin, pinapanood ko. Tapos ngayon, kasama ko na siya sa pelikula kaya sobrang wow, sobrang na-excite ako, sobra.”

Dagdag pa ni Yasmien, “May isang eksena kami na magkatapat na magkatapat ang mga mukha namin, hindi ko mapigilang matulala, ang ganda-ganda niya. At ang eyes niya, very expressive.” Kaya kahit makatotohanan ang pananakit sa kanya ni Maricel sa shooting ng isang eksena ay bale wala kay Yasmien. “Sa movie kasi, nalaman niya na magpu-pose ako ng sexy kaya binugbog niya talaga ako, hindi lang sabunot. Hinatak-hatak niya ang damit ko. Kung ‘yon daw ba ang gusto kong gawin, maghubad, kaya hindi sinasadyang makalmot ang leeg ko.” At parang nahawa si Yasmien sa acting ni Maricel dahil napuri ni Direk Joel Lamangan ang kanilang eksena.

Bahay Kubo, the movie, also brought home the Best Supporting Actress trophy for Eugene Domingo. Si Eugene ang tinatawag na comic relief at riot ang mga eksena nilang dalawa ni Maricel.


Maricel

Unfortunately ay hindi nakadalo si Maricel sa awards night ng MMFF noong ika-5 ng Enero. Pabirong sabi ng ilan na hindi raw siguro type ni Maricel ang concert ni Lani Misalucha. (Dahil ang awarding ceremonies ay napapaloob sa concert ni Lani at marami rin ang hindi na nag-ambisyong pumunta dahil ang pinakamurang ticket ay 500 at ang pinakamahal ay 10,000 pesos. But in fairness to the MMFF committee, may mga complimentary concert tickets na ipinamudmod para makapasok ang mga showbiz industry people.)

Si Maricel Soriano ay nagsimula ng kanyang acting career sa murang edad na anim na taon nang makasama siya sa pelikulang My Heart Belongs to Daddy. At sumunod na agad ang pagiging Shirley niya sa long running sitcom na John En Marsha sa Channel 9. Sa kanyang kamusmusan ay lumutang na agad ang pagiging mataray ni Maricel kaya marami ang humula na siya ang papalit sa trono ni Nida Blanca (pagdating sa effective comedy). Sa tagal ng panahong pagsasama ng cast ng John En Marsha ay parang kapamilya na talaga ni Maricel si Nida Blanca at si Dolphy pati na si Rolly Quizon at Madel De Leon (anak ni Van De Leon) lalo na si Dely Atay-atayan at Matutina.

Later on ay napasama rin siya sa cast ng Kaluskos Musmos, isang children’s show noong taong 1978 pati na rin sa Kuskos Balungos. At sa kanyang pagdadalaga ay inilunsad siyang full-fledged star sa pelikulang Underage kung saan naitatak ang kanyang pagiging Regal Baby. Bilang Regal Baby ay kasama ni Maricel si Snooky, Dina Bonnevie, Alfie Anido, Gabby Concepcion, Albert and William Martinez.

Walang katulad si Maricel kung versatility ang pag-uusapan. Although namama-yagpag siya sa mga comedy pero pagdating sa drama ay tinitingala ang pangalang Maricel Soriano. Hindi masusukat ang luhang umagos sa Kaya Kong Abutin Ang Langit nung 1984, Hinugot Sa Langit nung 1985 at lalo na siguro sa Babaeng Hampaslupa. Ang Abot Kamay Ang Pangarap ang Philippine entry sa Oscar Awards nung 1996. Ang huling drama film ni Maricel ay Filipinas kung saan nagwagi siyang Best Actress sa Luna Awards sa pagganap sa role ng isang martir na anak na sinikil ang kaligayahan para sa kanyang pamilya.

Bukod sa comedy at drama ay marami ring fantasy movies si Maricel. Sa pangunguna ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang ay andyan rin ang Inday Bote, Inday Sa Balitaw at Super Inday na puro fairy tale ang pinaka-storyline. Kasama na rin sa fantasy ang mga suspense at horror films gaya ng Dahas, Sa Piling Ng Mga Asuwang, Vampira at ang Shake, Rattle And Roll.

At dahil sakop na ni Maricel ang lahat ng genre kaya meron din siyang action films na puro certified blockbusters sa box office. Ang pinakamatindi sa action movie ni Maricel ay ang Batang Quiapo where she was paired with no other than Da King of Philippine Movies, Fernando Poe, Jr.

Pero most noteworthy of Maricel’s movies are the romance kung saan screen partner niya si William Martinez. At the height of the Pabling craze ni William Martinez ay click na click ang kanilang tandem. At kahit love team na at love story pa ang movie ay hindi nawawala ang comedy sa team-up nila ni William. At lalong tumindi ang mga comedy nang mapasama pa si Roderick Paulate.

Wala na yatang tatalo sa pagiging versatile ni Maricel Soriano. Bukod sa acting ay meron din siyang dalawang kanta na recorded – ang theme song ng Oh, My Mama at ang Ngayon At Habang Panahon na naging gold record pa! Hindi mapigil ang paglaladlad ng kanyang talento dahil umabot pa siya sa Araneta Coliseum para sa Hello, Hello, Maricel concert noong 1987. No need to mention that Maricel can also dance, di ba?

Ang unang patikim ng karangalan kay Maricel ay nangyari noong siya ay siyam na taong gulang. Iginawad kay Maricel ang Best Child Actress award ng Manila Film Festival ng taong 1974 para sa kanyang pelikulang Alaala Mo, Daigdig Ko.

Ang ilan sa major awards na nakuha ni Maricel sa movies ay ag ga sumusunod:

–1983 FAMAS Best Supporting Actress for Saan Darating ang Umaga?
–1994 PMPC Star Awards Best Actress for Separada
–1995 FAMAS Best Actress for Dahas
–1997 Metro Manila Film Festival Best Actress for Nasaan ang Puso
–1997 FAMAS Best Actress for Nasaan ang Puso
–1997 Film Academy of the Philippines Best Actress for Nasaan ang Puso.
–2003 Film Academy of the Philippines Best Actress for Filipinas
–2003 Metro Manila Film Festival Best Actress for Filipinas
–2004 ENPRESS Golden Screen Award Best Actress for I Will Survive
–2006 ENPRESS Golden Screen Award Best Actress in Inang Yaya
–2006 CINEMANILA Best Actress Digital films for Numbalikdiwa

Hindi lang pang-movie kundi pang-TV rin si Maricel. Aside from the youth-oriented shows ay lumarga din siya sa Maria! Maria! at sa Maricel Live! Ang mga variety shows na ganito ang nagbigay daan para makita ang dancing prowess at hosting skills ni Maricel na bihira nang makita ngayon.

Ilang panahon ding tumakbo ang Maricel Drama Special na sinusubaybayan ng karamihan. Wala pang TV ratings that time kaya hindi masasabi kung gaano kalaki ang audience share ng weekly drama special niya. Ang latest drama program ni Maricel sa TV ay ang Vietnam Rose na sa Vietnam pa nag-location.

Pero ang pinaka-click talaga ni Maricel sa TV ay ang kanyang natural flair for comedy. Namayagpag din ang 2+2, Kung Kaya Ni Mister, Kaya Ni Misis with Cesar Montano na later on ay naging Bida Si Mister, Bida Si Misis. Successful din ang Mary D’ Potter na comedy with fantasy.

Sa ngayon ay John En Shirley ang natitirang program ni Maricel sa TV. An offshoot of John En Marsha, kasama niya dito si Dolphy at Susan Roces. However, this weekly sitcom had just ended.

Note: Para sa TV awards at citations ni Maricel Soriano, you can refer to wikipedia and other internet websites by using Maricel as the search key.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com