Mar 28
WINNING ESSAYS 2014 by fapweb  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 28, 2014

Teacher’s Category
Second Prize
Panahon Na
Ni Cesario G. Britanico
Maligaya High School

Sa patuloy at walang humpay na pag-inog ng mundo, ang tao’y sapilitang nakikipagsapalaran sa gitna ng mga dumadaluyong at nag-ngangalit na unos upang makamit lang ang nasa. Kabilang sa pagnanasang ito’y ang mithing mabuhay nang may pagtanggap.

Di ko mawari kung may pamilya sa Pilipinas na tulad ng sa Jackstone Family (pamilya mula sa pelikulang Girl, Boy, Bakla at Tomboy), pero mas mahirap isipin kung may mga komunidad, pamilya at magulang ang talagang handa sa ganito uri ng pamumuhay.

Moderno man ang ating mundong ginagalawan ngunit di pa rin tayo lumalago sa ating mga lumang paniniwala. Sarado nga ba tayo o talagang hindi lang tayo handa sa pagtanggap? Kailan darating ang panahon na tunay na nating matatanggap ang mga tulad nina Mark at Panying (bakla at tomboy sa pelikula).

Ilang pang Mark (Vice Ganda na bakla) ang magsasabi sa kanilang ama ng linyang ito; “ Alam mo hindi na ako masasaktan. Kahit ilang lalaki pa ang umiwan sa akin, di na ako masasaktan. May mas sasakit pa ba sa iwan ka ng sarili mong ama? Ayoko nang masaktan muli… ayoko nang maiwan muli.” Di ba’t tao rin silang naghahanap ng pagkalinga ng kanilang mga magulang?

Mahirap ba talagang baguhin ang ating mga paniniwala, kailangan pa bang marami ang masaktan? Sana dumating ang panahon na di lang sa telebisyon at pelikula natin pwedeng pag-usapan at tanggapin ang mga ganitong paksa. Bagkus dumating ang araw na mayakap na natin ang pagbabago.

Di ba’t bawat isang tao ay may dignidad at karapatan? Iisa lang naman ang mundong ating ginagalawan, hanging nilalanghap at sumisikat ang araw at lumulubog ang buwan sa lahat. Bakit kailangan pa natin isara ang ating mga isipan sa lumang pananaw?

Tandaan natin ang sabi ni Bob Ong: “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, bawat isa sa atin ay nagnanais na matanggap, lalaki ,babae, bakla o tomboy ka man.

Buti pa sa mata ng mga batang si Cindy (Xyriel Manabat), di kailangan pareho ng itsura, kulay o pinagmulan ng isang tao upang maturingan bilang magkakapatid ang bawat isa. Pagmamahal at pag-unawa lang ang naging susi ng kanilang pagkakaisa.

Panahon na upang imulat ang ating mga mata sa katotohanan na may mga bagay sa mundo na nalikha upang sukatin ang ating mga pakikipagkapwa, paniniwala at pananaw sa buhay at sukatan ng ating pagkatao.

Student Category
Second Prize
Echoes of Sexes

By Joan S. Galvan
Judge Feliciano Belmonte Sr. High School

In our hearts and laws, we must treat all our people with fairness and dignity regardless of gender or sexual orientation—a heartwarming quoted remarks from Bill Clinton that exemplifies the meaning of equality above all.

With the advent of time, sexual issues have undergone a sea of change which created a great impact in the eyes of global perspective. Transgender and bisexual existence has conquered societal forces seeking for considerable acceptance and respect from people who by all means deserve merits of equal treatment where one can endure a life of dignity shunned from discrimination, violence and suppression.

Boy, Girl, Bakla, Tomboy is a heartfelt movie that supports and constructively uncovers a bold step towards protecting human rights based on sexual orientation and gender identity. It epitomizes an inspiring portrayal of different genders molded into different sexual preferences who had gone through insurmountable family afflictions yet showcases indomitable spirit of strong family ties.

As depicted in the movie, Maricel Soriano, mother of quadruplets, has testified in her role that sexual discrimination has no place in one’s family. She has imbibed a great role of a mother who renders unconditional love and fair treatment to her children despite of gender differences.

Vice Ganda, playing four characters, has displayed unkabogable wit in raising gender awareness. Peter (Boy) and Girlie (Girl), raised in different cultures and embraced elite lifestyles, have learned to experience hardships in life just to live up to the expectation of their sibling Mark (Bakla), whereas, Panying (Tomboy) and Mark (Bakla) brought up in a poor family, have cultivated seed of sacrifice and learned to sow forgiveness from their father and granny’s wrongdoings.

The movie teaches us act of altruism as it unveils selflessness proving that will always be life-saving sentinels in one’s darkest moment.

The characters received due recognition of what is rightfully the demands of society as such they were never ridiculed nor became a laughingstock. They were given equal access to things they really deserve thus the movie justifiably foreshadows the defensive shield of human rights protection which supports the prevailing House Bill 1483 otherwise known as Anti-Discrimination Act of 2010, an act defining discrimination on the Basis of Sexual Orientation and Gender Identity. This ennobling movie calls for One Love, One Call: Human Rights for All—an advocacy of anti-discrimination act that recognizes the echoes of sexes.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/