Dec 19
MGA BITUING UMAAWIT by Renee Rose Henson  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 19, 2007

“ If I’m pregnant, I will tell the whole world!” yan ang madiing pahayag ni Vina Morales ng siya ay ma-interview kamakailan lang sa isang news magazine. Napabalita kasi na ang actress singer turned tv host ay nagdadalang-tao. At marami nga ang nagbabantay sa paglaki ng tiyan ni Vina Morales. Matatandaang si Vina ay napabalitang naki pag one night stand sa anak ng controversial Congresswoman na si Aimee Marcos Manotoc at pamangkin ng Ilocos Governor Bong Bong Marcos na si Borgy Manotoc. Napabalita ito nung minsang mag guest si Borgy Manotoc sa radio na ang host ay si DJ Mo Twister. At nauwi sa pananampal ni Vina kay Borgy nang makita ni Vina (kasama ang kanyang boyfriend) sa Greenbelt Cinema si Borgy (na may kasama rin na non-showbiz girl). Nilapitan ni Vina at sinampal si Borgy dahil sa sinabi ng huli na nagkaroon sila ng one night stand. Dito rin ay personal na humingi ng apology si Borgy dahil hindi daw nya akalain na ang kanyang sinabing biro ay makakarating pala kay Vina Morales.

Lumabas ang balitaang buntis si Vina last month, September habang may concert tour ang dalaga sa Stockton California na may pamagat na “Showgirl in the US” (Yes wag isnabin dahil ang said venue ay pinag concertan din ni Josh Groban bago pa siya mag concert dito sa Pilipinas.) at Mcallen Texas. Alam naman ninyo dito sa atin pag ang artista ay nasa labas ng bansa kung ito man ay personal or work related ang unang napapabalita ay buntis ito at duon manganganak kaya umalis ng bansa.

Anyway, umattend si Vina ng shower party ng kapatid ng kanyang bestfriend na si Liklik Schoeder who right now is based in the California. And at the same time ay celebration na rin ng kanyang birthday last October 17. At sa interview kay Vina sinabi niyang hindi siya buntis at pinakita niya ang kanyang tiyan para pabulaanan ang balita at kung gaano kaganda ang kanyang katawan. Knowing Vina she’s figure conscious at hindi niya ipagpapalit ang hirap niya para ma maintained lamang ang kanyang magandang built. Isa pa bakit kaya kailangan pang itago ang pagbubuntis niya? Unang una she’s no longer a teen-ager at isa ng full grown woman nasa tamang edad na para mag asawa. Pero mukhang hindi pa yata handa ang Cebuana hail singer pagdating sa pag aasawa dahil ayon sa kanya siya at ang kanyang boyfriend na si Mr. CL (kung tawagin at non showbiz) ay nasa process ng “go on with the flow”. Kung sila, sila kung hindi, hindi. Yan ang maganda sa ugali ni Vina Morales kahit moderno na ang pananamit at itsura ay may natatago pa ding reservation para sa sarili at conservative. Maituturing na isang role model si Vina para sa kanyang kapatid at mga young star na nag uumpisa pa lamang sa showbiz.


art-071219-mga-bituing-umaawit.JPG

Raw Energy’ ito ang bagong concert ni Jericho Rosales na ginanap sa Music Museum kamakailan lamang, bilang tanda ng kanyang unang dekada sa showbiz. Kung naaalala nyo pa, si Jericho ay nanalong Mr. Pogi sa Eat Bulaga at pinakilala bilang Star Circle Batch 4 ng ABS-CBN, naging laman si Jericho ng napakaraming movie at teen magazine, cover ng mga notebook, endorser ng mga kilalang companya at higit sa lahat naging bida sa mga kilalang TV series at pelikula.

Malayo na ang narating ng batang ito bukod sa pagiging heartthrob ng mga kolehiyala at bankable actor na nagbigay sa kaya ng ibat ibang mga acting awards. May mga panahon na hindi natin nakasama si Echo (tawag sa kanya ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa industriya) pero hindi ibig sabihin nito ay nananamlay siya sa showbiz dahil sa pagkawala niya sa pelikula at TV series. Siya ay naging abala sa pagkanta. Nagulat kayo ano? Opo marunong kumanta si Echo at nagtatag ng isang banda na tinawag niyang Jeans. Sila ay nakagawa na ng isang 14 track album na ang title ay Loose Fit under EMI records. Ang album ay nilaunched sa Malaysia at iba pang parte ng Asia. Sa ngayon ay abala sila sa pagpropromote ng kanilang bagong second single “Tuwing Nakikita Kita” kung saan ito ay may music video na mismong si Echo ang nag direct.

Ngayong sampung taon na si Echo sa industriya hindi malaman ni Echo kung paano pasasalamatan ang mga taong sumuporta sa kanya bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Kaya noong nakaraang October 18 at 19 ay nagbigay ng concert si Echo. Kasama niya rito ang kanyang banda na Jeans at ang mag-amang Gary at Gabriel Valenciano. Siyempre pa ang nag-produce ay Silver Moon Production na pag-aari ni Echo at GV Production Inc. Si Echo at ang nag-direct at si Gary ang nag-co-direct nito.

Actually, fans kasi ni Echo si Gary Valenciano kaya dito siya humihingi ng advice pagdating sa musika. Marami nga ang nagsasabi na kinokopya daw ni Echo si Gary sa style ng pagkanta at pagsayaw na pinabulaanan naman ni Echo.

During the concert nagpakitang gilas si Echo ng pagkanta ng pop-jazz, alternative, rock, funky and groovy hits ng 70’s at 80’s present favorites at ang kanilang mga original songs. Marami din ang nag-co-sponsor ng concert ilan dito ay ang Penshoppe, Goldilocks, Gold Gym, Pepsi, Toni & Guy, Decs Plaza, Belo Medical Group, ABS_CBN, ASAP, Magic 89.9, 96.3 rock at 101.9 for life

Dahil sa dami ng blessings ni Echo for his 10th year sa showbiz talagang very thankful siya kaya’t ang ibang proceeds ng kanyang dalawang gabing concert ay ipinamahagi niya sa isang scholarship foundation ng Bicol na Shining Light Foundation. Ang tao nga naman nanatiling mapagkumbaba ang loob sa oras ng kanyang kasikatan ay pinagpapala at manatili kang ganyan Jericho “Echo” Rosales.