Dec 05
ANATOMY OF AN INTRIGUE by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 5, 2007

An intrigue can make or unmake a star. Hindi man 100% na totoo ngunit madalas na ang maiinit na issue ang nagpapasikat sa isang artista. Kung sinabi ni P.T. Barnum na “A sucker is born every minute,” sasabihin ko naman na “an intrigue in local showbiz is born every hour.”

Isang big bang ang nilikha ng pagpasok ni Jennica Garcia sa showbiz. Hndi dahil sa magandang mukha at hindi rin dahil sa anak siya ni Jean Garcia, isang sikat na character actress, at lalong hindi dahil sa magaling siya sa acting. Namuo ang intriga kay Jennica nang siya ay mai-partner kay Mart Escudero na sinasabing may following na sa kanyang dating ka-love team.

Admirable ang love team ni Mart at Jennica dahil isang guwapo at isang maganda, with both having great potentials for good acting and popularity. Very auspicious din ang pagkakasali agad ni Jennica sa isang soap na para bang wala siyang kahirap-hirap dahil anak nga siya ng isang artista. Maganda ang feedback sa audience at dahil dito ay hindi kataka-taka na magkaroon ng intriga.

Sa paglitaw sa blind item sa mga tabloid ay hindi agad nag-react si Jennica dahil for the benefit of the doubt ay baka nga naman hindi siya ang tinutukoy. Isang young aspiring star na pinagsabihan ng kanyang mother na gumamit ng condom para maiwasang mabuntis at nang ma-enjoy ang buhay. Bukod sa malisyosong statement ay may dagdag pang ang mother dear ng nasabing young actress ay nagumon na raw sa alak.

Ilang araw din sa tabloid ang issue na naging iba-ibang version pa kaya si Jean ay hindi na nakatiis. Siya ang nag-react para pasinungalingan ang lahat. Na hindi siya nagsabi ng ganung bagay tungkol sa condom. Na hindi siya nakikialam sa love team ng anak niya. At lalong hindi siya lasengga o alcoholic.

And who would forget the Explain before you Complain issue? Sa isang parinig ni Joey De Leon na pinalaki ng showbiz media ay nag-react si Willie Revillame. Sa maliit na pagkakamali ng pagkakagawa ng props ng Wowowee (na naglitaw sa numerong zero at 2) ay umabot hindi lang sa mesa ng MTRCB kundi pati na rin sa senado. Lalong uminit ang issue nang sumagot ang mismong pamunuan ng Wowowee pati na ang paglabas ng official statement ng ABS-CBN.

Sa part naman ni Joey De Leon, siya ang unang nagsalita at nagparinig, hindi para mag-akusa kundi para manghingi ng explanation. At sa pagtatampo ni Joey dahil kinakampihan daw ng MTRCB ang kalabang show kaya nag-vacation muna si Joey sa kanyang mga TV programs ng ilang linggo.

Another reason kung bakit nagiging mainit ang isang issue ay dahil na rin sa mga senseless denials ng mga involved. Lalo na sa mga love angles, ang mga denials ay halos hindi pinapaniwalaan. Ang sasakyang regalo ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay ikinapikon na ni Ara Mina pero ayaw pa ring tumigil ang mga writers sa pagsusulat ng tungkol dito. Nadagdagan pa ito ng bagong bahay ni Ara kaya pati raw si Jinky na asawa ni Pacman ay naapektuhan na rin. Mariin ang tanggi ni Ara Mina na wala silang relasyon ni Pacman. Pero hindi naman siguro makalimutan nung itinanggi ni Ara ang relasyon nila ni Jomari, ganun din nung nagka-relasyon sila ni Polo Ravales, di ba?

Denial din ang issue against Angel Locsin. Since the time na hindi siya nag-renew ng contract with GMA-7 ay umugong na ang ganyang usapin, ang paglipat ni Angel sa Kapamilya Network. But Angel denied and denied everything, di ba? And then bigla na lang lumitaw ang totoo na nag-sign na siya ng contract with ABS-CBN. Now, eto na naman ang isang issue, about Angel and Luis Manzano. Formal na ipinakilala raw ni Angel si Luis kay Ali Sotto, ang itinuring na nanay ni Angel. At dahil dyan ay assumed na meron na silang understanding. But Angel still denies.

Ganun din ang nangyari kay Rustom Padilla. Simula pa lang nung maghiwalay sina Rustom at Carmina Villaroel ay matunog na ang hinala na bakla si Rustom. Kusang namatay ang issue nang lumipad patungong San Francisco si Rustom at doon na siya nanirahan ng ilang taon. Sa kanyang pagbabalik sa local showbiz ay muling nabuhay ang issue sa kanyang gender lalo na sa kanyang hitsura na mukhang babae. And later on ay nag-surface na nga ang katotohanan sa pag-amin ni Rustom na gay siya. At dramatic pa ang pag-amin na ginawa sa loob ng bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother. Showbiz talaga, ano?

Sa latest and hottest issue ay opposite ng denial ang cause. Adamant si Lolit Solis sa kanyang mga pronouncements na nakita niya sina Piolo Pascual at Sam Milby sa coffee shop ng Hotel Sofitel (ang dating Westin). Malinaw na simpleng report lang ang pagkakasulat ni Lolit sa balitang yun except for the title ng column na kasama ang word na Naglalampungan at ang napapaloob sa body ng column na nagsasabing “parang dinidilaan ni Piolo ang tenga ni Sam.” (Ang word na lampungan sa titulo ng article ay inangkin ng editor ng Pilipino Star).

Hindi naman talaga nakakainis ang salitang ginamit ni Lolit na “dinidilaan” puwera na lang kung ang mga involved na tao ay pinaghihinalaan sa kanilang gender. Wala mang sinabing ganun si Lolit ay hindi maiaalis ang issue na bading si Piolo o si Sam. At kung hindi itutuloy ni Sam ang demanda ay lalong tatapang ang mga reporters na katulad ni Lolit dahil nasa lugar daw siya at kaya niyang panindigan ang kanyang sinasabi. Ang depensa ni Sam ay wala naman siya sa lugar na iyun ng oras at araw na reported sa column ni Lolit pero kung totoo ang kanyang depensa ay dapat lang na mag-demanda siya para malinis ang kanyang reputation.

Ayon sa column ni Roldan Castro sa Tumbok (Oct.29) ay nasunog kamakailan ang bahay ni Yul Servo sa Tondo. May 165 families daw ang nawalan ng tahanan kaya humihingi ng tulong si Yul sa mga tao na magpadala ng pagkain at mga gamit na makakatulong sa mga nasunugan. Maganda sana ang pagkakareport ng balita ni Roldan pero may kakabit na kuwento tungkol sa nakaraang election. Si Yul ay tumakbo at nanalong councilor sa District I dahil daw sa 1 milyon na tulong ni Piolo Pascual. Ngunit nilinaw naman daw ng bestfriend ni Yul (si Piolo yun) na utang ang 1 milyon at hindi bigay.

Kung mabuti man ang intensyon ng pagkakasulat ay nasira ito dahil sa pagbibigay hinala sa anggulo na may relasyon sina Piolo at Yul. Hindi ba’t ilang beses ding pinagbintangan at ilang beses ding nag-deny si Yul? Si Piolo at Yul ay magkaibigan lamang ayon sa mga kampo ni Piolo at Yul. Pero parang ayaw maniwala ng mga showbiz writers.

Back to the court case against Lolit Solis. Nag-file na ng demanda sina Sam Milby at Piolo Pascual sa tulong ng kanilang abogadong si Joji Alonso. May pasubali si Atty. Joji na puwede namang maging maayos ang lahat kung magbibigay lang ng public apology si Lolit Solis.

Eto naman ang sagot ni Lolit. Paninindigan raw niya ang nasulat sa column niya. Hindi baleng makulong siya at her age of 60 years old. At next time daw sana ay huwag nang daanin nina Sam at Piolo sa pagbubulungan, maghalikan na lang daw sila ng lips to lips. Ganyang kataray ang sagot ni Lolit sa demandang iniharap ni Sam at Piolo.

The anthill that grew to the size of the mountain ay dahil lamang sa improper manner ng pagkaka-report. Ika nga ng mga Amerikano, the intriguing statement is pregnant with a lot of questions. Ganyan ang pagsilang ng intriga lalo na sa mundo ng showbiz. At ang pinagmumulan nyan, “99% po ay nanggagaling sa imagination ng mga showbiz reporters,” mariing sabi ng isa naming co-writer dito sa FAP website. “Ang mga writers ang nagbibigay ng malisya. Ewan ko kung bakit nakakalusot sa mga editors pero may palagay akong yun ang gusto nila para bumenta ang kanilang tabloid.”

Ang papansin ay isa ring paraan para magkaroon ng tinatawag na intentional intriga. Ang mga gustong sumikat ay nagpapansin, di ba? Hindi mabilang ang intrigang namuo at binuo at pinakalat nina Madam Auring, Angelica Jones, Keanna Reeves at ang pinakahuli ay ang suicide attempt ni Criselda Volks. Pero hindi ganung kadaling maniwala ang mga tao. Marami raw ang tanga pero mas marami ang matalino at nakakaintindi kung gimmick lang ang isang issue o hindi.

Ang intriga ay kakambal na ng tao. Kahit sa showbiz o sa pulitika o kahit sa loob lang ng family circle ay hindi maiiwasan ang pagsulpot ng intriga. It is just a matter of handling or ignoring the intrigue. Kaya habang may intriga, that means na may buhay pa rin ang ating entertainment industry. Pero sana ay dahan-dahan naman sa pag-file ng demanda.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com