Nov 06
PINAY YOUNGSTAR NG HOLLYWOOD by Renee Rose Henson  |  Posted in Articles  |  on Tue, Nov 6, 2007

Kilala nyo ba ang Filipino-American actress na bida ng High School Musical Show?

Yes! you’re right I’m talking about Vanessa Hudgens. Si Vanessa ay anak ng Filipinang si Ms. Gina Guangco (the Guangcos is a non-showbiz clan na taga Pampanga). Dinala sila ng father niya (who happens to be a foreigner) na isang US Air Force officer na naka based sa Hollywood nung sila ay mga bata pa lamang.

Si Vanessa ay kinakitaan ng kanyang mga magulang ng hilig sa pag awit at pag sayaw at simula dun ay nag-audition at napasali… at hindi lang basta napasali dahil isa siya sa bida sa High School Musical, isang kilalang teen TV series sa US. Isa si Vanessa Hudgens sa mga kilala at promising young star na inihalintulad kina Britney Spear at Lindsay Lohan. And mind you readers, nag guest si Vanessa sa The Tyra Banks Show na parang Oprah ang dating. Dun ay tinanong si Vanessa kung ano ang masasabi nya tungkol sa naglabasang issue kina Britney Spear at Lindsay Lohan. Dito ay walang kurap na sinabi ni Vanessa na kalokohan lamang daw ang mga pangyayari dahil pwede naman daw wag pumasok sa ganuong situation. Ang kailangan lamang daw ay maging matalino sa bawa’t decision na gagawin sa buhay mo. Kaya nga daw siya ay nag-iisip muna nang maraming beses bago gumawa ng isang hakbang upang hindi siya magkamali, dagdag niya. At may punto si Vanessa dito

Last September sa issue ng Teen Magazine ang 18 year old na si Vanessa ay napasama sa listahan ng mga well behaved rising star dahil sa sabi nya na siya daw ay pinalaki ng kanyang mga magulang with good moral values. Sabi din nya na pinangangalagaan nya ang kanyang pagiging role model sa kabataan dahil sa kanila sa Hollywood ay wala masyadong mapiling role model although maraming mababait at magagalang na baguhang artista ang ngayon ay pumapasok sa limelight. Siyempre pa iba nga naman ang style ng pagpapalaki ng mga Filipinos sa kanilang mga anak kahit modern living sila and go on with the fashion (trendsetter baga) ay nandun pa rin ang pagiging conservative at may reservation pa din sa kaniyang sarili.

But a few weeks ago, itong wholesome image ni Vanessa ay nadungisan. May naglabasang mga photos ni Vanessa sa internet at karamihan sa mga ito puro controversial photo dahil pinakita dito na ang Vanessa Hundgens na wholesome image sa television ay kakaiba pala sa tunay na buhay. Ang mga photos ay kuha mismo ni Vanessa nung siya ay kinse anyos pa lamang (na inamin niya naman) at kanyang inimail sa boyfriend nya na kung saan ay kakahiwalay lamang nila. Dito ay may mga naked pose si Vanessa na kung saan siya ay nasa isang kwarto, nakangiti ng walang suot at may pulang kurtina bilang kanyang background. At ang isang kuha naman ay may kasama siyang babae na kung saan sila ay nag girl-to-girl kissing at hinihipo ang kaselanan bahagi ng katawan ng kanyang girlfriend. Very scandalous talaga ang ganitong klase ng mga photos. Napaka unlady-like ng ganitong pangitain. Ang buong akala ni Vanessa ay masasaktan niya ang kanyang boyfriend sa ganitong klase ng mga kuha pero loko pala ang kanyang boyfriend dahil imbes na itago na lang sa kanyang sarili at files ay ipinadala ang kanyang mga kuha sa kanyang mga kaibigan na siyang pinagmulan nito para kumalat sa internet.

Natural, lamang na mayanig at magalit ang kanyang mga kamag-anak, fans at mga kaibigan dahil sa nude photos na ito dahil umikot ito sa buong daigdig dahil nga sa internet ito lumabas. Hindi nila akalain na may ganitong kuha pala si Vanessa. At hindi pala nalalayo ang Pinay young star kina Britney Spear ( na alam nating nag-asawa, nag-kaanak ng dalawa, nag-pa-annul after a year na kasal at ngayo’y umaapila sa korte para sa custodiya ng kanyang mga anak) at kay Lindsay Lohan (na may nude photos din at isang drug user).

Marami tuloy ang naging curious makita ang mga photos dahil gusto nilang malaman kung itong si Vanessa ba ay may pagka lesbiyana. Kung kaya’t iniwanan at hiniwalayan ng kanyang boyfriend. Sa ganda nga naman ni Vanessa Hudgens sira na lang ang ulo ng lalaking iiwanan pa siya.

Para sa hindi nakakaalam, si Vanessa Hudgens ay contract star ng well known Walt Disney Co. O bigatin ang dating ng Pinay star at hindi lang yun dahil siya din ay napipisil uli na mapasali sa third series ng High School Musical na kung saan ay kanyang makakapareha si Zac Efron. Ayon sa tagapagsalita ng Walt Disney film na si Ms. Patti McTeague, plano nilang gumawa at bigyan ng grand launching ang pelikula. Nais nilang bigyan ng maraming exposures sina Vanessa at Zac. Gusto nilang magkaroon ng recording at concert tour ang dalawa upang maging full blast ang launching at hindi lamang yan nais din nilang ma-feature ang dalawa sa isang celebrity magazine.

Grabe talaga ang support ng Walt Disney dito sa project nilang ito. Pero ang tanong ay kung itutuloy pa ba ng Walt Disney ang project dahil sa scandal na ginawa ni Vanessa? Alam naman nating pag sinabing Walt Disney, it must be for general patronage. All ages ang dapat makapanuod kaya dapat lang na pang general patronage din ang mga artista.

Ayon pa rin kay Ms. Patti Mcteague, si Vanessa ay naka-schedule na mag-guest sa TV show ni Jay Leno, The Tonight Show, pero nag-back out si Vanessa dahil sa conflict ng mga schedules nito at bagkus. Siya ay humingi na lamang ng paumanhin sa mga naglabasang controversy sa kanya. Sinabi din niya na siya ay nahihiya at nagsisisi sa pagkuha nya sa sarili niya sa ganuong mga position. Dala daw ito ng kanyang murang pag-iisip at extreme na pag uugali. Dahil nga sa siya ay kinse anyos lamang ng maganap ang pagkuha. Sinabi din niya na very thankful siya sa kanyang mga magulang, fans, at mga kaibigan sa support na kanilang ibinigay sa kanya.

Binanggit din ni Ms. Patti na sana raw ay may natutuhang aral si Vanessa sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Mag-pasalamat din si Vanessa sa kanyang mother company dahil hindi nagbago ang trato nito sa kanya.

Marami nga ang nagtatanong: Meron pa bang mga ganitong kuha si Vanessa Hudgens? Baka ang susunod na mga photos niya ay mas daring. Sayang naman ang kanyang talent at pagiging professional dahil kung mapapanuod siya sa High School Musical 1 and 2, masasabi nyo talagang isa siyang magaling na artista at ito ang magigigng daan para maging isang bankable star si Vanessa.

Kahit na nga ang actress-singer na kapangalan niya si Vanessa William (na naging Ms. America ng 1984 pero nag-kusang I-give up ang kanyang crown sanhi din ng ganitong scandal nang mag-pose siya sa Penthouse magazine) ay nag-sabing makaka-recover din si Vanessa. Tibay ng loob at tamang pakikisama sa kanyang mother company ang kanyang magiging puhunan upang hindi mawasak ang kanyang career.

Pero ano itong isa pang problema ni Vanessa? Siya ngayon ay idinedemanda ng kanyang dating lawyer na si Brian L. Schall sa Superior Court sa Hollywood dahil sa hindi niya pagsunod sa kasunduan or Breach of Contract. Kaawa-awa naman ang batang Pinay na ito dahil sa kanyang murang edad ay kung anu anong mabibigat na problema ang nakakaharap niya at present.

Ganyan talaga, Vanessa, ang tanda ng pagiging isang sikat o sumisikat. Pinipilit ibaba ng mga taong nais na ikaw ay sirain.

For comments you may email me at roxie_henson@yahoo.com