Oct 26
STAR FORMULA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 26, 2007

Note: This article is written upon the request of a reader. For unbiased opinions, several personalities were interviewed.

Sa pagbanggit ng star sa pelikula, ang unang pumapasok sa isipan ng karamihan ay ang pinakasikat na artistang babae, walang iba kundi ang tinaguriang superstar na si Nora Aunor. Phenomenal talaga ang pagsikat ni Nora at hindi man aminin ng iba ay sikat pa rin si Nora kahit wala na siya sa eksena ng local showbiz

Sabi ng iba ay golden voice ang panlaban ni Nora pero may mga nagsasabi rin na ang mukha ang talagang nagpasikat sa kanya. Meron ding ilang opinion na ang pagiging pangkaraniwan o pagiging dehado ang naging daan kaya pumutok nang husto ang pangalang Nora Aunor. Ngunit higit sa lahat ay ang mga fans ni Nora ang dahilan kung bakit naging napakasikat niya at hanggang ngayon ay sikat pa ring maituturing.

Eto naman ang kuro-kuro ng isang professor na may PhD sa kanyang pangalan. Karamihan sa mga child stars na gaya ni Vilma Santos, Snooky, Maricel, Niño Muhlach at Aiza Seguerra ay masasabing pure talent ang puhunan. Hindi naman biro sa isang bata ang umarte sa harap ng camera lalo pa kung drama ang eksena. Until such time na maging adolescent ang child star, mananatili siyang sikat kung walang problema sa kanyang manager. Ganyan ang situation noon pero ngayon ay iba na. Masyado nang maraming talents na mga bata kaya mahirap sabihin na ang isang child star na biglang sikat ay tatagal ang kasikatan.

Isa si Vilma Santos sa mga artistang hindi dumanas ng pagkalaos dahil simula pa nung panahon ng Trudis Liit hanggang sa naging matinee idol sila ni Edgar Mortiz ay nanatiling sikat si Vilma up to the point na humawak na siya ng adult roles. Ang kaibahan ni Vilma kay Aiza at Niño ay ang beauty at talent. Until now naman ay obvious na alaga ni Vilma ang kanyang beauty samantalang malaki ang ipinagbago ni Aiza at ni Niño nang sila ay magbinata. Kaya kung talent lang ang panlaban ng bata ay malamang na lulubog siya pagdating ng adolescent age. Si Snooky at Maricel ay meron ding beauty bukod sa talent kaya katulad ni Vilma ay tuloy-tuloy lamang ang kanilang career hanggang sa pagdadalaga. May ibang dahilan kung bakit nalaos si Snooky na lately ay trying hard na magpapansin.

Sa mga adults naman ay napakahalaga ng tinatawag na following o mga fans. Ang resulta sa box office ng isang movie ay always attributed sa lead stars. Kaya importante para sa mga bida na kumita ang kanilang movie lalo pa’t may kasabihang “you are as good as your last movie.” Kapag nag-flop ang movie ay sa bida ang sisi ngunit kapag kumita naman ay ang bida rin ang dahilan. Ang mga tagahanga ang isang insurance sa pabenta ng isang pelikula. Napatunayan yan nung panahon nina Susan at Amalia at mas naging bankable ang mga fans nung panahon nina Nora at Vilma. Sa ngayon ay matunog pa rin si Maricel kung fans rin lang ang pag-uusapan kaya kahit bihira ang movie ni Maricel ngayon ay mataas pa rin ang market value niya sa mga producers because of her loyal following.

Sa pahayag naman ng isang matandang scriptwriter, charisma raw talaga ang kailangan ng isang artista para magustuhan ng mga tao. Iba ang maamo ang mukha dahil madaling kagaanan ng loob. Pero sa mga child stars, mas nakalalamang ang matabil o kahit makulit dahil madali itong mapansin gaya ni Sharleen ng Going Bulilit at ni Sam Bumatay ng Child Starstruck. Ang mga tahimik o tameme na child actors ay mananatiling sa tabi lamang dahil tiyak na hindi sila mapapansin ng director o producer. Sa nalalapit na anniversary ni Manilyn Reynes ay nalathala na naman ang kanyang pagsisimula. Galing sa Cebu, talagang lakas ng loob (bukod sa talent) ang puhunan ni Manilyn dahil pinakanta raw siya ni Mother Lily sa ibabaw ng mesa!

Sa mga adult stars noong ay malaking bagay ang husay sa pag-arte lalo na sa drama. Perennial best grosser sa drama ang triumvirate nina Eddie Rodriguez, Lolita Rodriguez at Marlene Dauden. Kahit anong lakas ng bagyo ay tiyak na puno ang sinehan kung first day ng movie ng tatlong dramatic stars na yan. Hindi nga ba’t sa drama nagpatubo ng sungay ng tagumpay si Eddie Garcia? Dati siyang kontrabida at kung kelan tumanda ay saka naging bida.

Yan ang kaibahan sa mga action stars. Kung titingnan maigi ay naiiba ang simula ng mga action stars. Maraming sumubok na wala namang nangyari pero sa mga nagtagumpay ay parang alam mo nang sisikat sila sa umpisa pa lamang. Si Jinggoy at Bong Revilla ay magaan ang pagpasok dahil bukod sa puhunan ng kanilang mga ama ay meron ding silang mukha para sa camera at talent na ipakikita. Si Ramon Zamora ay nag-umpisa bilang comedian samantalang si Monsour Del Rosario ay ginawang hagdan ang pagiging champion sa tae-kwon-do at si Rudy Fernandez ay dating matinee idol. Si Ramon, na kailan lang ang sumakabilang buhay na, ay mas sikat pa rin sa pagiging comedian kaysa sa pagiging martial arts action star. Si Monsour ay hindi naman masasabing big action star.

Ayon sa opinion ng isang character actor, mas tatagal raw ang artista kung marunong makisama sa mga tao. Bukod sa producer at director, malaki rin ang role ng staff at crew pagdating sa recommendation sa casting dahil may mga casting directors na kumukunsulta sa kanilang mga tauhan. Importante nga naman ang good attitude lalo na yung mga pasaway na artistang laging late sa pagdating sa set. Dyan puring-puri si Robin Padilla. Kahit sinong production crew at staff ang tanungin, walang masasabing masama kay Robin. Bukod sa charisma ay may good vibes talaga si Robin.

Halos wala na tayong mahusay na comedian ngayon at parang nasolo na ni Vic Sotto ang mga festival. Puwede na siyang tawaging king of festival movies dahil laging siya na lang ang top grosser tuwing MMFF (although last year ay second top grosser lang ang Enteng Kabisote 3). Very durable pa rin si Dolphy pero hindi na kasing tindi ni Vic ang kanyang hatak sa moviegoers. Ika nga ay pinaglipasan na ng panahon si Dolphy lalo na nang isa-isang mamatay ang kanyang mga contemporaries na sina Panchito, Bayani Casimiro, Teroy De Guzman at ang pinakahuli ay si Babalu. Si Joey De Leon ay may natural comedic talent and he has lots of charisma kaya lang ay sa TV naka-concentrate si Joey. Ang kanyang recent brush with intrigue sa kalabang noontime show ay maituturing na blockbuster kung dinaan sa rating sa pelikula.

Sa mga sexy actress naman ay kahanga-hanga ang staying power ni Rosanna Roces. Galing sa isang sexy bar, sumikat si Osang sa mga bold movies. Pero dahil talagang may angking talento kaya unti-unti ay nakapag-shift siya sa drama at later ay sa comedy. Pati nga hosting ay pinasok na rin ni Osang at masasabing mahusay naman siyang mag-host. Marami ang nakakapansin na magaling mag-handle ng intriga si Osang at lalong mas magaling siyang gumawa ng intriga para siya ay mapansin. Yan ang isang bankability ni Osang sa movies. Malayo ang comparison kung titingnan ang mga tulad ni Criselda Volks at Keanna Reeves. Obvious na press release lang ang suicide attempt ni Criselda na wala yatang pumatol. Obvious din na papansin ang mga pronouncements ni Keanna about her so-called one-night-stand kung kani-kaninong actors. Ka-cheapan ang tawag dyan ng mga bading na movie reporters.

Si Amy Austria na walang matatawag na charisma ngunit umaapaw sa talent ay hindi inaasahang sisikat. Sa pagiging mild bold star na kasabayan ni Ruby Anna, nakapag-shift si Amy na tulad ni Osang. Ilang awards pa nga ang napanalunan ni Amy samanatalang ang kanyang dating best friend na si Ruby Anna ay naglaho na at nabaon na sa limot. Ganyan din ang kapalaran ni Sylvia Sanchez at Rufa Mae Quinto. Mula sa pagiging bold star ay nakalipat sa drama si Sylvia ngunit hindi niya na-sustain ang pacing hanggang siya na mismo ang mag-lie low (lalo na nang makapag-asawa siya). Si Rufa Mae Quinto ang isa pang most successful sa mga bold stars. Napakaganda ng career shift niya dahil kahit considered sexy star siya ay halos limot na ng tao ang pagiging bold star niya. At mas lalong kilala si Rufa Mae ngayon sa pagiging comedian na nasa star level. Her latest movie Apat Dapat, Dapat Apat together with Candy Pangilinan, Eugene Domingo and Pokwang, si Rufa Mae ang inaasahang magdadala ng pelikula.

In summary, ang x-factor pa rin ang masasabing biggest reason sa pagsikat ng isang artista. Katulad sa movies, walang formula na puwedeng gamitin at walang assurance o walang guarantee na sisikat ang isang artista. Pero syempre, importante pa rin ang talent at husay sa pakikisama. Sana ay alam yan ng mga baguhang artista natin.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com