Oct 09
GROWING AND GLOWING INDIE by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Wed, Oct 9, 2013

The local movie industry is once again on the rise. Thanks to the digital technology that paved the way for digital movies.

From time to time, people ask kung ano ang kaibahan ng mainstream sa indie. Well, to start with, there’s actually no difference anymore. Pero sa unang pagpasok ng digital camera sa eksena ay kitang-kita ang demarcation line.

In the advent of the digital camera, ang trademark ng mainstream ay film habang ang indie ay digital video. Another distinguishing factor is the budget. Normal sa indie ang low budget at normal din sa mainstream ang high budget.

Ang mga big studios like Regal, Star Cinema, Viva Films, atbp ang mga stalwarts ng mainstream. Kapansin-pansin na ang mga established studios na ito ang mga regular na participants ng Metro Manila Film Festival.

Bago umalagwa ang digital camera ay film projector ang gamit ng mga theaters. That means ang movie ay dapat na nasa film (medium) para maipalabas sa mga sinehan. Ang requirement ng projector ang main reason kung bakit nahirapang mag-take off ang indie.

Pero sa pagdagsa ng digital camera, lalo na sa mga improved version na HD (high definition) capabilities, ay naging competitive ang digital movies. Dahil mas convenient ang digital kaya nakalalamang ito sa shooting.

Halos napapantayan na ng digital HD video ang quality ng film. At ang rekusitos sa projector ay hindi problema dahil nagkaroon na ng kinescoping – ang pagko-convert ng digital video sa film format and medium.


The High Definition digital camera

Ayon sa mga film directors na nag-shift sa digital camera, malaking katipiran ang mag-shoot sa digital kesa sa film. Ang film ay sinusukat sa footage, meaning bawat shot ay may gastos samantalang ang digital ay storage lang ang gamit na puwedeng i-reuse.

A movie shot with a digital camera can easily be converted to film for a million pesos. At kapag nasa film na ito ay puwede nang ipalabas sa mga sinehan. Ilang indie movies na kalahok sa MMFF festival ang dumaan sa ganyang proseso.

But the advancing technology cannot be denied. Robinsons and SM cinema installed digital projectors in one of their theaters. Ang mga nasabing digital projectors ang naging experimental laboratory ng mga indie movies.

Dahil sa nasabing venue (digital projectors) ay lalong na-encourage ang mga indie moviemakers. Malaki na kasi ang pag-asang makabawi sa puhunan dahil may dedicated theater na ang mga digital movies.

One negative aspect in the proliferation of digital movies is the penchant of digital movie makers to make gay and sex films. Ganito ang nagiging trademark ng digital movie sa mga moviegoers.

As the years pass, parami nang parami ang output ng indie at lately ay di hamak na mas marami na ang indie movies kaysa sa mainstream. But it is confusing nowadays to identify what an indie is versus mainstream.

Here is a partial list of gross for the year 2012 from dalebar.com

1. The Mistress $6,362,114 (P260, 846,674)
2. This Guy’s in Love with U Mare $6,082,709 (P249,391,069)
3. ÜnOfficially Yours $3,704,457 (P151,882,737)
4. Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme $3,204,780 (P131,395,980)
5. A Secret Affair $2,875,137 (P117,880,617)
6. The Healing $2,465,876 (P101,100,916)
7. Tiktik: The Aswang Chronicles $2,035,311 (P83,447,751)
8. 24/7 in Love $1,837,164 (P75,323,724)
9. The Reunion $1,620,761 (P66, 451, 201)
10. Moron 5 and the Crying Lady $1,521,892 (P62,397,572)
11. Born To Love You $1,244,766 (P51,035,406)
12. Corazon: Ang Unang Aswang $1,212,269 (P49,703,029)
13. Every Breath U Take $1,158,457 (P47,496,737)
14. Suddenly It’s Magic $1,145,856 (P46,980,096)
15. D’Kilabots Pogi Brothers Weh?!? $867,971 (P35,586,811)
16. The Mommy Returns $701,389 (P28, 756, 949)
17. Amorosa $608,173 (P24,935,093)
18. Boy Pick-Up: The Movie $607,200 (P24, 895, 200)
19. A Mother’s Story $574,764 (P23, 565, 324)
20. Of All the Things $542,932 (P22,260,212))
21. My Cactus Heart $542,331 (P22, 235, 571)
22. I Do Bidoo Bidoo: Heto nApo sila! $310,020 (P12, 710, 820)
23. My Kontrabida Girl $305, 718 (P12, 534, 438)

The leading earner in the indie category is Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme while The Mistress is the highest earner in the mainstream. Eugene Domingo plays a dual role in Kimmy Dora while The Mistress has Bea Alonzo and John Lloyd Cruz.

A surprising entry in the indie category for 2012 is El Presidente of Scenema Concept International by ER Ejercito. Alam naman ng lahat na ang budget ng nasabing entry sa 2012 MMFF ay hindi kukulangin sa 100 million pesos.

Based on the list of geotayo.com, there were 24 mainstream and 85 indie movies produced and exhibited in Philippine theaters in 2012.

The distinguishing line that separates the indie from the mainstream is constantly changing. From the big studios versus the independent studios and high budget versus low budget, it’s now an even footing for both types.

Big studios are now producing indie movies. All movies in the local movie industry are now shot in digital format and the film as a medium is going extinct. For a vigorous movie industry, the marriage of mainstream and indie movies seem beneficial.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/