Sep 21
TEASING VS CHEATING by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 21, 2007

Ang sinasabing pagkakamali sa bagong palaro sa Wowowee ay pinagmulan ng malaking usapin na inumpisahan ni Joey de Leon at ngayon ay nagbabadyang magsangkot sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno pati na ang Senado. In other words, maraming gustong makisawsaw sa mainit na issue. Mabuti pa ang MTRCB dahil agad namang tumanggi si Chairman Consoliza Laguardia na mag-investigate dahil hindi raw nila jurisdiction ang ganyang kaso.

Ang Wilyonaryo ay bagong palaro na ubrang magbigay ng 2 milyong piso sa masuwerteng contestant. Patterned after sa dating Pera O Bayong, matapos pumili ng gulong ang contestant ay dadaan ito sa tawaran. Sa nasabing insidente noong August 20 ay tinanggap ng contestant ang tawad ni Willie na 100,000 kaya doon natapos ang labanan. Bilang pangwakas ay marapat lang na ipakita ni Willie kung saang gulong naroon ang jackpot na 2 milyon. Ang violet na gulong ang naglalaman ng jackpot, ayon kay Willie, ngunit nang buksan nya ito ay zero ang laman.

“Violet, two million. Violet ang two million,” ang sabi ni Willie habang inuumpisahang buksan ang nasabing gulong na kulay violet. At sa paghatak ni Willie ng takip ay lumitaw ang zero, sabay bulalas ng female co-host niya, “Ayun, walang laman.” Natatawang sabi ni Willie, “Mali, mali… sandali. Ang two million…” Kaya inulit ni Willie ang paghatak para lumabas ang ikalawang numero na dapat 2 milyon na nga. Kaso ay zero pa rin ang lumitaw. “Eto pala,” nahihiyang pahayag ni Willie na sinundan pa ng co-host niya ng “Ayun, hawak ni Papi.”

Sa best-selling video ng www.youtube.com ay malinaw na makikita ang pagkakamali ng Wilyonaryo segment ng Wowowee noong araw na yun. Lumilitaw na ang violet na gulong ay may lamang 2 numero, isa ang two million at isa ang zero.

Itong insidenteng ito siguro ang ginawang basehan ni Joey de Leon sa kanyang mga parinig at pasaring. “Pandaraya” ang tema ng parinig ni Joey at walang duda na patungkol iyun sa kalabang show na Wowowee ng Eat Bulaga. Ang nasabing 2 noontime shows ay palaging pukpukan sa ratings at lately ay madalas na nakakaangat daw ang Wowowee.

Makalipas ang ilang araw na panunukso ni Joey de Leon ay nag-react na rin si Willie at sa mismong Wowowee nya ginawa ang kanyang drama. “Hindi po ako nandadaya. Kung naniniwala kayo na nandaya ako, iwanan nyo po ako, iwanan nyo po kami dito.” Sa pag-iyak ni Willie ay nag-iyakan na rin ang mga audience pati na ang mga dancers, ganun din ang kanyang co-hosts na sina Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

At deretsahang kinausap ni Willie si Joey de Leon, “Ikaw na ang bida, ikaw na ang number one, sa iyo na ang ratings, ikaw na! Sige, Eat Bulaga na ang number one! Ako, nagsimula ako sa Channel 7, wala akong sinabi ni isang masamang salita sa Channel 7 kaya malaki ang utang na loob ko sa Channel 7, dyan ako nagsimula. Sana, Joey, katulad ko na nagsisimula, katulad ko na humahanga sa iyo, ginagabayan mo.”

Medyo mahaba ang litanya ni Willie at sinamantala niya ang pagkakataon para ipaalam sa audience ang nasa kalooban nya. “Kahit may sakit ako, kahit kung anu-ano nararamdaman ko eh pinipilit kong tumayo para sa inyo. Sa mga may sakit kahit off cam ay tumutulong pa rin kami.”

At sa pagbabalik salita ni Willie kay Joey, “Joey, huwag mo sanang paglaruan ang pagkatao ko. Dapat nga ay nagsisilbi kang gabay at nagbibigay ng tip sa mga baguhan na katulad ko. Kayo ay institusyon na. Ang Eat Bulaga, institusyon na.”

At bilang pangwakas ay may binitawang banta si Willie. “Mr. Joey de Leon, nirerespeto pa rin kita. Huwag mo lang hintayin na mawala ang respeto ko sa iyo.” May pahabol pa si Willie na siya raw ay harrassment lang ang kaso pero si Joey ay… hindi na niya naituloy.

Hindi naglipat ng araw at nagbigay na rin ng paliwanag ang ABS-CBN sa pamamagitan ng interview kay Cory Vidanes. Ang nangyari raw ay isang technical glitch. May mali raw sa pagkakagawa ng props at ang pangyayari ay hindi sinasadya. Lalong walang intention na mandaya.

Narito naman ang excerpt ng written explanation na padala ni Bong Osorio. “We launched a new game segment in Wowowee entitled Wilyonaryo. On the second day of its launch, we discovered a design flaw. There were two numbers in the same wheel, which became subject to questioning. On the next day, we corrected the flaw. While the design of the game may be flawed, we have no intention to manipulate results but rather to add excitement and suspense.”

As expected, hindi padadaig si Joey de Leon. “Explain before you complain! Ako ay nagsasalita hindi para sa akin kundi para sa milyon-milyong masang Pilipino na nagtatanong ng bakit kaya dapat ay magpaliwanag ka, Kaibigan. Ano ang nangyari?” Cool si Joey sa kanyang pagsasalita at halatang pinag-aralang mabuti ang kanyang mga isasagot sa pagda-drama ni Willie.

“Kung meron kaming sinasabi dito sa aming program (Eat Bulaga), ito ay para sa mga nanonood sa amin. Alam namin ang hirap ng mga audience para makapasok at manood ng aming programa. Alam din namin ang hirap na pinagdadaanan para makasali sa contest. Kaya dito sa programa namin, sinisigurado namin na malinis, walang hokus pokus at parehas ang laban ng bawat contestant na sumasali.” Syempre, lilitaw at lilitaw ang typical Joey de Leon na magaling mang-asar. “Dapat matuto kang umiyak nang may luha. Ang mahirap nyan, ang susunod na lalabas ay si Joey ang unang nagpaiyak ng dugo.” Ayon sa observation, panay daw ang kusot ni Willie sa kanyang mata na para bang pinipilit na mapuwing para maluha.

At bilang sagot sa personal na atake ni Willie, “Ang tanong ng mga tao ay bakit may dobleng numero sa isang gulong? Iyun ang sagutin mo. Hindi tungkol sa akin ang issue. Kaya sa senado, imbes na Hello Garci, bakit hindi unahin muna ang Hello Papi?” Papi ang pet name ni Willie sa kanyang mga close friends.

Isang araw na nawala si Willie Revillame sa Wowowee at ang nag-substitute host ay si John Lloyd Cruz. Ang akala ng mga tao ay isang linggong mawawala si Willie at meron pang iba na ang inakala ay tuluyan nang tinanggal bilang host ng Wowowee si Willie. Ngunit sa bilang pagbalik ni Willie sa kanyang show ay nagulat ang lahat sa pag-apologize niya kay Joey. Dinaan pa ni Willie sa pagkanta ang paghingi niya ng tawad kay Joey de Leon. Hindi naman nag-comment si Joey sa puntong ito although may mga conditions siyang binitawan bago raw niya mapatawad si Willie.

Kaalinsabay ng pakikipagbati ni Willie ang kanyang paliwanag tungkol sa pagkakamali sa Wilyonaryo portion. Talaga raw may 2 numero bawat gulong upang maipakita ang zero habang nagtatawaran pa. Lumalabas na ang bawat gulong ay may zero at 2.

Eto ang tanong ng mga nakasunod sa mga pangyayari. Noong nagbigay ng official statement ang ABS-CBN, sinabi nilang may technical glitch at later ay naging design flaw. Inamin nila na may mali sa pagkakagawa ng props na gulong. At sa paliwanag naman ni Willie ay lumilitaw na wala namang problema ang props dahil lahat pala ng gulong ay may 2 numero talaga.

Ano ba talaga, Kuya?

- – - – - –
Narito po ang maikling interview sa isa naming co-writer tungkol sa pangyayari.

In fairness to Willie, I don’t think na meron siyang intention na mandaya. First, Wowowee thrives only on the prizes and the show sells (in the ratings) regardless of who is hosting. Besides, hindi naman pera ni Willie ang ipinamimigay nya, di ba?

On the other hand, trying hard si Willie na magkaroon ng image na matulungin. It is very obvious that Wowowee is just capitalizing on the masa, the poverty. Look at their contestants who almost always lack decency so as to emphasize their poverty. And to be objective, Wowowee is not a variety show like Eat Bulaga, it is a mere game show. In fairness to Joey, ang issue ay hindi ang mga personal nilang buhay. And everyone should realize that Wowowee is a direct competition of Eat Bulaga so ano ang sense ng sinasabi ni Willie na dapat gabayan ang mga baguhang host na katulad nya? It is plain stupidity to help your rival, di ba?

And to top it all, Willie and anyone who may cross the path of Joey de Leon should learn a lesson or two in this issue. Don’t mess with a genius like Joey. Here’s Joey’s latest pronouncement. “Mayabang talaga yang si Willie. Sinabi ko lang na may mandaraya eh agad siyang nagsalita at siya raw yun. Aba, siya lang ba ang puwedeng mandaya?”

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.