Jun 19
BOX OFFICE FORMULA by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jun 19, 2013

The film, movie, or motion picture has a peculiarity when it comes to its creation. The producer, who is actually the financier, should have the greater authority but most of the times it is the director who commands the show.

The movie is peculiar because it is both a business and an art. Dahil malaki ang gastos sa paggawa ng movie kaya hindi kahit sino ay nakakagawa nito kahit sa panahon ngayon ng digital at mga indie films.

Ang malalaking production ay namumuhunan ng hanggang 30 million pesos o higit pa na gaya ng El Presidente ay lumagpas daw ng 100 million ang budget. May mga indie movies naman na 300,000 pesos lang ay nakakaraos na.

Kadalasang dahilan kung bakit lumalaki ang budget ay dahil sa artistic value ng pelikula. Lalo na kung mga period film o fantasy na nangangailangan ng kakaibang costumes at props obvious naman talaga ang magiging gastos.

Sa mga pre-production meetings makikita ang pagtatagisan ng art at business side ng movie. The creative people are focusing on the aesthetics while the financier is monitoring and controlling the figures of the budget.

May mga instances na hindi natutuloy ang isang movie project dahil na rin sa budgetary disagreements. Sa concept stage ay 1 million ang pinag-uusapan pero kapag nasa pre-production na at may casting na ay saka lilitaw ang totoong mga numero.

One factor causing the cancellation of a movie project is the ROI – return on investment. Gusto ng financier ang garantiya na kung hindi man kumita ay maibabalik ang kanyang puhunan. At dahil walang katiyakan kaya aatras na lang ang producer.

To make the story short, movie production requires money and talent. Yan ang role ng producer at director and his creative staff that includes the scriptwriter, cameraman, production designer at iba pang production people.

Noong araw na nagsunod-sunod ang box office hit ng Regal – dahil sa kasikatan ng Regal babies – madalas tanungin si Mother Lily kung ano ang formula niya. Kaya formula movie ang tawag kapag very popular ang casting.

Pero aminado ang lahat ng producers na walang formula para ang isang pelikula ay siguradong kumita. Ganyan din ang opinion ng lahat ng producers sa ibang bansa pati na sa Hollywood.

Now comes the script doctor. Hindi ito ang ordinary script doctor na nag-aayos ng script for enhancement and to maintain the continuity. This modern script doctor is actually a project analyst to assure the ROI – return on investment – of a movie project.

These script doctors use algorithms similar to those employed in analyzing politics and marketing especially of musical products. At ngayon ay nasa laboratory na rin ang mga scripts upang siguruhin na kikita ito kapag naging pelikula at naipalabas sa mga sinehan.

Take for instance Yakman, a movie that starred Leo Martinez. The sex comedy movie should have been a hit considering the track record of the Batangueno in green humor. But Yakman failed miserably in the box office.

If a script doctor would handle the movie Yakman, perhaps he would tweak the flow of the story and the timing of the gags. By the way, this script doctoring is being pioneered by Vinny Bruzzese, a professor in the State University of New York in Long Islands.

Dahil isang statistician kaya naisip ni Bruzzese na pasukin ang evaluation ng script bago pa ito sumalang sa production. Up to $20,000 ang singil ni Bruzzese gamit ang kanyang company na Worldwide Motion Picture Group.

The method used by Bruzzese is anchored on a database which is actually a collection of movie genre sets and surveys of moviegoers. Obviously, ginagamit ng statistician ang mga statistics para mag-predict ng magiging direction ng isang potential movie.

Ang ilan sa mga tips ni Bruzzese ay ang paggamit ng mga eksenang laos gaya ng bowling sa hollywood o ang unpopular superhero. Mas mabenta raw ang isang superhero kapag may alalay lalo na kung ito ang magpo-provide ng comic relief.

Expectedly, hindi nagugustuhan ng mga scriptwriters ang pagpasok ng script doctors sa eksena. Sabi ng isang Hollywood scriptwriter, “it is the enemy of creativity.” Parang recycling lang daw ang mangyayari sa mga pelikulang dumaan sa script doctors.

However, producers and production executives largely believe in script doctoring. In fact, WMPG (Worldwide Motion Picture Group) has been working currently on 100 scripts. Isa sa matagumpay nilang produkto ay ang Oz The Great And Powerful na kumita ng $484 million.


WMPG CEO Vinny Bruzzese and Miriam Brin, head of Script Analysis (photo from NY Times)

Katulad ng mga advertising at marketing firms, ang WMPG ay may audience research. Halimbawa, ano ba ang gusto ng mga moviegoers ngayon? Nakatuon rin sila sa trends lalo na sa mga bagong uso sa internet.

Pero ang guesswork ay dominant ingredient pa rin ng script doctoring dahil sa questionable accuracy ng mga surveys. Sabi ng isang veteran scriptwriter, baka maging mas accurate pa kung kunsultahin na lang si Madam Auring.

If ever na magkaroon ng script doctor dito sa Pilipinas, I’m sure Mother Lily would be the first client. Hindi ba’t Feng Shui ang ginagamit ng ilang producers para sa ika-tatagumpay sa box office ng kanilang movie projects?

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/