Jun 10
THE HORROR OF HUMOR by Mon Nepomuceno Orbeta  |  Posted in Articles  |  on Mon, Jun 10, 2013

Aminin natin, na kahit pa batid natin ang tutoo, masakit pa rin na makarinig tayo ng pintas. Kahit alam mong pangit ka, pilay, mataba o ano pa mang depekto na meron ka, masakit na marinig iyon mula sa iba at pintasan ka. Maaaring maitatago mo ang sakit mula sa labas, pero may kurot lagi ang pamimintas sa kasuluk-sulukan ng puso mo.

Bakit nga ba hinayaan natin na maglipana sa telebisyon at pelikula ang mga komedyanteng imbes na pasayahin tayo through creativeness ay ginagamit ang panlalait sa ibang tao upang magpatawa? Sukatan na nga ba ito kung gaano ka-“game” ang Pinoy o kung gaano ka-pikon?

Noong May 17, 2013 ay nagkaroon ng comedy-concert ang komedyanteng si Vice Ganda na pinamagatang “I-Vice Ganda Mo Ako” at hindi maitatangging kumita ito nang husto sa dami ng mga nanood.

Ngunit sa nasabing palabas ay may isang bahagi kung saan maraming tao ang nag-react sa isang pagbibiro na tumalakay sa “katabaan” at “rape” ng isang babae. Kung tutuusin ay isa lamang ang bahaging ito sa maraming biro ni Vice Ganda ng gabing iyon kung saan ay isinama niya sa kanyang line-up ng “babanatan ng biro” sina Ms. Kris Aquino, Mr. Boy Abunda, Senator Grace Poe, Senator Nancy Binay at marami pang iba.

Ngunit sa nasabi ngang portion ng comedy act, ang naging “sentro” ay si Ms. Jessica Soho ng GMA7 News and Public affairs, kung saan inilarawan sa isang “surreal” si Ms. Soho na rape victim. Sa joke ni Vice Ganda ay sinabi niyang kailangan ay Gang Rape at sisigaw ang rapist ng “Ipasok ang litson!”. (Scene from the I-Vice Ganda mo ako Concert http://www.youtube.com/watch?v=hZ_IWCo-PAc )

Tulad ng inaasahan, nasaktan nga ang batikang journalist sa paggamit sa kanya bilang sentro ng joke, ngunit mas higit siyang na-alarma sa paggamit ng “rape” upang makapagpatawa lamang. Sinabi niyang kailanman ay hindi dapat gawing katatawanan ang “Rape.” (Link to Ms. Jessica Soho’s statement regarding rape: https://www.facebook.com/photo.php?v=130512753815084&set=vb.495663250452798&type=2&theater )

Nakakatakot! Ganito na ba ang uri ng pagpapatawa sa Pilipinas? Ganito na ba ang mga komedyanteng hahangaan ng mga kabataan? Maaaring nakakatawa kung ibang tao ang binabato o pinupukol ng pintas at sinasabihan ng kung anu-anong kahalayan, pero paano kung ikaw na ang nilalait sa harap ng ibang mga tao? Sa harap ng maraming mga tao? Ang uri ng ganyang pagpapatawa ay ginagawa lamang sa mga comedy bars.

Naalala ko nga, noong una akong pumasok sa isang comedy bar ( My previous article regarding comedy bars http://filmacademyphil.org/?p=2026 ) ay nanliliit ako habang ginigisa ang isang customer base sa kanyang mga kapintasan na pisikal. Mula noon tuwing may mag-iimbita sa akin sa comedy bar ay sinisigurado kong nakaupo malayo sa mga emcees.

Ngunit sa comedy bar, mararamdaman mo na ang mga emcee ay nangingilag pa din magbato ng jokes kapag alam nilang di “game” or “very respectable” ang isang tao na babanatan nila. Kaya nga ganun na lang ang pagtataka ko kung bakit tila napakadali kay Vice Ganda na gamitin sina Ms. Jessica Soho, Senator Grace Poe and Senator Nancy Binay bilang mga bida sa kanyang mga comedy acts, on National TV pa!

Someone in the social media said “People are over-reacting to this issue! No need to say “sorry” for it wasn’t intentional and it’s just a joke! Besides, our country has more important issues to talk about!” and I replied to him in this manner.

“Vice Ganda’s apology is necessary so that people especially those who adore him and idolize him may know that it will never be RIGHT to hurt other feelings (whether intentional or unintentional) even “just for the sake of fun.”. Physical imperfections and shortcomings should not be used as materials for jokes especially if you are in-front of an audience.

We should respect all our women, especially the extra-ordinary women who help in molding better society such as senators and broadcasters.

It is normal to react for Vice has crossed his limit and boundaries as an artist/ comedian. And in this way, Vice and other comedians will learn the lesson and prevent from doing the same mistakes in the future.

Yes, we may have other more important issues, so we must all do our part to use the social media to let the people involved in these “other issues” that WE know, and that WE will always REACT to reform them!

On the positive note, It’s fortunate that we have an MTRCB that is sensitive to act right away with regards to this kind of issue. According to their tweet “The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) has called the attention of Vice Ganda’s home network ABS-CBN, expressing “concern over the migration of comedy bar humor to TV” .

According to MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal, they sent letters to Major TV Networks- ABS-CBN, GMA 7 and TV5 to express the agency’s concern. He further said “Kung meron tayong freedom, meron tayong responsibility. Kailangan po balansehin natin ito dahil kapag tayo po ay nasa tapat ng isang audience, whether mass media, sa telebsiyon, o live, meron tayong mga sensibilities na maaapektuhan.”

In fairness to Vice Ganda, according to him, he tried to call personally Ms. Jessica Soho to apologize, but unfortunately he wasn’t successful in doing so, since Ms. Soho on the set of the call informed him that she’s not feeling well (obviously still in pain inflicted by Vice Ganda’s Joke).

So, in his noontime show “ShowTime”, Vice Ganda expressed his apology to Ms. Jessica Soho and to all people whom according to him, could possibly have been hurt unintentionally by his comedy acts.

Tama, ang paghingi ng paumanhin o ang pagsasabi ng “Sorry” ang pinakamaliit na bagay na magagawa na lamang after the damage has been done. Ngunit ang sakit at sugat sa puso na naidulot na ng mga pagbibiro, masasakit na pananalita ay walang katiyakan kung kailan maghihilom at mawawala.

According to Christian teachings “Once a word is spoken it cannot be taken back. That is why it is so very important to make sure what comes out of the mouth truly reflects what is in the heart.”

Sana nga, mabalik na ang style ng mga komedyante na “nakakapagpatawa nang walang sinasaktan na damdamin ng iba”.Marami pa rin namang mahuhusay na komedyante tulad nila Willie Nepomuceno, Jon Santos at iba pa na sarili nila ang ginagawang katawa-tawa at nakakapagpasaya sila ng tao, di gaya ng style ng mga baguhang sumisikat na ginagawang katawa-tawa ang ibang tao upang magpatawa. E paano kung “nakakatawa nga sa iba, nakakasakit naman sa iba”?

Noong araw, mga batang maliliit lang ang nanunukso at pinagtatawanan ang kapwa nila, kaya pinagsasabihan sila at pinapalo sa puwet… ngayon nasa comedy bars, telebisyon at BIG DOME na sila!


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/