Dec 22
MMFF FORECAST by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 22, 2004

Ayon sa scientific method na ginamit namin sa pagbalangkas sa nalalapit na Metro Manila Filmfest ay mahigpitan ang magiging tunggalian ng 8 pelikula – AISHITE IMASU, ENTENG KABISOTE, HAPPY TOGETHER, LASTIKMAN, MANO PO 3, PANAGHOY SA SUBA, SIGAW, SPIRIT OF THE GLASS.

Una sa lahat, dapat sigurong bigyan ng special citation ang PANAGHOY SA SUBA ni Cesar Montano. It is a novelty of some kind, wika ng Editor namin. First time ito na Bisaya ang dialogue at merong sub-title na English. Sa hilatsa pa lang ay pang-international film festival na agad ang dating.

Mga observations muna. Homosexuality ang focus ng HAPPY TOGETHER ni Eric Quizon at Kris Aquino. Homosexuality rin ang focus ng AISHITE IMASU ni Judy Ann Santos at Raymart Santiago. Is it a coincidence na pareho ang director, pareho ang scriptwriter at pareho rin ang producer ng 2 movies na nasabi? World war 2 ang setting ng AISHITE IMASU, ganun din ang PANAGHOY SA SUBA.

Nakakatuwa rin na may SIGAW starring Richard Gutierrez and Angel Locsin. Tapos may BULONG with Rica Peralejo, Marvin Agustin and Dingdong Dantes. Bulong is re-titled SPIRIT OF THE GLASS. Suspense horror ang SPIRIT OF THE GLASS, suspense thriller naman ang SIGAW. Something noteworthy rin ang LASTIKMAN ni Mark Bautista at ENTENG KABISOTE ni Vic Sotto. Si Vic ang gumanap ng unang Lastikman.

Very prominent ang appearance ng mga uprising young stars. Lastikman boasts of Sarah Geronimo and Mark Bautista. HAPPY TOGETHER has Rainier Castillo and Yasmien Kurdi. SIGAW has Richard Gutierrez and Angel Locsin. MANO PO 3 has Carlo Aquino, John Pratts, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Dennis Trillo, Karylle, Patrick Garcia. AISHITE IMASU has Yasmien Kurdi (again), Iya Villania and Marco Alcaraz.

Wala kaming itulak-kabigin kay Cesar Montano ng PANAGHOY SA SUBA at Christopher De Leon ng MANO PO 3 kapag traditional drama ang usapan. Pero very challenging din ang role ni Eric Quizon sa HAPPY TOGETHER kaya don’t be surprised kung ma-snatch ng anak ni Dolphy ang Best Actor trophy.

Sa best actress naman, nandiyan pa rin si Vilma Santos ng MANO PO 3 at si Judy Ann Santos ng AISHITE IMASU 1941. Labanan ng mga Santos pero dark horse si Juliana Palermo ng PANAGHOY SA SUBA. Personally for me, si Judy Ann ang mag-uuwi ng tropeo.

Sa best picture ay dikdikan ang MANO PO 3, PANAGHOY SA SUBA at AISHITE IMASU 1941. According to the writeups, matitindi ang mga istorya nito. Sa sarili kong paningin, kahit hindi si Joel Lamangan ang director ay malaki ang lamang ng Panaghoy Sa Suba. Wartime story din ito at umiikot sa isang ilog ang kuwento. Poetic ang pagkakahabi ng kuwento mula sa script ni Cris Vertido. Mabanggit ko lang, si Cris ang dating character sa commercial na “Oki ngarud sa Dutch cleanser!”

Para sa top grosser, magulo ang labanan. Makikihati ang LASTIKMAN ni Mark Bautista and Sarah Geronimo sa SIGAW ni Richard Gutierrez at Angel Locsin. Meron kasi silang common crowd na mga fans nila although magkaiba ng genre. Comedy ang Lastikman at thriller ang Sigaw. Tapos makikihati pa rin ang Lastikman sa ENTENG KABISOTE ni Vic Sotto dahil common audience din ang genre nilang comedy. But I still think that Enteng Kabisote will land on top although Mano Po 3 may pull a surprise in the box office. Matagal na ring na-miss ng moviegoers si Ate Vi, di ba? At lalo pa nga ang tandem ni Ate Vi at Boyet.

Para sa iba pang awards, medyo hindi na kaya ng powers namin kaya bahala na ang moviegoers na mag-judge. But I’m sure all the entries are good enough to be watched. Kaya nga very proud ang committee ng MMFF dahil 39 scripts ang pinagpilian para makarating sa 8 pelikula. And despite the controversial issue of Mother Lily having 4 entries, tuloy pa rin ang festival dahil ito ang Pamaskong handog ng MMDA sa movie-going public.

Watch MANO PO 3, SIGAW, SPIRIT OF THE GLASS, LASTIKMAN, ENTENG KABISOTE, AISHITE IMASU 1941, HAPPY TOGETHER and PANAGHOY SA SUBA in all Metro Manila theaters starting Dec. 25. Oops, kasali rin daw ang ilang cities sa south gaya ng Cebu, Davao at Pampanga.