May 17
HOW CELEBRITIES FARED IN 2013 ELECTIONS by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 17, 2013

Maraming celebrities ang sumubok sa 2013 midterm elections. Congratulations sa mga pinalad at sana ay wala nang next time para sa mga nabigo.

Naagaw ni Joseph Estrada ang mayoral seat mula sa dating ka-alyadong si Mayor Fred Lim. Si Isko Moreno Domagoso na running mate ni Erap ang nagwaging vice mayor via a landslide over Lou Veloso.


The former president of the Philippines is now the mayor of Manila

Ang nagwaging councilors ay sina Yul Servo sa district 3 at si Robert Ortega ng district 5. Ang dating presidente ng FAMAS na si Col. Jimmy Tiu ay nabigo sa district 6.

Halos walang kalaban si Herbert Bautista sa kanyang reelection for Quezon City mayor. Nagwaging councilors sina Precious Hipolito Castelo at Roderick Paulate sa 2nd district at Anjo Yllana sa district 5.

Ang ilan pang bigo ay si Anthony Castelo, Heber Bartolome at Aileen Papin sa pagiging councilors. Halos landslide naman ang panalo ni Alfred Vargas bilang congressman ng district 5.

Walang nakapansin sa pagkapanalo ni Monsour Del Rosario bilang councilor ng Makati samantalang natalo naman si Darius Razon sa Mandaluyong. Bigo rin si Rey Malonzo na maupong vice mayor ng Caloocan.

Nakangiti si Yoyong Martires sa pagbaba niya mula vice mayor ay councilor na lang ng Pasig. Sa Taguig ay malungkot naman si Ervic Vijandre sa kanyang failed attempt for a councilor seat.

In Parañaque, muling natalo si Joey Marquez sa congress race ng 2nd district. Wagi naman as councilors si Alma Moreno, Jason Webb at Roselle Nava sa district 1. Panalo ring councilor si Ryan Yllana sa district 2.

Sa province of Rizal, masaya si Jestoni Alarcon sa muling pag-upo bilang board member. Sa Bulacan naman ay landslide ang pagkapanalo ng reelectionist na si Daniel Fernando habang natalo naman si Imelda Papin sa congress seat ng San Jose Del Monte.

Hindi magkamayaw ang mga followers ni Vilma Santos sa kanyang proclamation bilang governor ng Batangas. Natalo naman sa labanan ng 2nd district si Christopher De Leon bilang congressman sana.

Mainit ang naging labanan ngunit malaki ang inilamang ni Jolo Revilla sa kanyang kalaban na si Jay Lacson. Panalo rin si Lani Mercado bilang congressman at si Strike Revilla bilang mayor ng Bacoor.

Successful ang reelection ni Laguna governor ER Ejercito aka Jeorge Estregan. Kasama niya sa tagumpay ang asawang si Maita bilang mayor ng Pagsanjan.

Waging congressman si Dan Fernandez sa 1st district, ganun din ang broadcaster na si Sol Aragones sa 3rd district. Interestingly, ang kalaban ni Aragones ay si Evita Arago. Reelected si Angelica Jones sa provincial board samantalang natalo naman si Dennis Padilla sa 3rd district for a board seat.

Sa ugong ng landslide win ni dating president Gloria Arroyo at sa pag-concede ni Fr. Among Ed Panlilio kay Governor Lilia Pineda ay halos hindi na narinig ang pagkatalo ni Jeric Raval bilang vice mayor sana ng Floridablanca.

Hindi matagumpay ang attempt ni Rez Cortez sa 5th district ng Camarines Sur for a congress seat. Nasa bingit ng pagkatalo si Aga Muhlach sa 4th district dahil slightly ahead si Congressman Wimpy Fuentebella.

In Bataan, miserable ang pagkatalo ni Onemig Bondoc sa congress race ng 2nd district. Wagi naman si Teri Onor Dominguez bilang board member. Dating vice mayor ng Abucay si Teri.

Ang saddest story ay ang political career ni Richard Gomez. Natalo siya ni Edward Codilla sa mayoral seat ng Ormoc city. Matatandaang na-disqualified siya sa MAD partylist at natalo sa senatorial race noong 2007. In 2010 ay na-disqualified siya sa congressional race. On the brighter side, si Lucy Torres ay tagumpay sa reelection bid for a congress seat.

Nag-concede na si Annabelle Rama kay Raul Del Mar, ang winning congressman ng Cebu’s 1st district. Malamang na nag-concede na rin si Amay Bisaya sa Bohol dahil 2,000 votes lang ang kanyang nakuha samantalang may 300,000 votes si Gov. Edgar Chatto.

The biggest winner in the recent midterm elections is Grace Poe. Unexpected ang kanyang pagiging number 1 sa senatorial race dahil sa lahat ng surveys ay number 5 lang ang pinakamataas niyang rank.


Grace Poe with MTRCB girls Michelle Rabonza and Diane Sabado

Ang mga taga- movie industry ay naniniwala sa FPJ magic. Dahil sa dami ng kabutihang nagawa ni FPJ ay nagbunga ito ng maganda sa kanyang anak. Naniniwala rin ang karamihan na si FPJ nga ang talagang nanalo noong 2004 presidential elections.

Let’s say a little prayer para sa ikapagtatagumpay ng mga nagwaging celebrities sa kanilang government position. At sana ay huwag nilang kalimutan ang movie industry na kanilang pinanggalingan.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/