Jul 19
REWIND CHIKA (Part 2) by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Thu, Jul 19, 2007

This is a continuation of our internet journey. Mga sari-saring kuwento ang nadaanan natin na isinulat ng iba’t-ibang tao. Mga lumang issues pero masarap pa ring basahin na para bang lumang tabloid ang nasa harapan mo.

REWIND:
Napakalaking issue ang love triangle among these three young stars. Biruin ba namang Drama Princess ang dinale ni Matinee Idol. At matapos magsawa ay biglang lipat sa kabilang kandungan ng singer actress naman. Kung tutuusin ay halos magkaka-age lang naman sila kaya dapat walang problema. Kaya lang ay obvious na binaltak ni singer actress si Matinee Idol. At dahil sa lungkot at paninimdim ay lalong nahulog sa kumunoy ng pag-ibig si Drama Princess. Kawawa naman. Nabuntis ng isang uprising matinee idol at hindi naman pinanindigan.

FAST FORWARD: Nakarma rin siguro si singer actress. Hindi naman sila nagtagal ni Matinee Idol dahil lumitaw agad ang pagiging babaero nito. Nagdusa rin ng husto si singer actress dahil ayaw niyang ipaalam sa kanyang father dear ang nangyayari between her and her husband. Kaso nabuking na rin kaya ayun, mismong si father dear ang kumilos. Palayasin ka ba naman ng isang mayor eh makakapalag ka ba? Habang may buhay ay may pag-asa lalo na sa Quezon City. Isang disenteng lalake ang naging asawa ni singer actress at until now ay maligaya raw sila. Maligaya nga until dumating ang ugong na nakabuntis ng ibang babae si disenteng husband. Hindi nga ba’t matagal nang ugong na kaya pinakasalan ni Disente si singer actress ay para magamit sa kanyang political ambitions? At si Drama Princess nga pala, isang artista ang naging asawa pero nagkahiwalay rin sila. Parang masyadong magulo ang love triangle, ano? In fact, yung dalawang babae na si singer actress at Drama Princess ay hindi pa rin masasabing stable ang lovelife, contrary sa lovelife ni Matinee Idol. After so many girls he loved before, tahimik na namumuhay si Matinee Idol sa ibang bansa.

REWIND:
Hindi naman secret ang pagiging babaero ni Leading Man pero garapal na talaga ang ginagawa niya. Biruin ba namang pagsamahin sa isang bubong ang kanyang number 1 at number 2. Hindi naman masasabing gwapo si Leading Man pero palibhasa nga ay sikat at maraming pera kaya madaling makakuha ng asawa.

FAST FORWARD:
Sakit ang ikinamatay ni Leading Man. Ang nag-alaga sa kanya ay ang kanyang number 1 pa rin. Kelan lang ay umuwi galing sa abroad ang isang anak ni Leading Man na may cancer din. Dati siyang bold star na nakademanda pa dahil sa pag-estafa ng mga alahas. Incidentally, ang nag-demanda sa bold star na anak ni Leading Man ay may cancer din… ang asawa.

REWIND:
Nakakatuwang kuwento lalo na kung totoo. Nag-meet si Bisay at si Tisoy sa province. Dahil sikat na artista si Tisoy, natural lang na ma-in love si Bisay sa kanya. Pagbalik ni Tisoy sa Maynila ay forget na niya si Bisay. Pero ibang klase pala itong babaeng baluktot ang dila. Naku, go siya sa Manila at sinugod si Tisoy pero mailap pa sa hito ang lalake. Masasabing matalino si Bisay. Alam niyang hindi makukuha sa santong paspasan si Tisoy kaya mahabang planning ang ginawa niya. Nag-artista ang bruha para lang mapansin ni Tisoy. Medyo may epek ng konti pero konti lang. Ang mga sumunod na nangyari ay sa santong paspasan din naganap. Nabuntis si Bisay. Nagka-anak. Umalis. Ayun, hindi nakatiis si Tisoy at sinundan si Bisay. Ang ganda ng love story ni Bisay at Tisoy.

FAST FORWARD:
Sa kabila ng dami ng anak sa ibang babae ni Tisoy ay tanggap na siya ni Bisay nang buong-buo. Until now ay very strong ang kanilang marriage unlike the marriage of their unica hija na kelan lang ang na-shatter ang marital status. But in fairness to unica hija, si Bisay raw ang dahilan ng pagkakalugmok ng kanyang lovelife. Eh kung hindi naman dahil kay Bisay, hindi sisikat si Unica Hija at lalong hindi sisikat ang brother ni Unica Hija. Biruin bang si brother daw ang highest paid talent sa kanyang network? Iba talagang tumikada si Bisay, ha?

REWIND: Putok ang balita sa pagkakapanalo sa isang world beauty contest. Aba, talagang binusisi, hindi lang ang vital statistics kundi pati ang sukat ng ilong. At gaya ng inaasahan, hindi nagtagal ay naging artista si Beauty Queen. Sumikat naman si Beauty Queen sa pelikula pero hindi kasing sikat ng mga stars. At para sumikat nang husto? Ayun, naghubad na nga. Wala namang problema sa paghuhubad sa movies dahil natatanggal naman daw sa paligo. Kaso nga eh na-in love si Beauty Queen sa kanyang leading man na macho talaga. At si Macho naman ay mapagbigay kaya ayun na nga ang nangyari. Para tuloy napariwara si Beauty Queen, di ba?. But in fairness kay Macho, enjoy to the max naman daw si Beauty Queen sa kama.

FAST FORWARD: Nakapag-asawa rin later on si Beauty Queen pero mukhang hindi naman naging maligaya kaya nagkahiwalay din sila ng cooking husband niya. Si Macho ay naging busy sa kanyang religion until the time na siya ay pumanaw. Si Beauty Queen ay artista pa rin ngayon at kahit paano ay sikat pa ring matatawag.

REWIND: Isa pang Beauty ang talagang namuro at buminggo. Napakaganda ni Beauty kaya hindi nakakapagtakang maging Beauty Queen siya. Guwardya-sarado si Beauty sa kanyang nanay at lahat ng mga gustong manligaw ay dadaan sa palad ng mother dear ni Beauty. Ilang DOM (dirty old man) na rin ang na-unsyami, ha? Pero ang tawag ng kasikatan ay mahirap tanggihan. Nag-artista si Beauty dahil nasilaw si mother dear sa pera at kasikatan. Aba, sumikat nga si Beauty dahil naging bida at leading lady ng pinakasikat na comedian that time. At kaya sikat si comedian ay hindi lang dahil sa galing sa comedy kundi dahil na rin sa galing sa babae. Ayun, walang kamalay-malay si mother dear. Ayos na ang kasunod.

FAST FORWARD: Mabait naman si comedian kaya hindi tinuluyan si Beauty. At ang talagang tumarget kay Beauty ay isang mayamang pulitiko na pamilyado. Nagkaanak si Beauty sa pulitiko at recognized naman ang kanyang anak na lumaking napakaganda na tulad ni Beauty. Talagang masamang kapalaran, sira rin ang lovelife ng anak ni Beauty. At si Pulitiko? Nakatuntong siya sa napakataas na position, actuallly ikalawa sa pinakamataas. Namatay si Pulitiko some years ago. Si Beauty ay nagtangkang maging senador pero nag-back out sa last moment.

REWIND: Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Soft Voice? Actually wala naman siyang binatbat pero nang mai-partner siya sa nag-iisang greatest singer/actress eh hindi na siya makalimutan ng tao. Hindi biro ang kinita ng kanilang pelikula ni greatest singer/actress na ilang araw lang ginawa. Tipak na tipak ang producer nito kaya kasing-taas na yata ng tore ang kayamanan. Mabait naman si Soft Voice, guwapo, simpatiko at magaling ring kumanta. Pero bigla syang nawala sa limelight.

FAST FORWARD: Wala na sigurong makaalala kay Soft Voice sa ngayon. Drugs ang naging problema niya at hindi lang basta addict. Na-praning siya to the max at hindi na puwedeng lumabas ng bahay. Eh hindi pa naman uso ang rehab nung time niya kaya nakakulong lang siya sa bahay. Ang huling balita ay namatay si Soft Voice nang ganun-ganun na lang.

REWIND: Ang director ni Soft Voice ang naka-discover kay Young Bold Star. Biglang putok ang pangalan dahil maganda ang mukha, maganda ang katawan at willing na maghubad. Aba, bida agad si Young Bold Star. Pero nagdaaan muna siya sa kamay ng walang patawad na director. Ang nakakatawa lang nito, nang lumaon ay naging asawa ni Young Bold Star ang anak ng director.

FAST FORWARD: May double career na rin si Young Bold Star, from the screen to politics. Kahit sabihing talunan siya dati ay nakabangon naman siya ulit. Ewan lang natin kung dala-dala pa rin nya ang walis-tingting niya sa city hall.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com