Jan 03
MMFF 2012 RETROSPECT by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Thu, Jan 3, 2013

In the awards night of the 2012 MMFF (Metro Manila Film Festival) ay lumutang ang 2 issues – 1) ang mga nanalo ng awards at 2) ang placing ng entries ayon sa partial result ng box office returns.

Best Picture – One More Try
Best Actress – Nora Aunor for Thy Womb
Best Actor – Dingdong Dantes for One More Try
Best Supporting Actor – Cesar Montano for El Presidente
Best Supporting Actress – Wilma Doesn’t for Sisterakas

Sa social media gaya ng twitter at facebook ay very prevalent ang mga negative comments. May nagsasabing hindi raw deserving ang mga winners. May nagsasabi rin na dapat daw ay binigyan ng value ang quality ng mga entries.

Pati ang mga jurors ay pinuntirya rin. Bakit daw may bus driver, housewife at student sa panel ng jurors? Yan daw ang isang dahilan kung bakit hindi tama ang pagkakapili sa mga winners ng awards.

At hindi lang sa resulta ng awards ang may issue kundi pati na rin ang resulta ng box office. Eto ang first day figures ng box office:

1. Sisterakas – P39M
2. Si Agimat – P29M
3. One More Try – P13M
4. SRR – P10M
5. The Strangers – P4M
6. El Presidente – P4M
7. Sosy Problems – P3M
8. Thy Womb – P900,000

Marami ang nagtatanong kung bakit hindi nasuportahan ang mga quality films. Parang sinasabi na rin na ang mga namayani sa box office ay wala o mababa ang kalidad.

Related to this ay nag-apela sa media friends si Direk Dante Mendoza. Humihingi siya ng suporta para sa kanyang entry na Thy Womb. Ilang sinehan na kasi ang nag-pull out due to lack of patronage.

Joining the fray was Anthony Taberna of ABS-CBN. Sabi ni Taberna na bakit hindi raw puwersahin ng MMFFP ang mga sinehan na ipalabas ng one week ang mga entries kahit hindi ito kumikita.

Nakisawsaw rin si Direk Tikoy Aguiluz. “This is a festival and the film deserves a full run.” He is referring to the pull out from the theaters of the entry Thy Womb.


Laguna Governor ER Ejercito with wife Pagsanjan mayor Maita Sanchez Ejercito

Ang himutok naman ni Laguna Governor ER Ejercito ay hindi raw parehas ang distribution ng mga theaters. Konti lang daw sinehan ang naibigay sa El Presidente at Thy Womb kaya hindi ito gaanong bumenta.

Ang issue ng theater distribution ay nilinaw ni MMFFP Executive Committee Chairman Francis Tolentino. Via raffle daw ang partihan ng sinehan sa mga entries. Kaya equal ang distribution kung mga participating theaters ang pag-uusapan.

Ang mga lugar na hindi sakop ng festival (gaya ng malalayong probinsya) ay nagpalabas din ng kanilang desired MMFFP entry kaya ang nangyari ay mas marami ang total na sinehan ng mga nangunguna sa box office race.

Movies make an industry simply because it is a business. Ang sinasabi ni Taberna at Aguiluz na hindi dapat alisin ang isang pelikula kahit hindi kumikita ay taliwas sa business sense. Kung sila kaya ang may-ari ng sinehan, gagawin kaya nila ang ganun?

Pagdating naman sa jurors, sino ba ang dapat na maging hurado talaga? Ang mga critics na sinasabing nakakaintindi ng movie as an art o ang mga pangkaraniwang tao na siyang tumatangkilik sa movies natin?

Ang isa pang tanong ay kung bakit naghakot ng trophies sa abroad ang Thy Womb tapos dito ay nilangaw. Masyado bang mababaw ang Filipino moviegoers? O baka sadyang kulang naman sa promotion ang mga MMFFP entries na hindi kumita?

Siguro bukod sa klase ng mga moviegoers ay dapat ding alamin ang dahilan kung bakit nanonood ng sine ang isang moviegoer.

Ang excerpt mula sa isang newspaper… Henry Burgos, accepting his best story trophy for “Thy Womb,” said: “I wish to see changes, even just a little, in the way we Filipinos tell our stories. Let’s continue to support movies that aim to teach and enlighten us.”

Sa tingin siguro ni Mr. Burgos na ang kanyang story ang the best at ang mga box office sellers ay walang lesson at walang enlightening. Hindi naisip ni Mr. Burgos na ang strongest reason for watching a movie is to seek entertainment.

Pagdating sa quality, ang pelikula ay katulad ng isang merchandise. Halimbawa ang relo, may expensive at may cheap pero parehong may market. Ang pelikula ay may malalim at may mababaw at may entertaining. Pare-parehong may market, hindi nga lang magkakasindami dahil obviously mas nakararami ang audience ng entertaining movie.

May kasabihan na the proof of the pudding is in the eating. Kaya kahit anong propaganda ang gawin, kahit anong award ang mapanalunan ng isang pelikula ay hindi rason para panoorin yun. Hindi nila puwedeng isaksak sa mata ng moviegoers ang sa tingin nilang napakagandang pelikula.

I am congratulating the producers, directors and actors of the box office sellers. Mabuhay kayo at maraming salamat for giving the Filipinos pure entertainment.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/