Dec 18
MMFF-P 2012 by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Tue, Dec 18, 2012

The grandest festival of movies is here once again. The MMFF-P (Metro Manila Film Festival-Philippines) of 2012 will commence on December 25 in all Metro Manila theaters and also in some selected provincial areas and cities.

First in the list is El Presidente with lead stars Gov. ER Ejercito, Nora Aunor, Cesar Montano and Cristine Reyes. Ang sabi niGov. ER ay mas malaki ang budget nito kaysa sa P75 million ng kanyang multi-awarded Asiong Salonga, Hari Ng Tondo.

Ayon sa isang interview, ang isang objective daw ng El Presidente ay ang mabigyang linaw ang mga issues na nakapaloob sa history. Dito sa movie ay masasagot ang mga tanong sa controversial issues.

Una ay ang execution ng magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio. Pangalawa ang asssasination ni Gen. Antonio Luna. Nariyan rin ang paglipat ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Kastila papunta sa kamay ng mga Amerikano.

Isa sa top contenders ng box office ay ang Sisterakas which is bannered by box office star Vice Ganda with filmfest box office star Ai-ai De las Alas plus the Queen of all Media Kris Aquino.

Si Vice Ganda at Kris Aquino raw ay co-producers ng Sisterakas. For two years in a row ay naging producer na si Kris Aquino ng festival entry at twice namang second place sa box office earnings ang kanyang movies na Dalaw noong 2010 at Segunda Mano last year.

Vice Ganda is the box office record holder with his Praybeyt Benjamin. Ang nasabing movie lamang ang kumita ng more than P300 million. Ang Tanging Ina naman ni Ai-ai ang may hawak ng unang P200 million earning sa box office.

Wala sa box office race pero sentimental favorite naman ang Thy Womb ni Nora Aunor at Lovi Poe. Nanalo na ito ng tatlong award sa Venice Film Festival—Bisato D’Oro, La Navicella or Venezia Cinema prize at ang P. Nazareno Taddei Award Special Mention.

Take note na indie movie ang Thy Womb with a budget of P2 million (ayon sa submission data ng pre-approved entries). Thy Womb is directed by avant garde director Brillante Mendoza who was best director in Cannes for his film Kinatay.

Octo-Arts, M-Zet productions, Imus Films and APT Entertainment, the perennial box office top grossing co-producers, have come up with a Vic Sotto, Bong Revilla, Judy Ann Santos starrer. Si Agimat, Si Enteng at si Ako. Sa casting pa lamang ay hindi na matatawaran ang budget nito.

Actually si Ai-ai Delas Alas ang naka-lineup na makasama nina Bossing Vic at Senator Bong. Ngunit dahil nailinya naman si Ai-ai sa Sisterakas kaya si Judy Ann ang kinuha nila para sa box office appeal nito.

At dahil fantasy ang Si Agimat, Si Enteng at si Ako, siguradong matindi ang mga digital effects at ang animation nito. Idagdag pa ang bagong child sensation na si Rhyza Mae Dizon, baka sila pa rin ang maging top grosser this year.

The usual fare of horror ang offer ng Shake, Rattle and Roll sa kanilang 14th edition. Directed by Chito Roño, this Regal Entertainment movie is a trilogy with Pamana, Lost Command, at ang Unwanted.

The heavy casting includes Lovi Poe, Janice De Belen, Dennis Trillo, the comebacking QC mayor Herbert Bautista and current heartthrob Paulo Avelino of Walang Hanggan, Martin Escudero of Zombadings at si Vhong Navarro.

The Strangers is another horror suspense thriller with young stars in the cast—Julia Montes, Enchong Dee, Enrique Gil and JM De Guzman. It is produced by Star Cinema in tandem with Quantum Films.

Ang Strangers dito ay hindi ang isang pamilyang naligaw sa rural area. Doon nila makakatagpo ang totoong mga Strangers na magbibigay ng malaking takot sa kanila. Ang nasabing Strangers ay mga asuwang.

In the tradition of Bridal Shower, GMA Films is giving us Sossy Problems. Obviously a cultural movie. Sossy Problems attempts to show the urban life of the rich but not so famous people.

The cast of Sossy Problems is headed by Heart Evangelista, Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Bianca King, Ruffa Gutierrez, Mylene Dizon, Agot Isidro and Cherie Gil. Also in the cast are Aljur Abrenica, Benjamin Alves, Mikael Daez, Roderick Paulate and Robert Arevalo.

One More Try is a drama of a broken family. Dito pipigain ang dramatic prowess nina Angel Locsin, Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Bilang ex-couple, may daring love scene sina Angel at Dingdong.

A mother to a dying son, Angel is willing to do anything para lang mailigtas ang kanyang anak. Angelica is the girlfriend of Dingdong while Zanjoe is the boyfriend of Angel. Another Star Cinema entry, One More Try is directed by Ruel Bayani.

Dahil sa ganda ng mga entries ay tinatayang malalagpasan ang gross last year na P636 million noong 2011. At ang top grosser ay hihigit pa sa tinamong 276 million ng top grosser ng 2011 (Enteng Ng Ina Mo).

Tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino!

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/