Jul 13
REWIND CHIKA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 13, 2007

Sa laki at lawak ng internet ay hindi mo expected ang iyong makakasalamuha. Naglipana ang mga forum websites. Ito ang mga lugar kung saan puwede kang makatagpo ng kausap (iba ito sa chat dahil ang chat ay interactive). Ang forum ay message board lamang kung saan mababasa mo ang mga posted messages ng iba at puwede ka ring mag-post ng sarili mong message.

Ang isa sa pinakamalaking forum websites ng showbiz ay ang pinoycentral na sister website ng ABS-CBN. Pero marami ring ibang website na may showbiz topics. Isa sa napuntahan kong may showbiz topics ay ang music website na mahigit 100,000 ang members. May mga websites din na tungkol sa pagkain, tungkol sa art at meron ding semi-pornographic. All those sites ay may showbiz topics.

Karamihan sa mga issue ay luma na at mga blind item pa pero mukhang relevant naman. Nakakatuwa ring basahin ang mga ito dahil nostalgic ang dating at talagang mapapaisip ka kung sino nga ang tinutukoy sa blind item.

REWIND: Isang sikat na singer, actually napakasikat niyang singer during her time, na tumira sa isang exclusive village sa Makati. Walang kaabog-abog ay nag-petition ang mga homeowners para paalisin ang sikat na singer. Kawawa naman ang sikat na singer dahil ang kaso laban sa kanya ay “kabakyaan,” yun lang. Napakababaw naman pero siguro nga ay karapatan din ng mga homeowners na panatilihin ang katahimikan ng kanilang lugar. At dagdag pa nila, nababawasan daw ang pagiging class ng kanilang exclusive village.

FAST FORWARD: Nasa abroad ang sikat na singer at napabalitang nagkaroon ng kaso na sangkot ang drugs. Talagang makulay ang buhay ng sikat na singer. Actually celebrated ang kanyang marriages, that means yung first ay blockbuster at yung last ay controversial din. And in between the marriages ay puro intriga ang ibinunga ng kanyang mga relationship. Mahilig din siyang mag-ampon dahil nung bata siya ay inampon din siya ng isang kamag-anak.

REWIND: Isang respected comedian ang hindi ko mapaniwalaan na 9 pala ang naging asawa at hindi mabilang ang mga anak. Mas marami pa raw siyang anak kay Dolphy. Magaling magtago itong comedian dahil pati mga kaibigan niya ay napakiusapan niyang wag magsalita. At ang pagkakaalam ng public ay mahal na mahal ni comedian ang kanyang asawa dahil may mga kabayo siya na isinunod ang mga pangalan sa name ng kanyang tunay na misis. Until now ay walang ganyang issue sa mga dyaryo dahil mahigpit na bilin ng respected comedian na itago ang kanyang lihim.

FAST FORWARD: Matagal nang namatay si comedian dahil sa liver cancer. Naging opisyal siya ng kanyang town na ngayon ay lungsod na. Bukod sa pagpapatawa ay magaling din siyang mag-motorsiklo at mangabayo. Ang mga nasabing anak na nakatago ay pinatotohanan ng kanyang loyal sidekick. Sabi pa ng loyal sidekick, sobrang bait kasi ni Comedian at galante sa kaibigan kaya ang lihim ay lihim until now.

REWIND: Isang papasikat na singer, bigla na lang nag-asawa. Galing siya sa isang grupo ng school choir at nang magsolo ay nag-hit naman. Kaya lang, mukhang naunsyami ang pagsikat dahil bigla nga siyang nag-asawa. Hindi naman pikot dahil kusa naman ang pagpapakasal ni singer nang malamang buntis na ang kanyang bride-to-be. But actually, hindi yun ang kanyang totoong bride-to-be dahil merong girlfriend si singer. At ang beloved girlfriend ni singer ay younger sister ng pumikot sa kanya, sabing hindi pikot, kusa lang siyang nagpakasal at itinakwil ang kanyang beloved hipag.

FAST FORWARD: Sikat pa rin naman si singer dahil ang kanyang pinaka-karibal ay nasa Amerika na. At kahit sabihing may delikado siyang karamdaman ay patok pa rin ang kanyang mga concert. Sumusunod sa yapak ni singer ang kanyang mga anak na mukhang mahilig rin sa musika.

REWIND: Nabaliw na nga ang drama queen sa kanyang pag-ibig. Sa isang showbiz talk show sa TV ay nagtapat sa publiko si Drama Queen. At ang kanyang pag-ibig na isang tunay na Valentino ay lumitaw rin sa nasabing TV show na hindi lang amoy alak kundi halatang lasing pa. Malaking iskandalo ang nangyari dahil mismong sa TV show pa nag-LQ ang dalawang nagmamahalan. Kung bakit naman kasi pumatol sa isang matanda. But in fairness, iba talaga pag Valentino ang lalake, walang inuurungang babae kaya nga siguro napatihulog na si Drama Queen. Buti na lang ikamo at may mga well-meaning friends si Drama Queen na tinulungan siyang itaboy si Valentino. Aba, ano naman ang mapapala ni Drama Queen sa isang lalakeng sugarol?

FAST FORWARD: Nakaraos naman si Drama Queen. Matapos makapag-asawa ng isang palpak ay nakapag-asawa ulit ng isa namang matino. At suwerte rin dahil puro guwapo at puro mabait ang kanyang mga anak na puro lalake. Solved na si Drama Queen ngayon dahil very successful ngang matatawag pagdating sa career at sa isa pa nyang career. O, double career pa siya ngayon, ha?

REWIND: Halos lahat naman ng lalake ay pinaratangan na bakla. Pero itong Macho Man na ito hindi iisiping bakla dahil bukod sa guwapo at may pamilya ay dati pa siyang lumabas sa mga bold movies. Sabi nga ng isang director, nakakainggit si Macho Man sa dami ng babaeng natikman sa pelikula. Hindi sukat akalain na biglang mag-turn around ang bruha. At later in life pa nang magladlad siya ng true color. Nasaktan ang kanyang asawa kaya iniwan siya at pati na rin ang kanyang panganay na anak. Very degrading daw kasi ang maging karibal ng isang babae ay isang lalake.

FAST FORWARD: Mabuti pa si Rustom Padilla at nakamit ang kanyang hinahangad na paglaladlad pero si Macho Man ay pumanaw nang hindi man lang nakamit ang pangarap. Until now ay haunted pa niya ang pamilya, wika nga, dahil hindi na yata nagkaayos ang kanyang mga kamag-anak. Isang sikat na artista ang naging asawa ni Macho Man at galing siya sa sikat ding pamilya ng mga artista.

REWIND: Rape ng bold star? Ibang klase talaga. Pero hindi umandar ang kaso dahil sa balitang nagbayad ang mga akusado. Actually ay isang grupo itong Trio Los Bobos pero dalawa lang ang nakasuhan dahil dalawa lang ang talagang sangkot. Yung ikatlo nilang kasama ang matiyagang umayos ng kaso. Sa kabutihang palad naman ay pumayag ang mga nagrereklamo sa alok na pera. At suwerte namang later on ay namatay (o nagpakamatay) ang nagreklamong bold star. Pero wala naman daw kinalaman ang rape case sa kanyang pagkamatay kaya tuluyan nang naibaon sa limot ang rape case na yun.

FAST FORWARD: Mahirap banggitin ang mga akusado dahil bukod sa very successful na sila sa career ay very successful na rin ang kanilang lovelife. At gaya ni Drama Queen, ang isa sa kanila ay nagkaroon na rin ng double career. At very popular pa rin sila ngayon lalo na sa TV.

REWIND: Pretty Singer falls head over heels not once but twice. Yes, dalawang beses nagpakatanga si Pretty Singer, haay, iba talaga ang pag-ibig. Ngunit dala raw ng kabataan kaya masyadong nahumaling kay Action Star who is married na.

FAST FORWARD: Eto at married na naman ang boyfriend ni Pretty Singer. Pero hiwalay naman daw sa asawa at naghihintay yata ng annulment. Macho ang dating ni Pretty Singer dahil mukhang napasobra siya sa gym.

REWIND: Napaka-cute nya sa kanyang maiden movie opposite Dolphy. Maliit man si Cute ay inaasahang magiging star ito dahil sa kanyang magandang mukha. Pero hindi naman nangyari ang gayon dahil biglang nawala si Cute. Tahimik na nagpalaki ng tiyan at nagluwal ng baby courtesy of a very popular action star. Later on in life ay nag-shift sa comedy si Cute at nag-click naman siya kahit sa TV at sa movies man.

FAST FORWARD: Namatay na ang very popular action star at kahit naglitawan ang mga anak niya kung kani-kaninong babae ay never na na-mention ang anak niya kay Cute. Sa totoo lang, yung anak ni Very Popular Action star kay Cute ang panganay. Until now ay click pa rin ang comedy style ni Cute.

Marami pang lumang issues na mababasa sa iba-ibang websites ngunit magtitiyaga ka lang sa paghalukay sa mga bulletin boards nila. Maaaring intriga lang ang ibang chika at meron ding obvious na paninira lamang kaya dapat ay careful ka sa pagbabasa.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com