Dec 11
STILL ROLLING AT 50 by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Tue, Dec 11, 2012

Mick Taylor, Keith Richards, Billy Wyman and Mick Jagger. They are collectively known as The Rolling Stones which started their successful career in 1962.

The Rolling Stones was cited as the World’s Greatest Rock and Roll Band. Sila rin ay kasama sa 100 Greatest Artists of All Time. Ang kanilang album ay bumenta ng mahigit 200 million copies worldwide.

Katulad ng phenomenal Beatles, sa Europe unang sumikat ang The Rolling Stones bago nila pinasok ang larangan sa North America. The British Invasion ang tawag ng mga Americans sa panahong iyun ng 1965 to 1970.

Nagkaroon ng movie ang The Rolling Stones noong 1968 titled The Rolling Stones Rock and Roll Circus. Kasama sa movie si John Lennon at Yoko Ono, The Dirty Mac, The Who pati si Jethro Tull.

Unfortunately, hindi nagkaroon ng theater run ang The Rolling Stones Rock and Roll Circus. Fortunately, nagkaroon din ito ng international release noong 1996.

Noong 1969 ay nagkaroon ng problema ang The Rolling Stones sa kanilang member na si Brian Jones, sinasabing naging drug addict. In an amicable meeting, Jones agreed to voluntarily leave the band. After a month, natagpuang patay sa swimming pool si Jones.

Bilang tribute kay Brian Jones ay itinuloy nila ang concert sa Hyde Park ng London in front of 250,000 fans. Sa nasabing concert nag-debut si Mick Taylor, ang official na kapalit ni Jones.

Sa nasabing concert ay hindi mabilang na mga paru-paro ang pinakawalan para sa alaala ni Brian Jones. Ang stage manager ng Blackhill Enterprises na si Sam Cutler ang nagpakilala sa banda bilang The Greatest Rock & Roll Band in the World.

Ang kanilang most popular album na Sticky Fingers (released in 1971) ay sinundan ng 8 pang album na lahat naging number 1 sa US charts. Overall ay meron silang 24 albums released sa US.

A Bigger Bang ang kanilang latest album which was released in 2005 ay bumenta ng mahigit 1 million copies. Ang The Rolling Stones ay tinaguriang Top All Time Artists ng Billboard at kasama rin sa Billboard Hot 100 chart noong 2008.

The endurance of The Rolling Stones may be attributed to their discipline. Sabi ni Keith Richards, “Although it seems to be shambolic, it’s a very disciplined bunch.” Ang Beatles na pinakasikat na banda ay hindi umabot ng 20 years ang samahan.

Trademark ng The Rolling Stones ang performances with special effects like pyrotechniques. Sila rin ang nagpauso ng flying effect gamit ang wire cables na hinahatak sa backstage.


The Rolling Stones, from left: Mick Taylor, Keith Richards, Mick Jagger, Billy Wyman

Ang ilan sa mga sikat na kanta ng The Rolling Stones ay ang The Last Time, Ruby Tuesday, No Expectations at Honky Tonk Women. Sumikat din sa Pilipinas ang kanilang kantang I Can’t Get No Satisfaction.

Ironically, ang mga dating kanta na kinaiinisan ng mga magulang ay itinuturing na ngayong classic songs. Ang dating maingay at rowdy concerts ay naging symbol of stability ngayon.

Para sa kanilang 50th year in the band scene, the Rolling Stones have scheduled arena concerts at iba pang public performances mula November hanggang December ng 2012. Ito ay handog nila sa kanilang mga fans.

Bukod sa stage at television ay meron din silang pay-per-view performance sa cable channel. The ageless band with their unpolished rock ‘n’ roll music ay hindi inasahan na sisikat dahil sa kanilang radical approach sa music.

At 69 years of age, hindi na puwedeng asahan ang dating movements ni Mick Jagger. Ngunit may mga secret movements pa rin siya sa stage na ikinatutuwa ng kahit mga kabataang fans nila.

Rock-star rambunctiousness ang tawag ng The Rolling Stones sa kanilang stage performances. Hindi man maitago sa hitsura ang kanilang mga edad ay kaya pa rin nilang sumabay sa mga kabataan gaya ng ginawa nila noong 2011 Grammy Awards.

In a related topic, the reunion concert of Led Zeppelin in 2007 was a great success.

As per the Manila Bulletin news article: It was the first headline show by the band in 27 years, and according to Cineworld, it was the most over-subscribed gig in history after more than 20 million people applied for 18,000 tickets.

In the local scene, some promoters have been bringing the old bands like The Cascades and The Lettermen. As what an oldtimer said, “Buhay pa naman kaming fans nila kaya may tatangkilik pa sa kanilang concerts.”

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/