Jun 15
PAINITAN NG ISSUE by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 15, 2007

Kanya-kanyang painitan ng issue ang mga artista ngayon. Sabi nga ng ilang columnista, palibhasa ay mga palaos na kaya paggalingan ng gimmick para mapansin. But in fairness to the gimikero at gimikera, magandang respite ang mga papansin issues nila dahil katatapos lang ng election.

May katagalan na rin nang lumutang ang issue between Piolo Pascual at Ryan Agoncillo. Leading man ni Judy Ann si Piolo at alam naman ng lahat na si Ryan ang kanyang special someone na nagselos daw kay Piolo. Nagkaroon ng word war sa pamamagitan ng interviews at mga items na naglabasan sa dyaryo. Noong una ay ayaw aminin ni Juday na naiipit siya sa pagsasagutan ng kanyang leading man at boyfriend. Pero nang lumaon ay napilitang umamin si Juday na may hidwaan nga sina Piolo at Ryan pero hindi naman daw selos ang dahilan.

At dahil sa nalalapit na ang pagdaraos ng Bida Ng Buhay Ko – 20 Years of Judy Ann Santos, isang concert sa Araneta Coliseum, hindi kataka-takang buhaying muli ang alitan ni Piolo at Ryan. Balak raw ni Piolo na pumunta sa nasabing selebrasyon at malamang na maging daan iyun upang magkabati sila ni Ryan. Pero nagpa-unang salita agad si Judy Ann na hindi raw dapat samantalahin ang pagkakataon dahil parang magiging pilit ang nasabing pagbabati nina Ryan at Piolo. At hindi raw magandang ma-exploit ang kanyang anniversary concert para sa bagay na yun..

Dagdag pa sa concert ay ang Ysabella, ang upcoming teleserye ni Judy Ann.

Napakahabang panahon na at napakalaking espasyo na sa mga dyaryo ang kinain ng hiwalayang issue nina Ruffa at Yilmaz. Ngunit parang nag-e-enjoy naman ang mga readers dahil from time to time ay may mga bagong information na lumilitaw.

Matatandaan noong unang sumulpot ang issue ay todo-deny si Ruffa na may problema sila ni Yilmaz. Nag-extend lang daw siya ng bakasyon rito, sabi ni Ruffa, at busy naman sa negosyo ang asawang Turkish. Hindi naman nagtagal at umamin din si Ruffa na may konting problema silang mag-asawa. At kasunod nun ay ang pag-amin sa isang interview na patungo sa divorce ang kanilang relasyon.

Sa pamamagitan ng isang e-mail ay sumagot si Yilmaz. Nilinaw niya ang issue na nag-file na nga siya ng divorce ngunit mahal pa rin daw niya si Ruffa. Ang pinagtuunan ni Yilmaz ng galit ay isang taong mukhang-pera. Kahit hindi pinangalanan ni Yilmaz ang taong mukhang-pera, naglitawan sa mga tabloid ang pangalan ni Annabelle, ang very protective mother ni Ruffa.

As expected, rumepeke ang bibig ni Annabelle. At upang maitayo ang bandila nila ay ibinulgar niyang pinapahirapan ni Yilmaz ang anak niya kaya niya ito pinayuhang makipag-hiwalay. Bago pa man makasagot si Yilmaz ay lumabas sa column ni Dolly Ann Carvajal sa Inquirer na may isang Sharmaine Gutierrez na ikinasal sa isang Richard Daloia sa Las Vegas bago pa man makilala ni Ruffa si Yilmaz. Sharmaine ang tunay na pangalan ni Ruffa at walang duda na si Ruffa ang tinutukoy ni Dolly Ann sa kanyang column na ayon sa kanya ay galing sa isang Turkish website.

Parang bulkan na sumabog si Annabelle. Pati ang pagkatao ni Dolly Ann ay tinira ni Annabelle para pasinungalingan ang nasabing revelation na nakasal na si Ruffa bago pa man kay Yilmaz. Ang nakapagtataka lang ay wala namang denial si Annabelle at parang skirting the issue pa siya. Kung tigre si Annabelle ay leon naman si Dolly Ann. Matapos ang sandaling pananahimik ay kumuha lang pala ng buwelo si Dolly Ann. Hinamon niya si Annabelle na patunayang hindi si Ruffa ang nasa marriage contract sa Las Vegas records.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Hindi dumating ang expected reply ni Anna-belle at talagang natameme ang tigre sa hamon ng leon. Si Ruffa ang nagpa-interview. Totoo nga raw na naikasal na siya dati sa Las Vegas dala ng kanyang kawalang-muwang sa mundo. Bunsod ng kanyang kabataan kaya nangyari ang ganun. Pero alam naman daw ni Yilmaz ang lahat bago pa man sila ikasal. Itong huling interview ni Ruffa ay sinagot agad ni Yilmaz. Wala siyang alam sa unang kasal ni Ruffa at ayon sa batas ng Islam, batas ng Kristyano at batas ng bansa nila ay maaaring makulong si Ruffa sa kasong bigamy.

Ano pa nga’t parang walang katapusan ang sagutan nina Ruffa at Yilmaz kaya ang mga tao ay laging nakatutok sa parang soap opera ng mag-asawa. Kagaya nung STD issue ni Kris Aquino laban kay Joey Marquez, lahat yata ng showbiz reporters ay pumatol sa Ruffa-Yilmaz issue. Ang isang kapansin-pansin ay ang pananahimik ni Annabelle sa issue lalo na ang paratang niyang sinungaling si Dolly Ann.

At eto na nga ang sinasabing catch. Dahil lutang na lutang ang pangalan ni Ruffa ngayon kaya natural lang na malaki ang talent fee niya sa bagong pinirmahang contract sa ABS-CBN. Sabi nga ng isang veteran reporter na natatawa pa, napakahusay daw mag-preparasyon ang handlers ni Ruffa. Shades of the “Take it, take it” scam.

Ang isang hindi natutuwa sa mga nangyayari ay si Gretchen Barretto. Maraming nakakaalam na hindi in good terms si Gretchen kay Ruffa. Dahil dito ay hindi malayong mangyari ang pagka-inggit ni Gretchen sa kasikatan ni Ruffa ngayon. At upang hindi maiwan ng panahon ay may sariling gimmick si Gretchen.

Isang email ang natanggap ko mula sa isang kaibigan na nagtatrabaho sa isang network. Ang laman ng email ay ganito: Wag mong ikakalat dahil confidential ito. The two pics ay kuha ng pinsan ko.

Mahusay ang pa-epek ng e-mail dahil pag sinabing wag ikalat ay tiyak na kabaligtaran ang gagawin ng receiver. Ang sinasabing pics ay ang litrato ni John Estrada na katabi sa upuan si Gretchen Barretto. Ang isa pang litrato ay ang paghahalikan nina John at Gretchen. Scoop nga itong matatawag para sa mga madaling lokohin.

Kahit anong bagay yata ay napakabilis kumalat pag sa internet dinala. Hindi inabot ng dalawang araw ay lumitaw na sa tabloid ang nasabing attached picture sa padala sa aking e-mail. Ilang reporters ang nagtangka na ma-interview either si John Estrada o si Gretchen Barretto pero walang gustong kumibo. In other words, obvious na pinaiinit muna nila ang issue bago sila magsalita. Sabi ng isang columnista, mukhang tinitingnan muna kung matatabunan ang Ruffa-Yilmaz issue ng kissing picture ni Gretchen at John. To exploit the issue, ika nga, nag-interview pa ng isang graphics expert ang QTV para patunayan na totoo ang nasabing kissing picture. Pero wala naman silang maipakitang evidence. It was just another way para palawigin ang issue at mapag-usapan.

At dahil walang katapusan ang revelation on both sides ng Ruffa-Yilmaz controversy, nagsalita na rin si Boy Abunda, ang manager ni Gretchen. Totoo raw ang picture, totoo raw na naghalikan si Gretchen at John pero it was taken out of context. Friendly kiss lang daw yun at hindi passionate. Wag daw bigyan ng malisya dahil nakakahiya naman kay Tony Boy Cojuangco na asawa ni Gretchen.

Ang tanong naman ng ilang veteran showbiz reporters ay kung sino ang naloko ng nasabing kissing picture? Wala raw finesse ang pagsambulat nun sa internet at obvious na may gusto lang tabunan na issue.

Kahit ang disenteng Philippine Daily Inquirer ay pumatol na rin sa issue ng Ruffa-Yilmaz controversy. Ngunit ang tanong ng PDI ay kung bakit kailangang pag-aksayahan natin ng panahon ang mga bagay na dapat sa bedroom lang pinag-uusapan. Well, ang mga Pinoy ay natural na tsismoso at malikot ang pag-iisip. But in fairness, kesa sa pulitika ang pag-usapan, mas maigi na sigurong si Ruffa at Yilmaz na lang. Ewan ko lang kung may papatol sa kissing picture ni Gretchen at John. At lalo sigurong walang papansin sa mga papansin ni Piolo, Juday at Ryan.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com