Oct 09
KONTRABIDA ACTORS, APRUB! by Salve Grace B. Losbanes  |  Posted in Articles  |  on Tue, Oct 9, 2012

“Some villains are adorable, and it’s an achievement”. It may be just a simple comment I’ve read in Youtube while watching some videos, which make me think and say, “Oo nga naman”. Which is true not just in some foreign movies or dramas but also in our very own movies, basically referring to the male kontrabidas.

What some movie fans would refer to as kontrabida is someone who is involved in a group or syndicate, someone who is against the good intentions of the lead character or maybe someone who we would sense as nang-aagaw ng babaeng gusto ng bidang lalaki. Well, sa definition pa lang. nakakainis di ba?

But come to think of it, meron din namang mga dahilan para magustuhan ang mga kontrabidang ito, dahil sa iba’t ibang karakter at personalidad na ginagampanan nila, sa telebisyon o pelikula.

KONTRABIDAS ARE EYE-OPENER TO REALITY

Kadalasan, ang mga karakter ng kontrabida ay napapabilang sa isang malaking sindikato, or sa grupo ng mga mandarayang pulitiko, at sa huli ay napaparusahan. Kung iisipin, hindi naman maganda ang karakter na ito- pero, the characters are eye-openers na nangyayari talaga yun sa totoong buhay, at na kailangan nating maging mabuting tao, para hindi natin tahakin ang landas na meron sila.

KONTRABIDAS ARE CUTE

They are when they make cute and funny faces towards the lead female character. Yes naman, ito ang mga kontrabidang binabalak agawin ang mga babaeng mahal ng mga bidang lalaki. I find them adorable when they give sweet chocolates and beautiful flowers para mapasagot ang babae, dagdag pa kung magaling talagang mambola at makukuha ang mga chicks sa charm nila. Even though towards the end, the ladies would still say “NO”, though sometimes, some of these kontrabida look better together for the ladies than with the bida.

Speaking of charm, mas effective ang pagganap ng kontrabida, kapag siya ay may physical charm sa totoong buhay. To mention some, the Legaspis are handsome and talented actors, especially sa pagganap ng kontrabida and the Gutierrezes are too. With their charms, you would really get confused if would you like them or still hate them.

KONTRABIDAS ARE INTO DRAMA

Sabi ng iba, hindi daw astig ang isang lalaki kapag umiiyak. I beg to disagree, because as a movie fan, nakaka-excite manood ng isang action movie na kung saan may puntong iiyak ang kontrabida. Weird di ba, but true, may mga nakikita akong kontrabida sa mga Filipino movies na madrama. Minsan, sila yung may mga karakter na pinipilit lamang gawin ang isang bagay na ayaw nila, o di kaya yung parang nasa huli ang pagsisisi dahil sa na-realize nila na nasaktan pala nila ang babaeng mahal nila.

I’m so teeny to realize those kind of things, pero gusto ko naman, kahit minsan lang, mabigyan ng emphasis ang mga kontrabida na meron rin naman silang good side. Anyway, yun nga, may mga kontrabidang madrama, and I would love to see some of them portraying like that.

BIDA – KONTRABIDA BROMANCE

“Bro-mance” ang term na tinatawag sa dalawang actor na maganda ang chemistry sa pelikula o telebisyon. I started this next description sa kontrabida, because I’m referring to the bro-mance ng bida at kontrabida. Isa sa mga nakakaaliw sa pelikula ay kapag nakikita ko ang isang magandang chemistry sa kanila ng bidang actor.

When watching movies, isa sa mga nakakaabang talaga ay ang batuhan ng linya o pakikipagsapakan ng bida at kontrabida. Isa sa mga nagpapaganda sa isang pelikula ay kapag meron silang eksenang magkasama, nakakatindig-balahibo na nakakabilib.

For example, ang isa sa pinakagusto kong Bro-mance ay sina Jeric Raval at Kier Legaspi. Wala lang, nakakatuwa kasing panoorin silang dalawang nag-aaway (sa movie lang), at mahirap humanap ng kampihan, dahil pareho silang pogi at effective umarte, pero syempre, I’ll take the side of Mr. Raval.

KONTRABIDANG BEST ACTOR

Would anyone agree with me if I say most of the best actors in the industry are kontrabida actors? Halimbawa lang naman ay ang kakapanalong Best Supporting Actor sa Luna Awards na si Mr. John Regala na kilala bilang isa sa mga gumaganap ng kontrabida roles.

Meron din namang mga kontrabida actors na di lang kayang maging pakon-trabida kundi pati na rin comedy- why not say nina Mr. Rez Cortez na aliw na aliw talaga pag gumanap ng gay role, the late Paquito Diaz at iba pa. Additional factor why kontrabidas are adorable is because THEY ARE BEST ACTORS.

Ilan lamang yan sa mga nakikita kong dahilan at masasabing, “movie kontrabidas are adorable”. We may say, extra lang sila sa kwento, but come to think of it, isa sila sa nagpapadagdag ng spice at nagpapaganda ng timpla ng kwento.

Isa lang ang kontrabidang gusto kong makitang gawin pa ng mga magagaling na director natin. These are the villains that the audiences would love to hate, at the beginning of the story and hate to love towards the end of the story.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/