Oct 27
MORE HIGHLIGHTS and SIDELIGHTS by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Oct 27, 2004

Todo na ‘to! Ang FAP Awards Night ang pinaka-sosyal na sosyalan sa movie industry sa taong 2004. Bukod sa formal attire ay bumaha ng artista sa Cultural Center noong July 3. At hindi tulad ng nakagawiang awards night, itong 22 nd Film Academy Awards ay very orderly.

Very imposing ang presence ni Christopher De Leon kaya lang masyado siyang malikot kaya hindi na-capture ng camera namin. Gusto siguro ni Boyet na mabati ang lahat ng naroon. Ganoon din si Caridad Sanchez, halos lahat yata ay binati (pati nga ang photographer namin nabati rin). Napaka-prim and proper ni Mother Lily Monteverde at hindi mo iisiping big time producer.
Glaiza De Castro caught the fancy of some directors. Arsenio “Boots” Bautista remarked that Glaiza would surely hit it big if given the right project. Romy Suzara agreed with no hesitation. However, we are not sure if the movie producers spotted Glaiza from the crowd of stars.


Glaiza De Castro with Arsenio “Boots” Bautista, Rolly Ruta, Atty. Espiridion Laxa and Romy Suzara.

Pagala-gala rin ang mga Starstruck idols at very accommodating sila sa photo-op. Napansin namin na hindi pa sila feeling star at talagang down-to-earth ang mga ngiti nina Rainier Castillo at Mark Herras. Siyempre kasama nila sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi pati na ang ibang Starstruck survivors. Hindi rin feeling star sina Katherine Luna at Kristofer King ng BABAE SA BREAKWATER. Tahimik lang sila at panay ang ngiti.
Natulala kami sa pagpasok ni Albert at Liezl Martinez sa CCP. Lutang na lutang ang porma ng 3 anak nila. Sayang, hindi namin na-interview ang mga bata kasi mukhang English speaking eh.


Handsome son and pretty daughters of Albert Martinez and Liezl.

Paglabas ng CCP ay nakaabang ang ilang hundreds of fans. Nakakagulat ang sigawan nila ng “Mang Boy” o “Mamboy.” Nanikit na pala kay Johnny Delgado ang character niya sa TV program na ALL TOGETHER NOW. Kung sabagay, ilang beses din siyang tinawag ng “Mang Boy” ni Pops Fernandez while hosting the show.
Pero walang tatalo sa lakas ng cheers para sa Diamond Star, mula sa mga fans at kapuwa artista. Masayang-masaya ang mukha ni Maricel Soriano sa pagkakapanalo niya ng Best Actress.