Jul 10
CITER SIDELIGHTS by Alex J. Socorro  |  Posted in Articles  |  on Tue, Jul 10, 2012

Here are some snapshots during the viewing of Citers for the Luna Awards which was held in the Film Academy reception hall during the period June 26 to July 6, 2012.

Senior Year. Madaling maka-relate dahil lahat naman tayo ay nagdaan sa high school. Kaya lang sa dami ng characters ay hindi nailatag nang maayos at nakagulo pa ang mga flash forward. In fairness, mahusay ang acting ng mga students na obviously hindi naman talagang artista.

Zombadings. Masakit sa mata ang cinematography dahil hindi maayos ang lighting. Parang walang kuneksyon ang zombies sa story kaya hindi worth na gamiting title.

In fairness, mahusay ang acting ni Mart Escudero lalo na sa eksenang nagiging bakla siya involuntarily. Maganda ang takbo ng story kaya lang nasira sa ending dahil nawala na sa logic yung mga zombie.

Thelma. Marami ang nag-akala na film bio ito ni Elma Muros. Nakakapagod ang shooting dahil puro takbo ang ginawa ni Maja.

Ang Babae Sa Septic Tank. There’s not much relevance with the title dahil punchline lang pala ang septic tank scene. Cute ang character ni Cai Cortez na walang dialogue. Mahusay talagang magdala ng eksena si Eugene (Domingo).

Dragging ang scenes sa umpisa lalo na yung pagpapakain ng noodles sa 7 bata. Nasobrahan din ang mga tracking shots kung saan laging nakasunod ang camera kahit saan pumunta ang artista.


Direk Jun Posadas flanked by Robert Abihay and Roger Baruelo

Panday. Kahit pambata ay entertaining dahil maganda ang photography at matindi ang production design.

Presa. Hindi maganda ang topic na negative (prison life). Pero mahusay ang drama scenes dahil magaling ang acting ng mga artista.

Segunda Mano. Dapat ang title ay “Madilim at Maulan” dahil lahat ng eksena ay madilim at kadalasan ay umuulan. Deserving si Dingdong sa best actor award ng MMFF.

Kingpin: Asiong Salonga Story. Obviously malaki ang budget sa production design, simula sa attire hanggang sa props na mga baril, kotse at lugar.

Out of synch sa period ang mga salitang bosing, sira-ulo, balimbing at respeto. Mas tama ang tsip o boss, hibang, doble-cara at paggalang. Hindi rin usual ang gamit ng Diputado dahil matagal nang wala ang mga Kastila. Mas appropriate ang Congressman.


Snack time for the Citers

Forever And A Day. Pilit ang story at hindi maganda ang ending dahil parang wala namang redeeming value. Walang chemistry si KC Concepcion at si Sam Milby kaya hindi na-achieve ang romantic angle ng team-up.

The Road. Pilit ang pananakot sa audience – after the opening sequences ay boring na ang mga eksena dahil expected na ang mangyayari. Magulo ang sequencing dahil sa flashback kaya hindi smooth ang flow ng story.

Parang imposibleng maging pulis ang isang psychopathic killer. Hindi naman pala supernatural ang dahilan kaya bakit doon sa kalyeng iyun nasisiraan ang mga sasakyan?

No Other Woman. Simpleng love triangle, nakakapagtakang kumita ng 200 million. In fairness, ipinakita ang life of the rich and famous.


Musician Mar Lopez in a light banter with Jun Garlan at right. Sitting at his back is composer and film director Pablo Vergara.

My Househusband. The usual comedy ni Juday at Ryan na expected na ang mga twists and turns ng story. Buti na lang andun si Eugene kaya hindi naging corny.

Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Very literary at walang commercial value. Dragging dahil masyadong mahaba ang mga eksena ng sayaw at eksena sa classroom. Trying hard maging malalim kaya hindi maintindihan ng viewer. Not entertaining at all.

Yesterday, Today and Tomorrow. Masalimuot ang story pero behind the drama are some good points like forgiveness and the value of relationship.


Directors Bert Ortega and Cloyd Robinson

My Neighbor’s Wife. Another movie about the rich. Magaling ang acting ng mga lead actors pero parang wala sa lugar ang aggressiveness ng character ni Anne Curtis at ang pagiging submissive ng character ni Derek Ramsay.

The Citer is the first group of the Luna Award process to screen the movies shown last year. Unlike in the previous years, the working guilds were allowed to appoint 5 Citers each.

Comments to this article can be sent to ajsocorro@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/