May 04
BEHIND THE CAM by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 4, 2012

Part 2

The production of the film LARGAAA gave me an insight on how a movie is made.

And what caught my curiosity was not what the camera was capturing but what was happening behind the camera.

THE SET. It may be interesting to note that the set is prepared by a Setman upon the instruction of the Art Director. These guys are under the jurisdiction of the Production Designer. Under din sa PD ang Wardrobe Director.

It is obvious that the Production Design is actually a group. May sarili silang transportation, normally a van, for their staff, props, tools, supplies and other art materials. “Minsan kasi may biglang kailangan na props,” sabi ng PD.


Walter, the Setman, flanked by Line Producer Alex Socorro and awarded Production Designer Fritz Silorio.

Especially sa mga scenes na kainan, dapat kumpleto sa gamit ang PD group, mula sa plato hanggang sa pitsel at pati na rin ang pagkain. Pati sigarilyo ng talent (sa eksena) ay provided rin ng PD group.

The Setman is like a utility. According to Walter, carpentry is the basic skills required in their work. They should also be healthy because their primary work is to carry things. By the way, Walter was bitten by a horse during the shoot in the ranch.

The Wardrobe Director keeps track of the clothes worn by the talents. Marami ang hindi nakakaalam na ang shooting ay hindi ayon sa sequence ng script. Puwedeng sa first day ay yung ending kaagad ang ma-shoot at sa last day naman ang opening sequence.

Continuity ang tawag ng PD group sa mga attire ng talents. Halimbawa na ang eksena ay sa living room at aalis patungong office, dapat na yun pa rin ang suot pag sa office na ang shooting. Take note na magkaiba ng location ang living room sa office.

The overall set design is the creation of the PD group. Kasama na rito ang props na kung minsan ay parang hindi naman relevant (in layman’s eyes). Katulad ng shooting sa ranch, nagpausok pa ang PD group dahil it enhances the scenery, sabi nila.

ASSISTANT DIRECTOR. The AD or Assistant Director is the boss in the set. Siya ang namimili kung anong eksena ang isu-shoot at kung saang specific na lugar (sa location na kanilang kinalalagyan).


Assistant Director Rommel Mayo (in white) giving instruction to the talents for their required movement

Ang AD rin ang namamahala sa blocking, ito ang pagposisyon ng mga artista sa harap ng camera. Kapag mali kasi ang blocking ay mawawala sa frame ang artista, dahilan para ulitin ang take. Ang AD ang nagsasabi kung tolerable o hindi ang crowd sa paligid.

May mga shooting na ang AD ang sumisigaw ng “Action” dahil ang Director ay nakatutok lang sa monitor (kadalasan ay malayo sa set). Sa ganitong sitwasyon, ang AD rin siyempre ang sisigaw ng “Cut!”

ASSISTANT CAMERAMAN. Meron palang Assistant Cameraman na base sa nakita ko ay alalay ng Cameraman sa pagpuwesto ng camera. Kailangan din ang opinion niya kung anong lens at filter ang gagamitin.

Minsan ang Assistant Cameraman na rin ang nagiging Focus Puller. Ang Focus Puller ang nagme-maintain ng focus sa subject kapag gumagalaw ang camera o ang subject. Kahit iba-iba ang movement ng camera, dapat na hindi nawawala sa focus.


Joshua Oliveros, the Assistant Cameraman who sometimes handles the work of the Clapper

Marami ang camera crew gaya ng Clapper na siyang tagahawak ng Clap board, ang identifier ng sequence na kinukunan. Meron ding Uploader, ang tagalipat ng footage from the camera into the computer.

PRODUCTION MANAGER. Ang main job ng PM, ayon sa nakita ko, ay ang pag-handle ng mga resources like talents and logistics. Sa PM lumalagpak ang mga problema ng talents particularly kapag may conflict of schedule.

The PM also sees to it that, aside from the talents, the production staff and crew are served meals. Importante kasi ang pagkain sa production people. Dapat ring tingnan ng PM ang mga idiosyncrasy sa pagkain kasi may mga taong hindi kumakain ng meat.


PM Vangie Bulay beside Assistant Cameraman Joshua Oliveros carrying the styro panel. In the background is PA Japo Parcero and Footage Uploader Alvin Mayo.

All unforeseen problems ay sa PM din ang punta. Example, kapag may nagkasakit o nagkaroon ng hindi magandang incident sa set. Kapag kulang ang talent, gaya ng extra o bit roles, ang PM ang humahanap on the spot.

PRODUCTION ASSISTANT. Ang Production Assistant o PA yata ang pinaka-popular na secondary member ng Production staff. Maraming klase ang PA at kadalasan ay hindi masyadong defined ang trabaho. Pero hindi totoong taga-timpla ng kape ang PA.


The PAs of LARGAAA: Angel Morales, Chean Santos, Sean Andrei

Ang mga PA ng artista ay nabansagang “personal alalay” dahil lagi silang nakadikit sa artista na kanilang pinagsisilbihan. Ang totoo ay sila ang nangangalaga at nangangasiwa sa mga gamit lalo na ang wardrobe ng kanilang talent.

There’s also a PA in the set na parang Assistant to the Assistant Director. Sa aking nakita, ang PA on the set ang pinagsusulat ng revised dialogue, minsan crowd control, field cashier at pati utility work ay pinatulan na rin.

Sa shooting sa racetrack, ang PA ang nakipag-usap sa mga race people na gagamiting extra like jockeys, practice riders and even trainers. Pati trouble-shooting ay hawak rin ng PA gaya ng mga shortages ng resources like drinking water.

Ang overall work ng PA ay to provide assistance to the Production Manager. Kaya kung tutuusin ay training ground ng mga Production Manager ang PA work.

Hindi pala biro ang shooting at kaya napakalaking halaga ang nagagasta sa isang shooting day dahil hindi simpleng proseso ito. At sana ay maganda ang kalalabasan ng shooting para matuwa naman masulit ang pagod ng production people behind the movie.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/