Mar 31
FEEDBACK RE THREE ARTICLES by Alex J. Socorro  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 31, 2006

via email to Alexander J. Socorro

DIG SHORTS, issue of Feb. 24, 2006

Your mention of Kidlat Tahimik is very nostalgic indeed. If memory serves me right, his Mababangong Bangungot won the Top Cash Award. I hope you will write more articles of this kind. (torrin_usa@yahoo.com)

AJS: Mababangong Bangungot won the International Critics Award of the Berlin Film Festival in 1977. The Top Cash Award of Mannheim Film Festival in 1981 went to Turumba, another masterpiece of Kidlat. Other short films he directed are Sinong Lumikha ng Yoyo? SinongLumikha ng Moon Buggy? in 1982, Why is Yellow the Middle of Rainbow? in 1994 and Japanese Summers of a Filipino Fundoshi in 1996.

By the way, Eric De Guia’s petition for the legal use of the name Kidlat Tahimik was granted approval by the Family Court in Baguio but the Office of the Solicitor General elevated the case to the Court of Appeals in 2002. A source from Baguio City confirmed that the Family Court’s decision was eventually upheld by the CA in 2003. The reason for the name change was that “Eric De Guia” reflects colonialism and that “Kidlat Tahimik” is so indigenous and fitting for a deep-rooted Filipino like him.

Madali ang mag-shoot ng digital short kung may camera kaso problema ang pag-edit. May editor ba sa FAP na libre? (songrenada@yahoo.com)

AJS: May Editor’s Guild sa Film Academy ngunit malamang ay hindi sila makakatulong sa iyo dahil abala sila sa kanilang hanapbuhay.

Ayon kay Director Felix Dalay (in a recent Digital Film-Making Workshop), madaling matutuhan ang Adobe Premiere 6.5 version lalo na kung nakakaintindi ka ng computer. Sinunod ko siya at sa loob ng isang linggo ay marunong na akong mag-edit ng mga video clips na mula sa aking digital camera. Kung wala kang mahiraman ng installer ng Adobe Premiere ay maaari kang maghanap sa internet o kaya ay puwede kang pumunta sa Film Academy of the Philippines para kopyahin ang kanilang installer. Ang anti-piracy law o IPR (Intellectual Property Rights) na ipinaiiral ng BSA ( Business Software Alliance) para sa mga computer software ay hindi sumasakop sa mga computer na gamit pambahay lamang kaya hindi illegal ang gagawin mong pagkopya ng installer kung para sa pansariling gamit lamang.

VIDEO PIRACY – REALITY BITES, issue of Mar. 2, 2006

Video piracy is rampant, it is almost everywhere. I wonder why you say there is no Tagalog DVD. And how can video piracy be curbed when even organizations in the movie industry like the Film Academy of the Philippines are subscribing to the pirated DVD copies? At least that’s what I heard from friends in show business. (email address withheld as requested)

AJS: As what was written in the article, video piracy is indeed rampant and blatant. About the Tagalog DVD, the same outlet that I visited is now selling Tagalog titles but at 100 pesos per DVD. However, the vendor wouldn’t give a straight answer to my query why the English titles can be had for only 60 pesos. Your guess is as good as mine. And if you care to know, pirated video vendors also sell DVD cases for five pesos each. That’s the black plastic which includes the glossy and colored mini-poster of the movie that you would buy – looks very original. And for an added information, I was able to acquire my own DVD player recently, giving me more reasons to spy on the pirated DVD vendors.

It may be anathema to the morals that the Film Academy is duplicating videos for their film review. But considering the budgetary requirements of sending the reviewers a pirated copy in case any of the 130 citers and 60 nominators couldn’t attend the official viewing at the FAP office, perhaps FAP had earned the privilege for that purpose. Let it be said that the Film Academy is vehemently against video piracy and this practice of duplication is only being resorted to in order to save on expenses especially now that the annual budget for the Film Academy was reduced to 1/3 of what it usually gets.

If you will only analyze very well, where is the master coming from? Why don’t the FAP make an investigation on this so they will know that the film editor is the one coming out with the master copy of pirated videos. (email address withheld as requested)

AJS: Yes, there is a high probability that the film editor has the opportunity to get a clean copy to be later on used as master for pirated videos. However, the Film Academy doesn’t have the logistics for such an investigation, not to mention that piracy does not fall under FAP’s jurisdiction. This matter of investigating is better left with the OMB.

Dito sa California, meron ding pirated discs pero talagang mahirap makabili dahil bukod sa mahigpit ang mga authorities ay merong kusa ang mga tao. Nakakahiya kasi na mahuling bumibili ng pirated discs. Katulad noong araw sa Pilipinas, nakakahiya ang maging mahirap pero ngayon ay parang isang karangalan na ito. Kaya kahit bawal ang pirated discs pero kung may bibili, may magtitinda. (louie272005@yahoo.com)

Madaling sabihin na dapat ay magkaroon tayo ng moral consciousness sa pagbili at paggawa ng mga illegal ngunit napakahirap nitong gawin. Hindi madali ang pigilin ang mga tao sa pagbili ng mura dahil kahit diyan sa Amerika ay nag-uubos sila ng oras sa paggupit ng mga coupons upang makakuha ng discount. Ang pinaka-praktikal sa ngayon ay ang pagpigil sa pagtitinda ng mga illegal na bagay dangan nga lamang, nakakapagtaka din kung bakit hindi sila hinuhuli ng mg pulis at tanging ang OMB (Optical Media Board headed by Edu Manzano) lamang ang nagtitiyagang mag-raid. Kung nabalitaan mo ang pag-raid sa 168 Mall sa Divisoria, majority ng mga goods na nakumpiska ay puro smuggled. Wika nga ni Mayor Lito Atienza ay tama ang kutob nila na smuggled nga ang mga paninda sa 168 Mall. Inabot ng mahigit isang taon bago napatunayang tama ang kutob ng butihing alkalde ng Maynila. Malay natin, baka makutuban rin niya na puro pirated DVD ang mga nagkalat sa sidewalk ng Maynila.

GAME OVER, issue of Mar. 17, 2006

Nakakatuwa and kuwento mo ng game shows. Siguro mahilig ang family ninyo sa mga game shows kaya nanalo ang kapatid mo at ang hipag mo. Makatotohanan ang pagkakasulat ng article mo kaya naniniwala akong puro totoo ang lahat. (maytsi2004@yahoo.com)

AJS: Tama ka, talagang nakakatuwa ang mapanood ang kapatid mo sa TV lalo na kapag ito ay nanalo. Hindi ko nga napigilan ang pagtawa nang sabihin ni Kris Aquino na si Arlene (bunso kong kapatid) ay nagmula pala sa lahing Kastila. Hindi siguro ako sanay sa kasinungalingan kaya kinilabutan ako nang ipa-close up pa ni Kris ang blue-green eyes ng aking kapatid. Alam kong mahal ang pagkakabili ni Arlene sa blue-green contact lenses. In fairness kay Arlene, marami siyang talents, mula sa pagluluto, pagtitinda ng kung anu-ano hanggang sa pag-oorganize ng mga parties at pati pagho-hosting. At mahilig talaga siyang magbasa ng mga libro.

Si Winnie naman na aking hipag ay nataranta sa pagkakapanalo kaya agad niyang tinawagan si Arlene upang puntahan siya sa studio. Kaya pala hindi agad ibinibigay ng MTB ang pera ay upang bigyan ng pagkakataon na makahuma muna ang nagwagi dahil baka maubos lang sa pagbibigay ng balato Ngunit noong araw ding iyun ay naiuwi na nila ang mga kagamitang nagkakahalaga ng P80,000. May nakahandang truck pala roon na ang upa ay P2,000. At matagumpay ang MTB sa isang linggong palugit bago ibigay ang premyo dahil si Winnie ay hindi namigay ng balato kanino man.

Based sa experience mo, napatunayan mo na totoo ang mga premyo sa game shows. Naniniwala din ako na minsan ay peke ang mga nanalo gaya ng mga celebrities, di ba? Bakit kailangang manggaya tayo ng game show tapos magbabayad ng sinasabi mong franchise fee. Hindi ba puwedeng mag-imbento na lang tayo? Maraming magagaling sa atin, di ba? (email address withheld as requested)

AJS: Ang mga producer ang nagpapasiya kung anong game show ang ipapalabas nila. Siyempre tinitingnan din nila ang anggulo ng tutubuin (profit). Hindi biro ang mag-produce ng game show na hindi naman kakagatin ng publiko kaya minsan ay handa silang magbayad ng franchise fee para magamit ang matagumpay na game show sa ibang bansa. Magandang halimbawa ang Pinoy Big Brother kahit hindi ito game show. Ito ay subok na dahil naging matagumpay din ito sa Australia. Sa tingin ko ay hindi naman nagkamali ang ABS-CBN at malamang ay sulit ang franchise fee na kanilang ibinayad sa Big Brother.

I just want to congratulate you on your article Game Over. It was neatly crafted and so vivid a retelling especially the anecdotes on your family. Do you write for other publications? (hold_barred@hotmail.com)

AJS: Kudos appreciated. I’m a free-lance writer and I occasionally submit contributions to Manila Bulletin and Philippine Panorama. In case you are interested in fiction stories, I have some pieces in www.fantascific.blogspot.com that you can feast on.

(Note: Some of the letters were edited for easier reading.)

Comments to this article can be sent to ajsocorro@yahoo.com