Feb 11
SOME LOVE STORIES by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Sat, Feb 11, 2012

Part 2

Valentine’s Day was invented not really for the lovers but to remind us that love makes the world go round. In other words, ang pag-ibig o pagmamahalan ay napakahalaga sa buhay ng tao.

Sa mga kabataan sa showbiz ay magandang example ang relationship nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sa kabila ng kanilang kasikatan ay halos walang narinig na intriga o mga maselang issues tungkol sa kanilang relasyon.

Bago kay Marian, si Dingdong ay nanggaling sa relationship nila ni Karylle. Si Marian naman ay single nang mag-umpisang maging bida sa Marimar although may mga nagsasabi na boyfriend nya noon si Ervic Vijandre.

Another paragon of good relationship is the partnership of Toni Gonzaga and Paul Soriano. Walang issue, walang intriga. Si Paul ay director na apo ni Nestor De Villa, ang perennial screen partner ni Nida Blanca.

Ipinagmamalaki rin ni Angelica Panganiban ang matibay na relationship nila ni Derek Ramsay. Sa kabila ng mga intriga na kesyo kasal o may anak si Derek ay nanatiling sila pa rin. Matatandaan na na-intriga rin si Angelica nang maging mag-screen partner sina Derek at Gretchen Barretto sa Magkaribal ng ABS-CBN noong 2010.

Maganda rin ang image projection nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Ang kanilang kapalaran ay maging kaiba sana sa kapalaran ng kanilang mga magulang. Si Carla ay anak ni Rey PJ Abellana kay Rhea Reyes habang si Geoff naman ay bunsong anak ni Gina Alajar at Michael De Mesa.

With their clean image, marami ang kinikilig sa napipintong relasyon nina Kim Chui at Xian Lim. Ang partnership ay nag-ugat sa teleseryeng My Binondo Girl ng ABS-CBN. Accidental nga raw ang pairing nila dahil si Jolo Revilla ang intended partner ni Kim.

Ayon sa mga fans, natagalan daw bago naka-recover si Kim sa kanyang failed expectation kay Gerald Anderson. With Xian, we have a first hand information na si Erich Gonzales ang talagang apple of his eyes.

Marami ang nanghinayang ng hindi matuloy ang romance nina Anne Curtis at Sam Milby dahil bagay daw sila (in appearance). Until after more than a year ay walang declaration ng reason of separation nila.

Currently, happy naman si Anne kay Erwan Heussaff, the brother of Solenn. Incidentally, naging hit ang AnneBisyosa, ang first concert ni Anne na sa Araneta Coliseum idinaos in late January of 2012.

Going strong daw ang relasyon ni Maja Salvador kay Mateo Guidicelli. It will be remembered that in September 2011, during the Star Magic Ball of ABS-CBN, ay napabalitang nagkaroon ng physical confrontation sina Mateo at Coco Martin.

Ang dahilan ng engkuwentro ay si Maja na screen partner ni Coco sa Minsan Lang Kitang Iibigin, ang hit teleserye ng ABS-CBN. Selosan daw ang dahilan. Pero being gentlemen that they are, wala namang derogatory remarks na binitawan sina Mateo at Coco.

From a failed relationship with Shaina, si John Prats ay nakabangon sa tulong ni Bianca Manalo. Hindi man sila bagay dahil malaki ang agwat ng kanilang height, pilit naman nilang pinapatunayan na height doesn’t matter.

Si Shaina naman ay girlfriend pa rin ni John Lloyd Cruz. Ngunit nabalot sila ng intriga nang mapasali ang pangalan ni Ruffa Gutierrez. It turned out na si Ruffa ay dating karelasyon ni John Lloyd.

Maganda ang rigodon of love na nangyari kina Bianca Gonzales at Zanjoe Marudo. From her relationship with Director Lino Cayetano, si Bianca ay naging girlfriend ni Zanjoe na umusbong sa stint nila sa loob ng PBB’s Bahay Ni Kuya.

From Bianca, si Zanjoe ay lumipat kay Mariel Rodriguez. We all know that Mariel ended up as the wife of Robin Padilla samantalang si Zanjoe ay very contented sa relationship nila ni Bea Alonzo.

Hindi raw kontra si Gov. Vilma Santos sa confirmed relationship ng anak niyang si Luis Manzano kay Jennylyn Mercado. Binata si Luis samantalang si Jennylyn ay may anak kay Patrick Garcia.

Unang naging showbiz boyfriend ni Jennylyn si Mark Herras, ang kanyang screen partner at kapuwa ultimate Starstruck winner. Si Luis naman ay naging boyfriend ni Angel Locsin for a time.

Magandang abangan ang confirmation ng pinag-uusapang romance nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Dito naman ay may anggulong age doesn’t matter. Pero sa ngayon pa lang ay tila kumokontra na ang anak na si Oyo Boy Sotto.

Sa mga sikat na singers ay kapansin-pansin ang pagiging single ni Sarah Geronimo, Charice Pempengco, Karylle at Yeng Constantino. Bata pa kasi si Charice samantalang si Sarah naman ay priority ang pamilya. As with Yeng, itinatanggi niyang isa siyang gay habang si Karylle ay enjoy sa pagiging single.

Kapansin-pansin din ang pagiging single ng mga sikat na comedians: Aiai Delas Alas, Pokwang at Eugene Domingo. Si Aiai ay may mga anak from failed relationships at ganun din sa Pokwang. Si Eugene naman ay certified single since birth.

Lastly, marami ang matutuwa kung magiging totoo ang unconfirmed relationship nina Angel Locsin at Phil Younghusband. Matatandaan na naging boyfriend ni Angel ang namayapang si Mico Sotto.

Single man o hindi, ang Valentine’s Day ay isang araw upang bigyang pansin ang kahalagan ng pag-ibig sa ating buhay.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/