Feb 04
SOME LOVE STORIES by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Sat, Feb 4, 2012

Part 1

Valentine’s, the day for the romantics, young or old, single or married, male or female or of any gender, race or creed. For everyone who believe, this day means love.

For the romantics, the love affair of Gloria Romero and Juancho Gutierrez stands out in my list. Hindi naman dahil high school classmate ko si Tinka Gutierrez, ang pamangkin ni Juancho.

It was made in heaven, yan ang tawag nila sa kasalang Gloria at Juancho noong araw. Perfect couple daw dahil parehong mabait ang bride and groom at pareho pang sikat sa local movies.

But like a movie, their relationship turned sour. Naghiwalay si Gloria at Juancho sa hindi malamang dahilan although maraming mga speculations. Ang only child na si Maritess ay naiwan kay Gloria.

Sa paglipas ng panahon, walang mag-aakala na babalik si Juancho sa piling ni Gloria. But this time, may sakit na si Juancho. After a stroke, naging malala ang kanyang kalagayan dahil sa diabetic complications. And in 2005, at the age of 73, Juancho expired due to cardiac arrest.

Ang isa pang magandang love story ay ang kay Susan Roces at Fernando Poe, Jr. Ang naturingang Queen and King of Philippine movies ay naging mag-asawa noong 1968. Ang civil wedding ay pinagtibay ng church wedding the following year.

Hindi kaila na may anak si FPJ sa iba-ibang babae. In fact, si Lovi Poe na kasaluyang sumisikat ay anak niya sa isang dating starlet/model. At si Grace naman ay hindi rin kaila na adopted nila ni Susan. By the way, Grace Poe Llamanzares is the current chair of MTRCB (Movies and Television Review and Classification Board).

But despite FPJ’s ways with women, ang marital relationship nila ni Susan ay nanatiling matibay. At nang mamatay si FPJ noong December 2004 ay sinariwa pa ni Susan ang kanilang pagtatanan.

Ang character actor at hated kontrabida na si Rodolfo Boy Garcia ay unang ikinasal kay Zeny Zabala. After their separation, Boy lived with Lucita Soriano, another character actress and famous kontrabida.

Very stormy daw ang pagsasama nina Boy at Lucita. Matapos maghiwalay ay umabot pa sa court battle ang pag-aagawan nila sa kanilang anak. Unfortunately for Lucita, natalo siya sa kaso.

Dahil sa anak ay napilitang muling makisama si Lucita kay Boy. However, Boy suffered a fatal stroke which took his life on July 17, 1997. And like a real love story, namatay si Boy sa kandungan ni Lucita.

One love story worth mentioning ay ang kay Gary Valenciano at Angeli Pangilinan. Gary was being matched with Angeli’s younger sister. Sa hindi malamang dahilan ay kay Angeli bumagsak si Gary.

Contrary to the predictions, naging maganda at matibay ang pagsasama ni Gary at Angeli. Having 3 children, alagang-alaga pa rin ni Angeli ang health ni Gary who is afflicted with diabetes.

Who would forget the first celebrated beach wedding in the country? It was between Nora Aunor and the youthful Christopher De Leon. As expected, naghiwalay ang mag-asawa after having an only son in the person of Ian.

Despite the setback, suwerte pa rin si Boyet (nickname of Christopher) dahil natagpuan niya si Sandy Andolong who proved to be his fair match in life. And after 5 kids, nananatiling magkasama pa rin sina Boyet at Sandy.

Hindi nalalayo sa kapalaran ni Christopher De Leon ang kinahinatnan ng screen partner niyang si Vilma Santos. Matapos ang failed marriage kay Edu Manzano ay natagpuan ni Vilma ang love of her life sa katauhan ni Ralph Recto.

Nakakatuwang marinig na sa isang disco sa Makati nagkakilala si Vilma at Ralph. At parang love story sa movies, hindi pinapansin ni Vilma ang binata kahit sabihing sikat ang pamilya ni Ralph sa Batangas.

Eventually ay tinugon din ni Vilma ang pagkatok ni Ralph sa kanyang puso. Bukod sa magandang pagsasama ay may bonus pang natanggap si Vilma dahil si Ralph ang naging gabay niya sa kanyang political life.

From being the mayor of Lipa, Vilma Santos Recto is now the governor of Batangas. Si Ryan Christian ang anak ni Vilma kay Ralph samantalang si Luis Manzano, na isa ring artista at effective tv host, ay nagmula naman kay Edu.

Another celebrated wedding was that of Robin Padilla and Mariel Rodriguez. After a whirlwind courtship, the lovers were married in India, sa mismong templo ng Taj Mahal which is actually the tomb of Muntaz Mahal.

Ang nasabing kasalan ay makalipas ang divorce ni Robin kay Liezl Sicangco, ang ina ng kanyang 4 na anak. Si Mariel naman ay galing sa failed relationship niya kay Zanjoe Marudo, isang model/actor.

Marami ang nagdadasal na sana ay matuloy ang kasalang Dolphy at ZsaZsa Padilla. Sila ang nagpapatunay that age doesn’t matter in love. At sa kabila ng mga naging problema ay puwede nilang sabihin na all is fair in love and in war.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/