Jan 27
JUST TRYING TO BE CONTROVERSIAL by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jan 27, 2012

Billy Eichner is a very good example of a tv host who is trying to be controversial for the sake of being controversial. At ano ang ginagawa niya para maging controversial? Simple, sumisigaw lang siya hanggang maturete ang ear drum ng viewers.

Billy On The Street is a sort of game show which feeds on, as the title implies, the people on the streets. Kahit sinasadya ang kanyang pagsigaw, lagi naman itong may dahilan kaya parang natural na rin ang dating.

Aside from the excessively loud volume of his mouth, marami pang ibang gimmick si Eichner. In local parlance, masasabing pinaglalaruan niya ang mga taong nakakasalamuha niya sa kalye.

Ang kadalasang biktima ni Eicher ay ang mga taong naglalakad ng mabilis sa kalye. It’s easier to solicit a good answer mula sa taong nagmamadali. Sino ba naman ang mag-iisip ng magandang sagot sa kalokohang tanong kung ikaw ay nagmamadali?

At ang mga tanong ay hindi naman mahirap sagutin pero hindi rin madaling sagutin. Isang halimbawa ay “Would you like to have a three-way with Michael Bublé and Josh Groban?” Ang maselang topic ng sex ay naturally controversial, hindi ba?

Kahit sinong babae ang batuhin ng ganung katanungan ay tiyak na matitigilan lalo na kung seryoso ang taong tinanong. And considering that the prize is just one dollar, siguradong hindi na nila pag-iisipang mabuti ang sagot.

Isang lalaki ang tinanong ni Eichner, “True or false, Zac Efron looks like he wants to be molested by an older person?” Zac Efron played the lead role in the very successful High School Musical.

Ang style ni Eichner ay maihahalintulad sa gimmick ni Mo Twister sa kanyang radio program noong araw. But unlike the street people, ang mga biktima ni Mo Twister ay mga celebrities na invited niya.

Ang Forbidden Questions ni Mo Twister sa radio ay naging controversial dahil sa mga controversial questions. Example, “What do you dislike about showbiz?” Sinong taga-showbiz ang makakasagot ng ganyang tanong?

Depende rin sa tinatanong, paano sasagutin kung alin ang better station, ang GMA-7 o ang ABS-CBN? May mga tanong din maseselan o for adults only. “How old were you when you lost your virginity?”

Fortunately, mga lesser stars lang ang pumapatol sa interview ni Mo Twister. Incidentally, si Mo ay nasa Amerika na upang magpagaling ng kanyang broken heart dahil sa paghihiwalay nila ni Rhian Ramos.

Sa local television, controversial naman ang Face To Face. Halaw sa tv show ni Jerry Springer sa Amerika, ang show ni Amy Perez ay ang pagtalakay sa mga problema o issues ng mga common na tao.

Barangay level – yan ang consensus ng mga first time viewer. Kababawan naman ang opinion ng iba. Pero maganda ang ratings ng Face To Face dahil tinatangkilik daw ito ng mga misis na walang magawa sa hapon.

Kadalasan ay scandalous ang mga issue kaya siguro tinatangkilik ng mga viewers. Isang housewife na pumatol sa pinsan ng kanyang asawa. At mismong sa show ay aaminin ng babae that she seduced the cousin who is actually the father of one of their children.

Most of the cases in Face To Face are about relationships, mag-asawa, lovers, babae at lalake, kasama na rin ang gay. The husband is suspected of having an affair with a gay neighbor. Eventually, ang husband ay umamin at iniwan pa ang kanyang asawa.

Hindi pa nagkasya sa Face To Face dahil nagkaroon din ng katulad na tv program si Ali Sotto. Ang Personalan ay copycat na masasabi dahil ang mga tinatalakay na issue ay walang kaibahan sa Face To Face.

Isang anak na binata, nag-uwi ng hospitality girl. Nang hindi tanggapin ay iniwan ng binata ang pamilya. Makalipas ang ilang buwan ay nakipagbati ang ina ng binata sa kabila ng pagbubuntis ng hospitality girl.

But aside from the controversial issues being tackled in Face To Face and Personalan, both shows tend to be scandalous. In the guise of presenting the sides of warring parties, hindi naiiwasan ang mainit na argumento.

Pangkaraniwan din ang sigawan at minsan ay nagmumurahan pa ang mga protagonists. May mga instances na may physical encounter na nangyayari katulad ng sampalan o batuhan.

In fairness to these kind of programs, nakaka-relate ang audience dahil realistic ang mga nakikita nila. Although maraming nagsasabi na scripted daw but the reaction of the warring parties looked very natural.

In the end, may redeeming factor effect. Sa Face To Face ay may 3 so-called na Tagapayo na kadalasan isa doon ay psychologist. And the hosts of both programs also give advice at the end of the show.

Controversial shows come and go. In the olden days, ilang beses na-suspend ang talk show ni Inday Badiday dahil sa mga controversies na dala ng kanyang mga guests. Remember the pukpukan ng microphone by Divina Valencia?

Perhaps it just goes to show that our tv audience prefer variety. So that means controversial shows are here to stay.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/