Jan 06
PRIMETIME TV FOR 2012 by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jan 6, 2012

The major networks have done their homework for 2012. Compared sa 2011, ang mga primetime shows this year are very promising in terms of innovation.

Very heavy ang casting ng Legacy ng GMA-7. Pinagtapat si Heart Evangelista at Lovi Poe. Kasama rin ang magpinsang Geoff Eigenmann at Sid Lucero. For major support naman sina Alessandra de Rossi, Solenn Huesaff at Eddie Garcia.

Kasama rin sina Cherie Gil, Jackielou Blanco, Bela Padilla at Ryza Cenon. In the flashback, Dennis Trillo and Bianca King will be portraying the parents of a young Heart Evangelista samantalang si Raymond Bagatsing naman ang sasalo sa role ni Dennis sa paglaki ng character ni Heart.

A big-budgeted soap, Legacy is directed by Jay Altarejos.

Speaking of budgets, hindi rin biro ang production ng Walang Hanggan ng ABS-CBN. This soap is culled from the 1991 hit movie Hihintayin Kita Sa Langit which starred former sweethearts Richard Gomez and Dawn Zulueta.

Walang Hanggan is also being topbilled by Richard and Dawn but their original characters are now played by Julia Montes and Coco Martin. Kasama sa heavy casting sina Susan Roces at Helen Gamboa. In supporting roles are Rita Avila, Melissa Ricks and Paulo Avelino.

The plot is about an adopted boy and the daughter who fall in love with each other. And to put a twist, hindi sila magkakatuluyan dahil ang daughter ay magpapakasal sa isang mayaman samantalang ang adopted boy ay lalayo at babalik na isang mayaman na.

The plot is very similar sa The Promise. Ito ang movie ni Richard Gutierrez at Angel Locsin noong 2007 mula sa Regal Films. Incidentally, si Raquel Villavicencio ang scriptwriter ng The Promise at ng Hihintayin Kita Sa Langit.

Another poignant love story mula naman sa GMA-7 ay ang My Beloved. Ayon sa media release, “GMA Network happily announces that no other than Philippine television’s primetime queen Marian Rivera will be the leading lady of Dingdong Dantes in the upcoming series My Beloved.”

Naunang announcement na si Rhian Ramos ang kapareha ni Dingdong pero dahil sa mga nasty video sa internet ni Rhian at Mo Twister ay pinalitan siya. First considered replacement was Carla Abellana pero for unknown reasons ay hindi ito natuloy.

My Beloved is not the usual love story because of its supernatural flavor. Can you imagine an Angel of Death falling in love with a mortal woman? Just for this, the soap is already worth watching.

Also in the cast of My Beloved are Mikael Daez, Katrina Halili, Paolo Contis, Jennica Garcia, Carl Guevarra, Louise delos Reyes, Alden Richards, Nova Villa, Chanda Romero and Fabio Ide.

My Beloved is directed by Dominic Zapata from the script of RJ Nuevas, Des Garbes-Severino, Vien Ello and Obet Villela.

Power play naman ang tema ng Alta mula sa ABS-CBN. Sa mga pangalan pa lang ng characters ay obvious na kayamanan ang pinag-uusapan. Maura Leviste at Rosenda Leviste ang characters ni Gretchen Barretto at Angelica Panganiban (respectively).

Ang original title ng Alta ay Alta Sosyedad. It also stars KC Concepcion as Morinda Sorteja and Luis Manzano in the role of Raul Estrada. Kasali rin sina Diether Ocampo at Zanjoe Marudo.

Another soap from ABS-CBN is Padre De Pamilya. Heavy casting din ito na pinangungunahan nina Christopher De Leon in the title role, Piolo Pascual at Jericho Rosales.

From the original title na Sa Ngalan Ng Ama, it was pre-empted by Sa Ngalan Ng Ina of TV5 which has Nora Aunor in the lead role. Coincidentally, dating mag-asawa sina Nora at Christopher.

Others in the cast of Padre De Pamilya are Maricar Reyes, Rafael Rosell, Denise Laurelas, Sandy Andolong, Tetchie Agbayani, Rey PJ Abellana, Malou Crisologo and Jeffrey Santos. Padre De Pamilya is directed by Darnel Villaflor.

Cute ang dating ng musical na Biritera of GMA-7. Nagkaroon pa ng audition para sa singing child star na bida dito. Leading the cast of Biritera are Dennis Trillo, Glaiza De Castro and Angelika Dela Cruz.

Reality shows naman ang handog ng TV5. Their best bets are Extreme Makeover, Dance Nation and Kanta Pilipinas. Paolo Bediones and Tess Prieto will banner Extreme Makeover kasama sina Divine Lee at ang kanilang official design team.

From the title, obvious na singing contest ang Kanta Pilipinas at gagalugarin nito ang buong bansa para makakuha ng mga worthy contestants. Ganun din halos ang tema ng Dance Nation pero ito ay para sa mga dancers naman.

Another reality show from TV5 is The Biggest Game Show in Asia. To be hosted by Joey De Leon and Richard Gomez, this show will have contestants from Thailand, Malaysia, Indonesia and, of course, the Philippines.

Speaking of reality shows, meron ding panlaban ang ABS-CBN. Ang pagbabalik ng Queen of all Media, si Kris Aquino ang host ng Kapamilya, Deal or No Deal together with her 26K beauties.

Meron din silang X Factor, Master Chef Pinoy Edition at Biggest Loser Pinoy Edition: Doubles version. Ang X Factor ay singing contest to be hosted by KC Concepcion with known singers acting as judges.

For sure, the ratings game will be hotter and hotter this year.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/