Dec 22
MMFF-P 2011 by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Thu, Dec 22, 2011

Very promising ang Metro Manila Film Festival-Philippines ngayong 2011 kung quality ng movies ang pag-uusapan. Ang 7 entries ay nagpapaligsahan hindi lang sa casting kundi pati na rin sa story at production design.

Sayang at may 2 entry na umatras – Hototay ng Regal Films at Mr. Wong ng RP Productions. Nagkasakit daw kasi si Nora Aunor, ang lead star ng Hototay, samantalang si Robin Padilla ay umamin na kapos sa panahon para matapos on time ang Mr. Wong.

Fortunately, the list was complemented by Kingpin of Laguna Governor E.R. Ejercito. Ito ay hango sa Asiong Salonga na pinagbidahan ni Joseph Estrada noong araw.

Narito ang mga official entries ng MMFF 2011:

Pinangungunahan ng perennial top grosser na Enteng series, this time ay mas matindi ang casting sa pinagsamang Vic Sotto at Ai-ai Delas Alas. Ang Enteng Ng Ina Mo ay mula sa pinagsama-samang lakas ng ABS-CBN Productions, OctoArts Films, M-Zet Films at APT Entertainment. Ito ay sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

Kasama rin sa cast ng Enteng Ng Ina Mo sina Marvin Agustin bilang panganay na anak ni Ina (Ai-ai), Oyo Boy Sotto, Carlo Aquino, Alwyn Uytingco, Nikki Valdez, Aiza Seguerra, Bing Loyzaga, Amy Perez, Gwen Zamora, Ruby Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Xyriel Manabat, Eugene Domingo, Lara Quigaman, Ciara Sotto, Megan Young, Jon Avila

Makikipagtunggali kay Enteng at Ina si Flavio. Panday 2 ang ipinagmamalaki ng magkasanib-puwersang GMA Films at Imus Productions na pinangungunahan ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Marian Rivera.

Kakaibang visual effects ang napapaloob sa Panday 2. Ang iba pang kasama sa casting ay sina Philip Salvador, Eddie Garcia, Alice Dixon, Iza Calzado, Lucy Torres, Kris Bernal. Ito ay sa direksyon ni Mac Alejandre.

Malakas na tawanan ang pangako ng OctoArts Film sa kanilang entry na My Househusband, Ikaw Na! Ang real-life husband and wife tandem ni Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang main cast nito.

Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, kasama rin sa cast sina Eugene Domingo, Boots Anson-Roa, Agot Isidro, Rocco Nacino, Francine Prieto,

Para sa mahilig sa drama ang handog ng Studio 5, TV5 at Regal Entertainment Films. Ang Yesterday, Today, Tomorrow ay directed by noted writer Jun Lana.

Ang main cast ng Yesterday, Today, Tomorrow ay sina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Ronaldo Valdez, Agot Isidro, Jericho Rosales, Lovi Poe, Dennis Trillo, Carla Abellana, Paulo Avelino, Solenn Heussaff, Eula Caballero.

Tuloy-tuloy pa rin ang tradisyon ng pananakot sa Christmas season dahil sa Shake Rattle and Roll 13, another trilogy from Regal Entertainment Films at Regal Multimedia, Inc.

Tamawo ang first episode directed by Richard Somes. Parola ang sumunod na episode sa direksyon ni Jerrold Tarog. Rain, Rain, Go Away ang huling episode directed by Chris Martinez.

Ang complete casting ng SSR 13 ay sina Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Kathryn Bernardo, Sam Concepcion, Edgar Allan Guzman, Louise Delos Reyes, Boots Anson-Roa, Ara Mina, Dimples Romana.

Ang susubok na bumangga sa moog ng SSR ay ang Segunda Mano ni Kris Aquino at Dingdong Dantes. Directed by Joyce Bernal, ito ay mula sa ABS-CBN Productions at MJM Productions.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Angelica Panganiban, Helen Gamboa, Jhong Hilario, Bangs Garcia, Angel Jacob, Ian Veneracion, Rico Blanco, Sofia Millares.

Last but not the least ay ang Manila KingPin: The Untold Story of Asiong Salonga na hango sa original na Asiong Salonga. Shot (almost) entirely in Pagsanjan, Laguna, it is directed by Tikoy Aguiluz with a production cost of 75 million pesos.

Mula sa Viva Films at Scenema Concept International, ang Manila Kingpin ay pinangungunahan ni Jeorge E.R. Estregan at Carla Abellana. Kasali rin sina Valerie Concepcion, Philip Salvador, Baron Geisler, Yul Servo, Dennis Padilla, Ping Medina, Ronnie Lazaro, Jaycee Parker Paloma, Gerald Ejercito, John Regala.

Dahil kinang ng mga entries ay inaasahang madadaig ang nakaraang box office sales na 500 million. Ang MMFF ay magsisimula sa December 25 at tatakbo hanggang January 7.

Note: Ang mga movie posters ay dinampot sa startriga.blogspot.com.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/